88: Detailed Ambush Plan

53 1 0
                                    

Light's POV:

pinanood ko si Alexa na barilin si Jack mula sa likod. Alam kong dito sya pupunta. kararating ko lang din at hindi ko nakita ang buong nangyari

"Alexa" lumapit ako at hinarap nya ko "A-alexa?!" mabilis akong lumapit nang makita ko ang dugo sa katawan nya. Bigla akong nakaramdam nang takot dahil huling beses na nakakita ko nang dugo ay namatay ang kaybigan ko

Nawalan nang malay si Alexa saktong pagkarating ko sa tabi nya. Binuhat ko sya papalabas nang mansyon nang hindi malaman ang gagawin. She killed the guards outside. She was fueled by anger

"Dad!!!" sigaw ko nang hindi malaman ang gagawin. I can't loose her too

"wag ka mag-alala sa tyan lang ang tama nya. Use this to cover her wound" inabot ko ang inabot ni dad na malinis na towel "idiin mo sa tama para hindi maubos ang dugo nya" nangginginig kong inilagay ang towel sa sugat nya. Nagdalawang isip pa ko kung ididiin ko o hindi pero sa tingin ko mas maganda na medyo madiin para mabawasan ang dugong nawawala sa kanya

"Hang in there" I said tense. Pinagpapawisan na ang noo ko sa takot. Nakarating kami nang ospital at dinala si Alexa so operating room para tanggalin ang bala. Nanatili kami dun hanggang sa iconfine si Alexa. They said 3 days sa ospital si Alexa pero pinilit nyang umuwi nang hapon. Alam ko kung bakit. The hospital remind her of his twin brother

"Mauna na po ako, pakisabi kay Alexa wag muna syang gumawa nang kilos. Tell her I'll talk to her later" paalam ko kay tito Rain. Pumasok na sa loob si Alexa nang maihatid namin sya dito. Hindi naman kami nakakapag-usap kahit kanina sa loob nang sasakyan

Binigyan ako nang maliit na tango ni tito Rain kaya sumakay na ulit ako sa sasakyan ni dad at bumalik na kami sa sarili naming bahay. When will everything be okay?

"She took out two of them already only the king remains" bulong ni dad. In my head I'm already formulating every details of my plan. I won't let dad go to an all out war with Clovis. This is our fight therefore Clovis will be our kill for the taking

"May plano na ba kayo dad?" pasimpleng tanong ko. Kung may plano na sila mas mabuti kung mas maaga kong kakausapin si Alexa. Sa tingin ko kaylangan nyang sumama at sya mismo ang makakita sa pagpatay kay Clovis

"What do you mean?" dad asked I know he's already suspicious of me

"It's just that-I don't think killing the king would do us any better-I mean come on, we did that and look where it take us. Blake was dead" huminga nang malalim si dad

"The truth is-wala pa. Masyado pang maaga para kila Rain. Gusto nila but their acting on rage so I won't allow it-at least not for now" tumahimik na ko matapos nun. Hindi ko pa nakakausap si Alexa. Sa tingin ko hindi rin magiging madali dahil ayaw nya rin akong kausap. Madalas lang kaming nagsisigawan sa maliliit na bagay. Kapag pupunta ko sa kanila at papakainin sya hindi nya ko kinakausap. Kapag naman na open ang topic kay Blake palagi na lang syang nagagalit. Kapag sasabihin ko sa kanyang wala ring say-say ang pagmumuk-mok nya dun naman magsisimula ang away namin

"Why don't you try to talk to Alexa. Pupunta rin kami sa kanila mamayang gabi para samahan sila Rain. Pumayag naman na si Wolf kaya sumama na kayo nang kapatid mo"

"She don't want talk to me but I'll try" sagot ko. Pagkababa namin agad na akong naligo at nahiga sa kama. I spent my day sleeping and reading books but I really can't concentrate. Pumasok din sa isip ko na ayain sila Blake na maggala then I remembered-he's gone at hindi rin maiging masaya kung kami lang ni Raven

Kinagabihan nakagayak na kaming lahat para puntahan sila Alexa. Bumalik kami sa bahay nila "Tito puntahan ko lang si Alexa" paalam ko kay tito Rain at nagmamadali na kong umakyat sa kwarto nya. Inabutan ko syang may hawak na camera at umiiyak. I slowly closed the door behind me. Pinanonood na naman nya yung vinideo ni Blake na episode nang 3 musketeers. Nakakalungkot lang isipin na hindi na ulit mauulit yun. He forgot to film the last episode dahil naging masaya sya masyado nang makarating na kami sa tanawan

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon