58:Their Thoughts

81 2 0
                                    

Jack Archer's POV:

"Shit! She almost killed me!" padabog akong pumasok sa mansion ni Jane. Inabutan ko syang naninigarilyo habang nanonood ng T.V. 

"oh your back, hi there" nakangising bati nya. Shit, pano nya nagagawang ngumiti ng ganyan matapos nya kaming iwan sa hayop na paaralan na yon?

"You stupid shit!" tinutukan ko sya ng baril pero hindi pa rin nawala yung ngisi nya

"Oww, where's Mark?" tanong nya. hinagisan nya ko ng isang beer mula sa table kaya sinalo ko yun. Ibinulsa ko na ang baril ko at pabagsak na umupo sa tabi nya

"Patay na sya, pinatay sya ni Rachelle Walker"uminom ako sa beer na binigay nya. Muntik na kong mapatay ng Rachelle na yun

"That's a good news" she smirked. That's what we are, wala kaming pakielam kung sino man ang mamatay sa miyembro ng organization lao na si Clovis

"Tss" lumagok ako sa beer na ibinigay nya

"Kung buhay si Rachelle, buhay din ba yung kapatid ni Sophia?" tinaktak nya sa ash tray sa center table yung sigarilyo nya

"Oo buhay silang parehas. Malamang alam yun ni Clovis at hindi lang sinasabi satin"Fuck, napipikon pa rin ako

"Wag mo na lang pakielaman ang king. Wala rin syang pakielam satin, let him do what he wants to do" walang pakiealam na sagot nya

"Nag-iisip ka ba Jane? namatay na si Mark at humihina ang grupo natin pag may namamatay" hinugot ko ulit ang baril ko at binaril yung dumaang katulong nya dito sa mansion

"shit!" sinamaan nya ko ng tingin "sinong maglilinis nyan dito?!" inis na tanong nya na hindi ko na lang pinansin. Tumungga ulit ako sa beer in can na binigay nya

"Nasan sila Drexel at Abby? wag o sabihing hinayaan mo rin silang mamatay?" sa T.V ako nakatangin kung san binabalita ang nangyari kanina sa School na pinanggalingan namin. Pinakita rin ang bangkay ni Mark na dinala na sa morge 

"Tinatawagan po namin ang mga kamag-anak ng biktima upang maipalibing ng maayos ang bangkay ng isang lalaking nagngangalang Mark Clifton, ayon sa mga imbestigador tama ng baril sa lalamunan  ang ikinamatay ng biktima. Hindi pa rin matukoy kung sino ang gumawa ng karumal-dumal na pagpatay. Nalaman rin namin na ang bikktima ang may-ari ng 120 branch ng Clifton hotel sa buong Pilipinas-" Biglang namatay ang T.V kaya napalingon ako kay jane sa tabi ko

"patay na sya diba? wag mo na lang panoorin, it's not like tayo ang kukuha sa bangkay nya" tama sya. Walang pamilya si Mark at wala nang kukuha ng bangkay nya pero hinding-hindi mangyayari na kaming chesspiece ang kukuha nun. He's dead, yun na yun. bakit ba kailangan pa syang ipalibing?

"Tinatanong ko sayo kung anong nangyari kila Drexel at Abby, patay na rin ba sila?" sa totoo lang wala akong pakielam kung mamatay sila pero a-apat na lang kami ngayon at wala rin naman kaming aasahan kay Clovis, for all I know wala syang pakielam kung maubos ang miyembro ng organization na tinayo nya

"Unfortunately, buhay pa silang dalawa. Kasama ngayon ni Drexel yung pinsan nya na Driver nung mga Zedler" sa pagkakaalam ko Lester yata yung pangalan nung lalaking tinutukoy ni Jane

"So anong plano mo? hihintayin mo ba ulit na may mamatay satin hanggang sa hindi na natin kayanin ang mga Walker at Zedler na yun?" tumungga ulit ako sa beer habang nakatingin sa babae sa sahig na duguan. Sa ulo ko pala sya tinamaan

"chill ka lang, malapit ka na rin namang mamatay" seryosong sagot nya. Tarantado din ang babae na toh. Wala syang pakielam kung sino man ang namamatay pero sino ba ko para magreklamo, pare-parehas lang kami sa chesspiece na nag gagamitan. Wala kaming pakielam kung sino ang mamatay

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon