66: Change of Mood

73 2 0
                                    

---------1 week later----------

Light's POV:

Nakatingin lang ako kay Shane mula sa pintua ng kwarto nya. Tulala sya at hawak ang isang litrato ni kuya Lester. She was not crying anymore pero walang mababasang emosyon sa mukha nya. Ganito sya simula nung isang linggo. Kumakain naman sya pero wala na yung Shane na masiyahin at maingay. Palagi syang tahimik at hindi nakikipag-usap kung hindi siya tatanyngin

Sinubukan ko nang papuntahin dito si Raven pero hindi nya rin makausap si Shane ng maayos. Ara-araw syang nandito pero wala pa ring pagbabago kay Shane. kaka-alis nya lang rin kani-kanina lang kasama ang mga magulang nya

Nagbago na ang atmosphere ng mansion. Naging malungkot at madilim. Dad was trying to cheer everyone up but he always fail. Pano nya nga naman ililift up ang mood ng lahat kung maging sya hindi pa rin matanggap ang nangyari?

Hindi kami malapit ni kuya Lester pero itinuturing ko syang miyembro ng pamilya namin. Alam ko na pinsan nya si Drexel Hunter pero hindi ko alam na girlfriend nya pala si Abby Straton. Nalaman ko lang yun ng ipakita sakin ni Alexa ang mga litrato ng chesspiece pagkatapos ng isang araw matapos mawala si kuya Lester

I knock three times on her door kahit nakabukas yun "Shane" lumapit ako sa kama nya at umupo sa tabi nya. ibinaba nya muna ang litratong hawak nya sa table sa gilid ng kama at tumingin sakin. Isang tingin na sobrang lamig at walang emosyon na mababasa sa mga mata

"Do you need anything kuya?" tanong nya. I know that she's the one who's suffering the most pero hindi ko maiwasang masaktan kapag tinitingnan nya ko ng ganyan at kinakausapa ako na parang isa lang syang robot

"D-Dad has something to tell you" tumango lang sya sakin. Without a word, she stand up from the bed at nauna nang maglakad sa palabas ng kwarto nya at papunta sa sa kwarto nila dad. Nakasunod lang ako sa kanya

Ito na ang oras na sasabihin namin kay Shane ang tungkol sa mafia. Napagdesisyunan namin na kailangan nya nang malaman ang totoo dahil konektado ang sikretong itinatago namin sa pagkamatay ni kuya Lester

Sumunod ako sa kanya ng pumasok sya sa kwarto nila mom. She didn't bother to knock, tuloy-tuloy lang sya sa loob

"Mom, Shane's here" nagtatype si Mom sa table nya samantalang nakahiga naman si dad sa bed

Pinaikot ni mom ang chair nya para harapin kami. Tinanggal nya ang reading glasses nya at tumayo sa inuupuan nya para lumapit samin. Sya ang naghahandle ng mga banko namin at tumutulong lang ako. Shane was supposed to handle almost all the problems of the bank including checking each and every branch all over the asia and other countries if we've been corrupted or the bank is at stake or about to shut down. Nahinto lang yun nang mamatay si kuya Lester. pansamantala munang inako ni mom ang lahat ng reponsibilidad ni Shanedahil hindi pa namin alam kung anong nangyayari

"Dad, what do you have to tell me?" lumapit si Shane sa kama ni dad

"We should let them talk alone. Mas maganda kung si Van muna ang kakausap kay Shane" I half smiled at my mom. Sabay kaming lumabas ng kwarto para hayaang makapag-usap ng maayos sila Shane

Van's POV:

"Dad what do you have to tell me?"tinap ko ang space sa tabi ko para maupo si Shane. She became cold after Lester's death at hindi ko naman sya masisisi dahil malapit talaga ang loob nya kay Lester

"May sasabihin ako sayon pero wag kang matatakot ha?" I started ng makaupo na sya sa tabi ko. Hindi ko alam kung papano ko uumpisahang sabihin sa kanya lahat. Masyado pang sariwa sa kanya ang pagkamatay ni Lester

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon