32: Why Minions?

126 5 0
                                    

Shane's POV:

"hihihihi" natatawa pa rin ako hanggang ngayon. Nandito ako sa likod ng kotse ng mga Walker, tumakas lang ako kanina nung nag-uusap sila Dad at yung mga dating friends nila na parents pala ni Raven.

Nakakainis kasi yung Raven na yun eh, ni hindi man lang mamansin akala mo naman kung sinong famous. Kaya nga sumakay ako ng pasikreto dito eh, hindi nya kasi ako kinakausap kaya balak kong kausapin sya ngayon. This time, wala na talaga syang takas sakin. Pasalamat nga sya at mas inuna ko pa syang pupuntahan kesa kay barney na kanina pa naghihintay sa mansion.

Mukhang wala pa naman kami sa bahay nila Raven, ramdam ko pa rin kasi na umaandar yung sasakyan eh. Ang sikip dito sa likod ng sasakyan nila dahil gamit lang naman ang nilalagay dito pero okay naman, nagkasya naman ako. Hihihi iniisip ko tuloy, mas kakasya siguro si Raven dito ang liit nya kasi eh, para syang dwarf pero dahil mabait ako, Raven na lang din ang itatawag ko sa kanya.

Oo nga pala. Kanina huminto yung sasakyan na to, akala ko nga nakarating na kami sa bahay ng mga Walker pero hindi naman ako kaagad lumabas mula dito.Nakarinig nga ako ng putukan eh. Para syang tunog ng mga baril sa mga action movies na napapanood ko, nakarinig pa nga ako ng sigawan tapos narinig ko na nagsalita si Raven, ang sabi nya pa nga "Sigurado kong chesspiece ang mga yan!" yun lang yun naintindihan ko sa sinabi nya dahil puro putukan na lang ng parang baril yung mga narinig ko. Nung huminto nga nun yung putukan narinig kong nagsalita si tito Wolf ang sabi nya "It will take more than that to kill us".Why is it that he keeps on saying the word "kill", ang weird nya talaga. Pagkatapos nyang mgsalita umandar ulit yung sasakyan. Nakahinga nga ako nang maluwag eh, kung bumaba kasi ako ng sasakyan, malamang iniwan na nila ko dito.

So ayun nga ang kwento, hanggang ngayon kasi ay nandito pa rin ako sa likod ng sasakyan at nakatago lang sa masikip na lalagyan ng gamit. Ramdam ko pa rin na umaandar ang sasakyan kaya tahimik lang ako dito habang nagbibilang from 1-1million. Nakakatamad naman dito, wala man lang akong magawa.

Napangiti ako nung maramdaman ko na tumigil na ang sasakyan, malamang nasa mansion na kami ng mga Walker

"Were here sir's, ma'am" narinig kong sabi ng isang lalaki, sya yata yung driver ng mga Walker. Pagkatapos nyang magsalita wala namang sumagot sa kanya.

Naghintay muna ko ng ilang minute bago ko napagpasyahan na lumabas na mula dito. Sigurado kong wala ng tao dahil hindi ko na sila naririnig na magsalita, at saka kung sakali namang may tao pa sa paligid, mararamdaman ko naman kaagad yun eh.

"Weeeehhhhh, finally, some fresh air!" mahinang sigaw ko nung mabuksan ko na yung nagsisilbing harang sa pinagtaguan ko sa kotse.

Iniikot o yung tingin sa paligid, mukhang tama nga ako dahil wala ng tao dito. Siguro Garage to nila Raven, andito kasi yung ibang sports car. Hindi ko alam na pati pala sa hilig ay pareho si tito Wolf at Dad. Maraming Sports car collection si Dad tulad ni tito Wolf, ang pinagkaiba lang, mahilig rin si dad sa motorbike, hindi tulad dito na walang kahit isang motor.

Nung Makita ko na ang buong paligid, tumalon na ko papunta sa sahig, pero syempre maingat yun para hindi ako makagawa ng kahit anong ingay. Naglakad ako patungo sa isang malaking pintuan, sa tingin ko daan itpo papasok ng mansion ng mga Walker.

Sumilip muna ako sa pinto kung may tao ba sa loob pero wala naman. Para itong hallway papunta sa living room. Maglalakad na sana ko papasok pero napahinto ako

napansin ko na isa itong mahabang hallway at diretso lang ang daan. May ganito kasing hallway sa bahay at alam ko na may security system ang hallway na to base na rin sa maliliit na lenses sa wall.Nakakatakot pa naman ang mga ganito. May dalawa kasing pwedeng mangyari kung madetect ka ng laser security na nagmumula sa Lenses.

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon