82: Alexa and Shane: Hand by Hand

76 4 0
                                    

Alexa's POV:

Kinaumagahan napagpasyahan nila Raven at Light na samahan muna si Blake at huwag nang pumasok. Kaming dalawa lang ni Shane ang papasok ngayon at pumayag naman sila mom dun. Hindi pa rin nagsasalita si Blake at kaninang madaling araw nang pumunta ko sa tapat nang kwarto nya naririnig ko ang pag-hikbi nya. Lumipat na si Blake sa kwarto nya at ganun rin ako. Sila Raven at Light maging si Shane ay naghiwa-hiwalay nang kwarto. Hindi pa rin kami kinakausap nila Light at sa tingin ko tama lang yun dahil hindi lang din naman kami magkakasundo sa mga plano namin

Nagpalit muna ako nang damit bago puntahan ang kwarto ni Shane. Hindi pa ko kumakatok ay binuksan nya na ang pintuan. Pumasok ako sa loob at inilock nya ang pinto. Tahimik lang nyang inabot sakin ang isang baril na nasa kama nya at inihagis ang isang silencer.  Walang nagsalita samin habang  inaasemble ang mga baril namin. Nang matapos sya ay itinago nya ang baril sa gun pocket nya at kinuha ang bag

"Let's go" aya ko at lumabas na kami nang pinto. Naglakad kami nang hallway at nakasalubong namin si Raven at Light. Nag-uusap sila tungkol kay Blake sa harap nang kwarto nya. Tinapunan lang nila kami nang tingin at pumasok na sa loob nang kwarto nang kambal ko

May mga isang isa't kalahing oras pa bago kami pumasok kaya ok lang na malate kami. Walang nakakaalam nang plano namin ni Shane at wala ring kaming balak ipaalam yun kahit kanino. Bumaba kami nang living room at naupo muna sa sofa habang hinihintay na maluto ang pagkain. Tinawag na kami nila tita Rachelle nang maluto na ang pagkain pati na rin sila Light pero hindi kasama si Blake. Nagprisinta na lang si dad na dalan na lang sya nang pagkain sa taas at dun na rin sya kakain

"Sigurado ba kayong papasok kayo ngayon?" tanong ni tito Drake. Sa kabila nang mga nangyari papasok pa rin kami, isang bagay na masama sa mga mata nila

"We have something to do" sagot ko. Tumango lang si tito Drake at nagsimulang kumain. Nakatitig samin sila Light at parang binabasa kung anong nasa isip namin

"Ano ba talagang plano nyo?" madilim ang tono nang pananalita ni Light pero hindi ko sya pinansin. It's for us to know and for them not to find out

"Shane Talk" utos ni Raven. Tiningnan ko si Shane kung magsasalita ba sya

"Mind your own business" napatiim bagang si Raven pero hindi sya nagsalita. Nagsimula na lang akong kumain at hindi pinansin ang tensyon sa pagitan naming lahat. Maging ang mga magulang namin ay hindi nagsasalita

Pagkatapos naming kumain ay sumabay na kami kay tita Rachelle papunta sa school. Hindi sya nagtanong kahit na alam kong gusto nyang malaman ang totoo

Nang makarating kami sa classroom wala dun si Justin. Naupo ako sa dating upuan ko at tumabi naman sakin si Shane. Nasan sya?

Tumawag muna ako sa mga tauhan namin sa mafia at pinagbilinan sila nang mga gagawin nila. Sinuguro ko rin na hindi makakarating kila dad ang mga plano ko......

Justin's POV:

nasabunutan ko ang sarili ko nang magsimula na namang bumalik ang mga ala-ala kahapon sakin

Flashback

"Sir bakit nyo ko pinapatawag" nakatanggap ako nang tawag galing kay Clovis at pinapunta nya ko sa isang parking lot nang hotel Veniz. Pagkapasok ko pa lang sa kotse ay tinanong ko na ang dahilan nang pagpapapunta nya sakin dito

"Take this" inihagis nya ang isang baril sakin. Nagtataka kong tiningnan ang baril na hawak ko

"Para san?" kabadong tanong ko

"May papatayin tayo" walang ganang sagot nya. Tumitig na naman sya sakin kaya nakaramdam na naman ako nang kilabot sa buong katawan ko

"Pe-pero hi-" hindi pa ko nakakapatay nang tao. Marunong na kong gumamit nang baril pero hindi pa ako masyadong magaling dun. Si Raven lang ang gusto kong patayin

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon