80: First Performance

80 4 0
                                    

Blake's POV:

"Baby Alexa, pano nang gagawin natin!!!" wala nang pag-asa. Bakit ba bindi namin naisip yung performance. Ngayon na gaganapin yun. Patay kaming lahat. A-atend pa naman ngayon si Pumpkin ko tapos wala man lang kaming maiprepresent

"Pwede ba Blake, kumalma ka nga. Para kang natatae" tingnan mo tong kambal ko, kalmadong kalmado pa rin eh kami nga ni Shane nagwawala na sa loob nang kwarto sa hindi malamang gagawin mamaya

"Leave that two behind, I want tea, let's go downstairs Alexa" lumabas na sila Alexa at Light. Wala talagang pakisama yung mga yun, talagang walang pakielam. Pano na yan?

"Waaah Raven anong gagawin natin?!" see pati si Shane natataranta na din

"Bahala na mamaya, basta kumanta na lang tayo. tara kain muna tayo sa baba" isa pa tong si Raven eh. Wala rin syang pakielam

"Kakain eh wala pa nga tayong naprapraktis na kahit na ano" nakasimangot na sagot ni Shane. She does have a point there

"Ok lang yan,everything will work out fine" kampanteng sagot ni Raven habang nakaupo sa kama. Ni hindi man lang mababakas ang pag-aalala sa mukha nya

"Fine eh papano nga eh wala pa naman-ahhhhh!!!" huminga ko nang malalim at pinanood si Raven na inilabas si Shane buhat-buhat nya na parang sako nang bigas. Pano na gagawin namin? panonoorin pa naman ako ni Aira. Tawagan ko na lang siguro

Inilabas ko ang cellphone ko at kaaga na idinial ang number ni Aira

"Hello Pumpkin?"

"Ohayo, Blakey!" napakamot na lang ako nang ulo. Putsa, excited na sya eh ako natataranta

"ohayo Pumpkin, I was just wondering where did you stay with your family?" nandito na sila sa pilipinas. Tinext nya kasi ako kagabi na nakaland na raw sila pero hindi ko natanong kung san sila tumuloy

"At the hotel Veniz, just wait for us Blakey. We'll be there before your performance" anak nang-wala pa ngang ipeperform eh. Bahala na nga mamaya

"I'll see you later then. Dad said yesterday that he already send guards there for your security. Allways bring them with you K pumpkin?"

"Yeah sure, then I would be like a super rich kid walking to my big palace with all those guards hihi" Napangiti ako sa sagot nya. Ano kayang magiging reaksyon nya pag nalaman nya kung ano ang mafia? kung malaman nya na kabilang ako dun? bet I need to ready myself for that

"Ok, i'll just wait for you then" binaba ko na ang tawag at bumaba sa dining room. Wala pa nga samin ang nakakaligo o nakakapagbihis maliban na lang kay tita Rachelle na excited na sa performance mamaya. Kung alam nya lang sana na wala man lang kaming naumpisahan.....

Umupo na ko at nagsimulang kumain. Nagkunyari na lang ako na prepared kami sa performance, ganun rin ang ginawa ni Shane pero nang tinanong sya nila tito Van kung bakit para daw syang natatae, ang sabi nya na lang ay naasiman daw sya sa pagkain. Si Baby Alexa, Raven at Light naman ay cool lang, walang pakielam sa mundo. How can they pull that off? baka naman wala talga silang pakielam haay. School nila yun tapos ako pa ang pinaka concern

Nang matapos na kaming kumain ay dumiretso na kami sa school. Sinalubong kami nang head principal sa classroom ang sabi namin, prepared na kami. Ang masama pa kamo, inanounce nila sa buong school na magpeperform kami through the speaker per classroom at dahil nga sikat sila Light dito, naging usap-usapan na yun sa buong campus. I bet all levels will watch the performance

"Anong plano nyo?" nandito kami sa empty classroom at nakaupo sa sahig. Ito dapat ang classroom nang banda nang school pero wala naman sila kaya dito kami pumwesto. Binigyan pa kasi ulit kami nang head nang oras para pag-usapan ang performance mamaya. Ang sabi ni tita Rachelle hihihintayin na lang daw nya kami sa school grounds kung san kami magpeperform. May nakaset nang stage dun, mic and speaker. The worst thing is, our performance will be broadcast all over the country dahil nga kami ang representatives nang school at kapag maganda ang naging performance, mas marami ang maatract sa school at magdedecide na dito na mag-enroll

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon