41:Alexa's Light

125 6 0
                                    

Shane's POV:

"Kuya were here!!!" napabalikwas si kuya sa sasakyan sabay napatalon pa at nauntog ang ulo sa roof ng car. Pffft, that was epic

"Shit Alexa!!!!" sigaw ni kuya Light na parang nagising lang nung nauntog ang ulo nya. Tumingin pa sya sa paligid at parang ngayon lang nagising sa panaginip nya na walang laman kung hindi si ate Alexa

"Wala si Ate Alexa dito. If you really care that much, bakit hindi mo na lang sya puntahan, nandito na rin naman tayo sa campus at malamang nandun na rin sa classroom si ate Alexa. Maliban na lang kung napanaginipan ka nya at nalate ng gising" mapang-asar ko syang nginitian pero poker face lang ang ginanti nya saking mukha.

"Tss" lumabas sya ng sasakyan at naglakad na, hindi man lang ako hinintay. Pagbigyan na nga,baka sadyang excited lang sya na makita si ate Alexa

"Ge kuya Lester, mauna na po ako" paalam ko bago lumabas ng sasakyan nya para sundan si kuya. Buti na lang talaga at kahit mabilis syang maglakad nahabol ka pa rin sya.

"Hey kuya sa tingin mo ba papasok si Raven?" hindi nya man lang ako tiningnan at patuloy lang sa paglalakad. Kung titingnan mo yung mga mata nya, mahahalata mo wala sya sa sarili. Ganyan kasi yan kapag malalim ang iniisip o kaya hindi umaayon sa plano nya ang mga nangyayari, yun bang wala na syang kontrol sa sitwasyon. But that can't be a big of a deal kasi tingin ko itinatanggi lang ni kuya na importante sa kanya si ate Alexa pero hindi yun ang sinasabi ng mga kilos na ginagawa nya.Yun siguro ang dahilan kung bakit para syang nawawala na naman sa mundo at hindi makausap ng maayos

"Great, now I'm talking to myself" bulong ko na lang at sumabay sa lakad nya. Hindi ko dala ang barney toy ko kaya naman wala akong makakausap ngayon. Inuna ko pa kasi magdownload ng mga minion pictures bago ko sya alalahanin eh.

Lumakad kami hanggang makadating kami ng classroom. May teacher na sa harap pero si kuya hindi yun pinansin. Pagkapasok pa lang namin, dun na sya nakatingin sa upuan nya or should I say upuan nila ni ate Alexa. Wala pa si ate Alexa dun kaya napangisi ako, malamang napanaginipan nun si kuya hihihi.

"What are you smiling for?" napatingin ako kay kuya at umiling na lang biglang sagot sa tanong nya

"tss" naglakad na sya papunta sa upuan nya na hindi man lang binabati ang teacher namin. Hindi naman na nya kailangan since sya ang palaging pinakamataas sa lahat ng test kaya sya rin ang campus top 1. Palagi nya kasi napeperfect yung exam kaya walang duda na sya talaga ang pang 1st. Ako naman hindi ko magawang maperfect kasi may mga question din tungkol sa isang bagay na hindi ko napag-aralan dahil hindi ako pinapayagan, yun yung reproductive health, system etc.

"Good morning ma'am!!!" natahimik yung buong klase at napatingin sakin. Ooopsy, mukhang napalakas yata yung pagkakasigaw ko nun. Napatingin ako kay Raven na nakangiti sakin. Anong nakain nito bakit parang pinakain ng maraming sweets at nagawang ngumiti.

"Hi Raven!!!!!!!" sigaw ko sabay kaway sa kanya

"ayiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!"napatingin ako sa mga kaklase ko na nagreact. Ano bang problema nila, ano sila, ambulansya at bigla na lang uugong. Hindi ba nila alam na masamang mag-ingay pag may teacher sa harap?

Nung ibalik ko ulit ang tingin ko kay Raven, may hawak na syang notebook at nakatakip ng todo sa mukha nya yun kaya hindi ko makita. Ano bang problema nya?

"Go back to your seat Shane Zedler" tumingin ako kay ma'am na nakangiti sakin. Tumango ako bago tumakbo papunta sa upuan ko katabi si Raven.

"Hi minion" bulong ko nung makaupo na ko sa tabi nya

"Hey, stop calling me that" iritang bulong nya pabalik.

"Ok minion" nginitian ko sya ng inosente pero mukhang napikon sya dahil hindi na sya namansin. Sa harap nya tinuon yung atensyon nya eh ang itinuturo lang naman dito ay yung how to divide. Kunyari pa syang nakikinig eh sigurado naman na alam nya na yan. Parang ang weird naman na marunong syang mag geometry tapos hindi sya marunong mag divide.

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon