Chapter 19

891 30 12
                                    

Nishi is here! Nishi is here! Bakit ba siya nandito?

"Garcia, Zyren I." tawag nung prof sa akin as I entered the room. Wow, sakto ako sa roll call, hindi ako late! On the other hand, masama ang loob ko. Walang sinabi si Adrian na magta-transfer yung half-japanese, half-anaconda na yun.

"Present po," mabilis akong naglakad papunta sa upuan ko. May iniabot sa akin na papel si Alexander. Check your phone.

Hello! Good morning! I am Nishi Star Tanaka Perez and I am glad to be here at Westville High! You can call me NISHI, I mimic her in my thoughts. NSTP?! Bwahahaha, parang community service lang ah! Hindi pwedeng nandito siya sa school. Hindi. No. No.

"NO!!" sigaw ko with matching hampas pa sa desk ko.

"Ms. Garcia... Can you please explain why Mr. Santos could not join music club?" Nahulat ako sa itinanong ni Sir Music sa akin, ano namang pakialam ko kung sumali siya dun.

"Tinatanong ni Sir si Alexander kung sure na daw ba siya sa pagsali sa music club. Bakit ka nag-NO? Ikaw ba si Alexander? Uyy, possessive!" pang-aasar pa ng seatmate kong si Jean.

"Take you seat, please," sabi ni Sir. Nakakahiya 'yung ginawa ko. Pinagtatawanan ako ng mga kaklase ko buong period, nangunguna na si Cheska na pinauulit ulit na nire-reenact nila 'yung ginawa ko kanina. Si Alexander naman mukhang nag0-eenjoy pa. Hay, mababaliw na 'ata ako bago ako makagraduate.

At dumating na nga ang pinakahihintay kong oras ngayong araw, ang lunch. Una dahil tapos na ang pang-aasar sa akin ng mga kaklase ko, pangalawa gutom na talaga ako at pangatlo kasabay ko ang boyfriend ko.

"Ang haba ng hair mo, Zyren! Sinusundo ka na ng prinsipe mo!" napatingin ako sa labas ng classroom nung sumigaw yung mga classmate ko. Nandun nap ala ang chinito.

"Kambal, sama ka?" aya ko kay Cheska. Nagtaas lang siya ng kilay at ngumisi.

"Ayoko, ayokong magutom ako dahil lang sa kawalan ng gana," seryoso niyang sabi. "At saka mag-ingat ka," sabi pa niya na may halong pagbabanta. "Baka matisod ka sa buhok mo. Haba eh, pagupit ka minsan ha?"

I shrugged. Pumunta na ako sa pintuan para sumama kay Adrian. Pakiramdam ko, isa akong daga na naligaw sa bahay ng mga pusa. I could see Adrian's fan girls stare, head to toe then back to head.

"Stay here, ako na lang bibili ng pagkain," sabi ni Adrian as I sat down sa table na pinareserve niya. Iba kasi pag gwapo, may privilege eh. Tsk.

"Grabe! Si Kevin pa 'yung bumili ng pagkain!"

"Oo nga. Kung ako sa kanya pagsisilbihan ko ang isang Adrian Kevin Valdez."

 
"Grabe ha. Tinuhog ang magbestfriend."

"Tama! Ang kapal ng fez, 'kala mo kagandahan. Flatscreen naman!"

Ano naman kung.. kung FLATSCREEN, at least may mapapanood. Mga inggitera! At talagang hindi pa nila hinintay na umalis kami, or ako para mag-chismisan sila ng ganyan. At ang hinding hindi ko mapapalampas sa sinabi nilang..

"Maganda yung transferee. Nishi ba yun? So perfect. Walang wala yang babaeng yan. At sobrang bagay sila ni Kevin."

"Di ba pareho sila ng club na sinalihan?"

"Naku. Baka bumuntot lang yang si Garcia kay Kevin. Naku naku!"

Gusto ninyo ng away, ha. Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanila. NUng mapadaan ako sa sterilizer ng utensil ay kumuha ako ng tinidor.

"Mga insecure din kayo eh, no? Ano naman kung bagay sila? Ako naman ang mahal niya. Isa pa, pwede kung pag-uusapan ninyo ako, lumayo layo kayo sa akin. Nakakahiya naman kasi 'yang pagbubulungan ninyo. So obvious," naka-cross arms kong sabi.

LESS THAN THREE: TWO DIVIDED BY ZERO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon