Sabay

663 17 1
                                    

Aika's POV

"Opo sir copy po."Kausap ko sa cellphone ng bago naming boss ang pinakabig boss ng kompanya. May ipinag-uutos sa'kin.

Matapos ang usapan namin ibinigay ko agad ang phone kay boss Rich (oo nga pala yun ang pangalan ng bago naming boss.)

"Thank you po sir." Ngiti ko. Tatalikod na sana ako ng magsalita sya muli.

"saan ka nga pala nakatira Aika?" Bago pa man ako makaalis tanong ni sir Rich.

"po, sa San Mateo po sir "

"Rizal?" Nakikita ko sa mga mata nya na nagigiliw sya.

"opo."maiksing sagot ko.

"Ummmm.."Hinimas himas pa ang baba tinitigan ako bago humarap kay Pia na kasalukuyang nasa kwarto din nya.Si Pia ang pinaka kaclose ko sa opisina."okay Pia  ikaw taga saan?" Tanong into kay Pia.

Ang akala ko naman sa'kin nya lang yun itatanong hahaha medyo asaness lang din talaga ako.Baka ginawa nya lang akong segway para matanong nya si Pia MA's marami naman kasing nagagandahan kay Pia kaysa sa'kin.

"Kung sa may masinag ka ba baba may masasakyan ka Aika?" Nagulat ako ng iyon ang tanong nya.

"Po?" Takang takang tanong ko.

"Kasi sa antipolo ako nakatira Baka pwede kitang isabay."Ngiti nya kung wala lang garter ang panty ko malamang nagulog na'to..

God he smile like he owns the whole world

"Ah sa Sta  Lucia mall sir meron Pero  mahihirapan na po ako sumakay doon kasi po rush hour."Paliwanag ko.

"Pero pwede kang sumabay sa'kin?" Tanong pa rin nito.

"Pwede naman sir." sagot ko naman kahit na alam Kong sa sarili ko na imposible yun.Ayoko sa lahat yung nahihirapan ako sumakay. eh sa way na yun abg hirap sumakay.

"Promise yan ah." paboyish pang sabi nito sa'kin.

Aww...He really smile like he owns me I mean the world.

"Ah... Opo sir." feeling ko nagblush ang mukha ko.I know nagmamalasakit lang sya but my reaction is normal. Normal yun ikaw ba pag yung crush mo niyaya ka di ka kikiligin???

"Sige po sir una na po kami."Atsaka kami lumabas ni Pia sa opisina ni sir. I know na malayo ko syang pagbigyan pero may isang part ng pagkatao ko na gustong itry.Hindi dahil sa gusto ko sya pero para may konting bonding sa'kanya especially na hindi naman sya madalas dito sa opisina.

"Ang haba ng hair mo girl"tawa ni Pia na tila kinikilig din.

"ikaw naman nagkataon lang na parehas kami ng way pasaway ka." ngiti ko.

Ang buong akala ko hindi na mauulit ang offer sabay ni sir.

--------------

"Oh Aika" Naabutan nya akong nag-aayos ng gamit pauwi na kami ni Pia.

"Po sir."Hindi ko alam feeling ko namula ako.

"Buti na lang naabutan kita nakompleto na ulit ang araw ko."

Oh MY G sa totoo lang nakakilig.

Kahit na araw araw na naming biruan yun nakakilig pa din inis.

Oo tama kayo ng nabasa!!!!

Araw araw ganito ang senaryo namin ni sir.

"Ako din sir kompleto na araw ko."Biro ko pero nararamdaman ko talagang namumula ang mukha ko.

"Ano sasabay ka ba sa'kin ngayon?"Pangungulit ni sir.

Naku patay wala akong maidahilan.

"Aika Lika na?" yun naman ang dating ni Pia sa table ko dala dala ang gamit nya.

Oh God Pia para kang anghel ngayon sa paningin ko.

"Ay sir may lakad po kasi kami ngayon ni Pia next time na lang po sir." Pagdadahilan ko kahit wala naman kaming pupuntahan ni Pia buti na lang at hindi ako nilaglag ni Pia.

"Ganun ba?" tumingin kay Pia na nag-iwas naman ng tingin sa'kanya."Hanggang kailan ba ako magpaparaya sa kaibigan mo?"

Maniniwala kayo?Sinabi nya yun sa paraang para bang totoong boyfriend ko sya.At that point medyo kinakabahan na ako. Kinakabahan in a sense naiilang na ako sa nagiging biruan namin I don't know why I feel this way ang weird.

"Hahahaha... Intindihin mo na lang muna." Nakisakay ako kahit na ilang na ilang na ako.

"O sige na nga." Sabi nito sabay kindat sa'kin.

"Sige po sir una na kami."Paalam na namin ni Pia. Ng makalabas na kami sa opisina nagsalita si Pia.

"Bakit hindi mo pagbigyan si sir?nakakhiya naman."

"Kasi girl may iba akong nararamdaman ee." pag-amin ko.Iba kasi ang kutob ko kung sasabay ako kay sir.

"Ano naman baka naman napaparanoid ka lang." nakakunot pa ang noo ni Pia.

"Wala basta iba atsaka baka di ko napigilan ang sarili ko yayain ko si sir kung saan."Biro ko na lang para maiba ang usapan.

"Sira."

"Baka kasi sabihin ko kay sir.Sir maaga pa naman pakiliko muna dyan.

"Hahahahaha...Ikaw talaga."

Kung saan saan na dumako ang usapan namin ni Pia.Nakalimutan na namin ang topic namin kanina.

Pero ang utak at damdamin ko nagtataka na talaga kung bakit tila ako ng ako angvpinag-iinteresan ni Sir samantalang mas may itsura naman si Pia kumpara sa'kin.

----------------

A.N

asan na yung mga followers ko?? di ba kayo nagbabasa??

hihihi kinalimutan nyo na ba ako?? huhuhu....

<<<<icefire20>>>>

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon