86: Live or Die?

34 0 0
                                    

Shane's POV:

"Excuse me, pwede na pong pumasok pero isa-isa lang" sabi nang isang doctor "The kid would stay here for the meantime pero ililipat rin sya sa room bukas" naiiyak na naman ako nang maisip ko ang nangyari sa kaybigan ko

"I'll go first" prisinta ko. Alam ko namang kaylangan pa ni ate Alexa nang konting time bago sya pumasok sa loob at ganun rin sila tita Alexis. Nagsuot ako nang mask at nang hospital gown yung parang apron bago pumasok sa loob. Madaming pasyente at may glass wall na naghahati sa ICU room. Sa pinakagitna nang ICU ay ang parang counter kung san may ilang nurse na pumapasok sa mga glass division room na may mga pasyente para i check ang iba

"Time of death 6:30am ****" I gasped and run in panic when I heard a voice from an open glass doorway

"Ano pong nangyayari?" tanong ko pero nakahinga ko nang maluwag nang makitang isang matanda ang sinabi nilang namatay "sorry" lumabas na ko nang doorway at tinanong sa counter kung san si Blake. Itinuro nila ko sa isang glass division room na may takip nang kurtina. Pumasok ako dun at nakita si Blake na nakahiga sa kama sa tabi nya ay isang maliit na monitor kung san nakasulat ang heart rate nya in a zig-zag way. May nakakabit na tubo sa bibig nya at sa tingin ko nahihirapan sya dun. Nakaramdam ako nang galit sa king at bigla nalang napakuyom ang kamao ko. Hindi pa ba sapat na pinatay ni Clovis si Aira? kaylangan pa bang pumunta sa ganitong sitwasyon?

"No one gets away for hurting my friend" hinawakan ko ang kamay ni Blake at lumabas na nang ICU. I feel numb and only bloodlust run through my veins. I want to kill Clovis really bad

"You can go now ate Alexa. Ipinasa ko ang mask, pati na rin ang hospital gown kay ate Alexa. She was trembling and tearing up already but she went inside

"I'll go to the room. Call me when ate Alexa search for me" paalam ko sa isa sa mga tauhan namin

"Yes ms." pumasok na ko sa loob nang kwarto at umupo nang nakadekwatro sa tabi ni Raven. Magkaharap kasi sila ni kuya na nag-uusap sa magkabilang bed na may space sa gitna

"Can I join, I don't take no for an answer" sigurado naman akong tungkol kay Blake ang pinag-uusapan nila kaya sasali na rin ako

"Look, your out of the picture here" kuya Light said "This is serious" he said looking at me intenly. Mabilis kong nilabas ang baril ko at binaril ang gilid nya

"Tingin mo ba hindi ako seryoso? Maaring mamatay si Blake and you still won't let me cooperate!" I said in a harsh tone. Huli na nang maisip ko ang ginawa ko. It's just that-all the happenings had affect me too much and now my own brother don't think that I can handle myself

"Fine" kuya said "We're in for an ambush. I don't know when but I'll tell you in the right time" binigyan ko sya nang magpagdudang tingin "Promise" he raise his right hand and I smiled a little

"So how was he?" tanong ni Raven

"Coma, he would be transfer on a room by tomorrow but for now the doctor said that they would only entertain one visitor at a time" ano bang problema at kaylangan isa-isa lang? yung mga nurse nga nasa loob ang dami nila tapos kami bawal. Bakit hiindi na lang sila lumabas at kami ang papasukin?

"Pwede ko ba syang makita?" tanong ni kuya. Tumango ako sa kanya at tumayo na sya sa kama

"sasama ko, magpapanggap na lang ako na iba dinadalaw ko" prisinta ni Raven. Oo nga pala yung pinagkuhanan ko nang mask at apron ay nanggaling sa isang cabinet kung san nakalagay ang pangalan nang pasyente. Isa lang ang nakaasign samin at nakasulat sa apron yung family name kaya hindi ka pwedeng kumuha nang iba dahil may family name ang apron nila. Kukuha na lang si Raven nang apron nang iba tapos magpapanggap na pupunta sa isang pasyente at pag wala nang nakatingin lilipat sya kay Blake

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon