22: An Ordinary School Day

142 5 0
                                    

Shane's POV:

Nag-inat ako ng mga braso ko, kagigising ko lang kasi eh. Wait nandito nga pala ko sa kwarto. Nakatulog pala ko nung kwinento ko kay Barney na naging mag seatmate kami ni Raven sa classroom hehehe.Speaking of Barney, tumingin ako sa gawing kanan ng kama ko at nakita ko dun si Barney.

"GOOOOD MORNINGGGG BARNEY!!!!!" *pout*, di man lang ako pinansin nito, sayang, ang ganda pa naman ng gising ko, napanaginipan ko kasi si Raven eh hihihi. I look at my clock, 8:37pm na pala, hihihihi kaya naman pala hindi sumagot si barney, afternoon na pala. Tiningnan ko si Barney at nginitian before I went to the bathroom here in my room to brush my teeth.

"wait, si kuya Light pala di ko pa nakakausap ng maayos simula kanina, galit kaya sya dahil pinili kong maging seatmate si Raven?" I went out of the bathroom after I finished brushing my teeth, kaylangan kong Makita si kuya Light. I run outside my room at dali-daling pumunta sa kwarto ni Kuya, hindi na rin ako kumatok. Naabutan ko sya na nakahiga sa kama habang nakatingin sa kisame ng room nya. I look there pero wala naman akong nakita, kahit nga butiki wala eh.

"kuya anong tinitingnan mo?" Tumayo sya at tiningnan ako pero nahiga rin kaagad, sus! Itong si kuya light, tampururot.

"kuya Light galit ka ba?" tanong ko nung makalapit na ko sa tabi ng bed nya, I was playing with my two index finger, nagiguilty kasi ako eh, dapat si kuya ang pinili kong seatmate.

"I'm not, natatakot lang ako"parang may ibig sabihin yung sinabi nya, tumingin sya saakin kahit nakahiga sya sa kama at nakaupo lang ako sa gilid ng kama nya. Kumunot ang noo ko sa sagot nya.

"Bakit ka naman matatakot kuya? Eh marami ka naman katabing ibang classmate natin atsaka isa pa, sa iisang classroom lang naman tayo uupo. Ayaw mo bay yun katabi mo na si ate Alexa" tinaas baba ko pa ang kilay nko para inisin si kuya.

"Natatakot ako na baka mapahamak ka kay Raven" bulong ni kuya, hindi ko naman narinigyung sinabi nya.

"ano yun kuya?" tanong ko at bumangon na rin sya sabay upo sa tabi ko. Tinap nya yung ulo ko kaya napasimangot ako, mukha ba kong aso?

"stop that!" inis na sabi ko

"hahahaha" he laughed

"pero kuya, back to ate Alexa na. Gusto ko syang maging Big sister, I want you to marry her, please??" Nagbeautiful eyes pa ko para lang makumbinsi tong kapatid ko. Nanlaki ang mga mata nya nung sinabi ko yun

"SHAAAANE!" sigaw nya, napatakip na lang ako ng dalawang tenga ko sa lakas ng sigaw nya

"please??" pangungulit ko ulit sa kanya, kaya lang tiningnan nya ako ng masama na parang binabalatan nya na ko ng buhay.

"sabi ko nga tatahimik na eh" zinipper ko pa yung bibig ko para mapigilan kong magsalita

"Tsk, magtigil ka na nga lang sa kakulitan mo" kuya said, tapos tumayo na sya sa pagkakaupo sa bed at lumabas na sya ng kwarto nya, sumunod lang ako sa kanya.

"Pero kuya, sobrang ganda ni ate Alexa diba?" huminto sya sa paglalakad at tiningnan na naman ako using his deathly glare.

"wala naman akong sinabi ah, tinatanong ko lang kung nagagandahan ka rin sa kanya" tinaas ko yung kamay ko, umirap lang sya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa dining room. Nandun na si Mom and Dad, nakangiti si mom samin ni kuya.

"let's eat?" dad said kaya umupo na kami ni kuya sa bakanteng upuan sa harap nila.

"How was your day Shane?" nakangiting tanong ni mom habang nakatingin sakin. Kusa na lang akong napangiti nung maalala ko na naman ang nangyari kanina sa school.

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon