68: Unveiling the Truth

83 3 0
                                    

Jack Archer's POV:

"I'll take the lead this time" nakaupo sila Drexel, Abby at Jane sa isang sofa sa mansion na pag-aari ng buong chess piece at nakaupo naman ako sa harap nila. Marami ang mga tauhan namin sa labas ng kwarto at sa paligid ng mansion pati na rin sa labas ng mansion. Ipinatawag namin sila para malaman nila kung sino ang kinakaharap nila.Kami lang na mga primary leaders ang nagmemetinng sa loob ng kwarto

"tss, use your brain this time" bulong ni Jane kaya sinamaan ko sya ng tingin. She failed a lot of times and was even humiliated by Lucy and she dares to talk like she's someone so perfect?

"Ano bang plano mo?" tanong ni Drexel

"Sa gilid lang tayo habang kumikilos ang king natin" sagot ko

"Seryoso ka ba?" poker face na tanong sakin ni Abby habang nagyoyosi

"Bakit hindi? pinaglalaruan tayo ng king. Alam kong may mga plano sya at hinihintay nya lang na mamamatay tayong mga laruan nya bago sya gumawa ng kilos" Kumuha rin ako ng sigarilyo sa bulsa ko at nagsindi. Hindi ko na alam kung papanong gagawin namin. Nagtulong noon si Abby at Drexel pero hindi naging matagumpay ang plano

Flashback

Ngayon ang araw para isagawa ang napagplanuhan namin. Hindi namin kasama si Jane ngayon dahil mainit ang ulo. Alam na namin ang nangyari sa mansyon nya at kung sino ang may gawa ng pagsabog. Sinabihan ko na sya tungkol kay Lucy pero masyado syang kampante, pasalamat na nga lang sya at nabuhay pa sya

"Nakapag arrange ka na ba ng transaction sa mga Zedler?" tanong ni Abby habang inaayos ang gagamitin nyang baril sa pagpatay sa mga bata. Nasa loob kami ng isang private room sa loob ng isang bar dahil dito namin napagpasyahan na pag-usapan ang plano

"Nasabihan ko na ang mga tauhan ko at sigurado na ring matutuloy ang transaction mamaya" sagot ni Drexel 

"Kung ganun, simulan na natin ang plano" nakangising sagot ni Abby. tumayo na ko sa upuan ko. Wala rin naman akong gagawin kaya hindi na ko nagsalita. Kung mamatay sila, kasalanan na nila yun at wala akong pakielam

"Pagkalabas namin sa loob ng bar ay sumakay na si Abby sa big bike nya at nagsimulang paandarin yun. Nauna syang umalis samin ni Drexel

"may mga mata ang king sa loob ng bar" komento ni Drake bago sumakay ng kotse nya. Hindi ko na lang sya pinansin at sumakay rin sa kotse ko. Alam kong puinapanood kami ng king at ginagawang libangan ang buhay namin na isa-isang nawawala. Hindi ako makapaniwalang mismong leader ng organization namin ang gustong makita kaming mamatay. Hindi, gusto nya lang maaliw sa mga mangyayari. Wala nang nakakapagtaka dun

Pinaandar ko na ang sasakyan ko hanggang makarating ako ng mansion. Nanood muna ako ng mga balita habang nagyoyosi. Nabalita na may limang lalaki ang natagpuang patay sa comfort room ng isang mall. Napangisi na lang ako, masyadong minamaliit niJane si Lucy para iasa ang pagpatay sa mga tauhan nya. Ilang beses na naming ginawa yun pero walang bumabalik ng buhay samin dahil lahat sila ay napapatay ng mga Walker at Zedler

************

Ilang oras ang lumipas ng makatanggap ako ng text galing kay Drexel. Kaylangang daw magmeeting ng chess piece kaya agad akong nagtungo sa kotse ko para puntahan ang adress na ibinigay nya. Huminto kami sa isang mansion. Ito ang isa sa mga mansion na hideout ng chesspiece. Ipinarado ko sa harap ang kotse ko at lumabas dito. Hinanap ko pa sa loob ng mansion ang pagmemeetingan hanggang sa mahinto ako sa nagsisilbing conference room nito

Pagkapasok ko, agad bumungad sakin si Abby na nakaupo sa isa sa mga upuan sa conference table na nag-iinom at halata mo ang inis sa mukha. Sabay silang tumingin ni Drake sakin kaya napangisi ako

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon