15: Flashback: What's Their Name?

123 4 0
                                    

Van's POV:

Nandito na kami ni Wolf ngayon sa parking lot ng Condo na pag-aari namin, nakapg ayos na rin kami at naisuot na namin ang mga mask and tuxedo na gagamitin namin para sa party. Isang kotse lang ang gagamitin namin ngayon dahil kaylangan naming mag sama para maging mas madali ang gagawin namin. Sumakay na kami ng kotse kong puti, We will use my car dahil ito ang pinakamabilis na car ko, kahapon ko lang to nabili kaya lang sobrang mahal pero worth it naman. Simple lang ang mask na suot namin, black and silver ang color at mata lang ang natatakpan. 

sumakay na ko sa kotse at ganun din si wolf, ako ang driver kaya sa passenger seat nakaupo si wolf. Pinaandar ko na ang makina ng sasakyan at nagsimulang magmaneho papunta sa king crown hotel. 

"time check 8:30pm, may 30 minutes pa tayong natitira 9:00pm pa naman ang party" sabi ko

"good, tinawagan ko nga pala kanina yung tauhan natin sa mafia dito at ang sabi nila, sila na raw ang bahala sa mga tauhan ng 4 na mafia leaders na nandun sa party, ganun rin sa mga tauhan ng black angel mafia"" sagot ni wolf

"how about the, guns?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya, dahil nakapokus ako sa daan

"here, hindi tayo pwedeng magdala ng malaking baril dahil mahahalata yun ng mga security sa party" Inabot nya sakin ang 2 hand gun

itinigil ko muna ang sasakyan sa gilid at kinuha ko yung dalawang baril, isinuksok ko yung baril sa secret pocket ng tuxedo na suot ko at ganun rin ang ginawa ni Wolf. Pagkatapos nun ay pinaandar ko uli ang makina ng sasakyan at nag drive na patungo sa King crown hotel.

......after 5 minutes.....

nakarating na rin kami sa parking lot ng king crown hotel , naglakad na kami hanggang sa mapunta kami sa harap ng hotel na pagdadausan ng party. Tulad ng inaasahan, mahigpit ang security dito dahil buong parte ng hotel, maging sa parking lot ay may nagbabantay. Hindi naman nahalata ang baril namin dahil nakatago nga yun. pagkatapos kaming kap-kapan, nakapasok din kami sa hotel. Maganda itong hotel na to, unang tingin mo pa lang alam mo ng pang mayaman. Red, white and Gold ang motif ng party dito. may malalaking chandelier na nakabitin sa pinaka taas ng hotel. Yung mga round table ay nakabalot ng red and white na cloth, at mamahalin rin yung mga wine dito na sineserve ng mga naka uniform na lalaki, karamihan sa mga nagtratrabaho rito ay mga tauhan rin namin sa mafia. Mauutak din kasi yang mga yan eh kaya nakahanap ng magandang disguise, marami na ring nagsasayaw sa dance floor, nasa gitna to ng party hall. sa Gilid ay may malaki at mahabang hagdan na red carpet ang nakalatag, papunta to sa second floor ng hotel, mulas sa second floor matatanaw mo ang mga nagsasayaw dito sa baba.

"hey wolf, parang mas maganda kung dun tayo sa itaas magmamasid" sabi ko sa kanya

hindi na sya nagsalita at pumunta na sa second floor, sumunod na lang ako at nung nandun na kami pinagmasdan namin ang mga nagsasayaw.

"I think karamihan ng mga dumalo sa party na ito ay mga mafia" komento ko habang nakatingin sa baba kung saan makikita ang mga taong nagsasayaw.

"yeah, oo nga pala, yung 4 na mafia leaders na target natin pati na rin yung 2 heir ng black angel ay may reservation sa hotel na ito, dito sila magpapalipas hanggang bukas, nalaman ko rin lahat ng room numbers na tutuluyan nila, yung  4 ay magkakaiba ng rooms pero magkakatabi lang ang room nila. Yung dalawang heir ng black angel mafia ay magkasama naman sa iisang room sa pinaka mataas na floor ng hotel" wolf said habang nakatingin rin sa mga taong nagsasayaw sa baba

"Alam mo na ba kung ano ang mga room numbers nilang lahat?" tanong ko na hindi pa rin inaalis yung tingin sa baba

"yeah, gusto mo na bang sabihin ko sayo" wolf said, lumingon na sya sakin ngayon

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon