55:Pull the Trigger

91 4 0
                                    

I updated this chapter so you will understand what happened 12 years ago. Why is Alexis and Rachelle still alive? What happened back at the Levanon mansion? Who's Rain Cross?........I wrote this chapter for some readers who voted for my story: Prettylaetera, MerhammaAbdullah,lorainnehan, jeromedeguia54. Yeah, I would also like to thank Jan Micah Sandulan for helping me out with the mooshy Gooshy Love scenes. She's hell of an expert not only in love but also in B.S, but I can handle that my own. I have a wild imagination after all, xd...she will kill me if she sees this

Oh, I forgot to thank Lolaine0709 and Houxen for reading my story

*************************

Rachelle's POV:

Napatiim bagang si Jack nung sinabi ko na ako ang pumatay sa fiance nya. May mali ba sa sinabi ko? Dahil sa natatandaan ko, sila ang unang gumawa ng masama sa pamilya ko at ang dahilan kung bakit nagpapatayan sila kuya Wolf at kuya Van

"Mamatay din sya sooner or later, alam mo na kabilang ang babae na yun sa isang mafia organization and she will be killed eventually. Walang magtatagal sa undergound society kung hindi man lang marunong magself defense. I mean, come on, she didn't even try to fight me nung nakapasok ako sa kwarto nya"  Idiniin ko ang baril na nakasungal-ngal sa bibig nung Mark nung subukan nyang gumalaw para kumuha ng baril sa bulsa nya

"Your a bitch" galit na sabi nya

Mark's POV:

Flashback:

"People die in some point of their lives. Ikaw ang magdidikta kung kailan sila mamatay, saan sila mamatay at paano mo sila papatayin. Life is cruel, only those who have powers can survive. Weak people will die and we have the responsibility to kill not only those who oppose us but also those who can not fight us" Paliwanag ni Clovis habang naglalaro kami ng chess. Walang emosyon na mababasa sa mukha nya

Nasa 3rd floor kami ng Glotons Company sa tabi ng glass wall kung saan matatanaw mo ang buong parking lot ng kompanya ng mga Glotons. Hindi ko alam kung bakit kami naglalaro ng chess sa kalagitnaan ng misyon na patayin si Kim Gloton at sa loob pa mismo ng sariling office nya

1 month pa lang ako sa chesspiece at inaamin ko na kulang pa ko sa experience kumpara sa ibang miyembro nila. 10 tao pa lang ang napapatay ko sa buong buhay ko at pera lang ang tumulong sakin para makapasok sa organization ng chess piece. 

Iginalaw ko ang horse at kinain ang isang pawn ni Clovis

"You must always be ready to sacrifice anything. Give life to the lust of death that lies within you. Kill all who stands in your way, that's how chesspiece works" kinain nya ang horse na ipinantira ko gamit ang isang pawn

"diba dapat patayin na natin si Kim Gloton? sa tingin ko mas mahihirapan tayo kung sa mismong kumpanya nya natin sya papatayin" nag lunch si kim sa isang restaurant malapit dito sa kompanya nya. Hindi ba mas maganda kung papatayin namin sya dun?

"Where would be the thrill in killing him if we do it  your way?"  iginalaw nya ang rook papunta sa mga pawn ko . Bakit kailangan pa ng thrill? ano bang mapapala namin? papatayin rin namin sya at hindi na mahalaga kung paanong paraan ang gagamitin namin

"Pero king-" tumingin sya sakin at pinutol ang sasabihin ko

"Baguhan ka pa lang mark, hindi mo alam kung paano kami kumilos. This is not your job to decide which decision to take, nandito ko lang para manood" nagpatuloy lang kami sa paglalaro hanggang sa macheck mate nya ko. tumayo sya pagkatapos at humarap sa glass wall

"Watch carefully, I want you to learn how we work" tumayo ako at tumabi sa kanya. may isang pulang kotseng pumarada sa isa sa mga parking space. bumaba doon ang isang babaeng na naka white daring outfit. Nung una, hindi ko nakilala kung sino yun hanggang sa tumingala sya sa building na knaroroonan namin. Imposibleng nakikita nya kami dahil sobrang layo nya pero alam ko na si Victoria Winter ang babaeng nakaputi. Inalis nya ang tingin nya at naglakad sa harap ng kotse nya. Sumandal lang sya dun habang naninigarilyo

The ProdigiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon