One Week 4

162 4 1
                                    

Aika's POV

Mula kahapon di na kami nag-usap ni Sir Rich hindi rin naman sya nag-tangkang mag-text sa'kin. Siguru galit din sya. Tulad ko siguru iniisip nya kung ano ba sya sa'kin.

Iniisip ba nya? o nagsawa baka naman hindi na ako nagmamatter sa'kanya kasi bumalik yung mas maganda nyang laruan? Atsaka malay ko ba kung nandun pa yung Natalie na yun pagbalik nila Pia sa office. Hindi ako masyado nakatulog kagabi sa kakaisip na baka mamaya magkasama pa sila at may ginagawang kabalbalan.

"Oi Aika. Magpahinga ka na nga muna namumutla ka." Lapit sa'kin ni Pia sabay abot sa'kin ng bottled water.

Maputla na ba talaga ako? Medyo nahihilo din naman kasi ako. Gawa na din siguru ng puyat at pagod. Tas iniisip konpa ano na ba ako kay sir Rich? Tapos na ba? ano na? narealize na nya ba na LUST nga lang ang nafeel nya sa'kin?

"Hahaha ano ka ba baka nahulas lang ang lipstick ko." Ngiti ko kay Pia sabay inom ng tubig."Bilisan na natin ng matapos tayo ng maaga at makapagbeauty rest tayo. "Kindat ko sa'kanya bago tumayo at lumayo sa'kanya.

Lumabas ako upang icheck kung ayos na ba ang design ng arko sa labas kung maayos na din ba ang registration table.

Medyo nahihilo talaga ako. Napahawak na lang ako sa silya na malapit sa'kin ng magdoble na ang paningin ko. Ang huling naalala ko na lang narinig ko ang pagtili ni Pia.

"Hala Aiks."

At lahat naging black na.

-----------------

Rich's POV

Naiwan ko ang cellphone ko sa office kagabi nagpahinga kasi ako duon kagabi matapos namin ibaba nila Bio ang napamili namin ni Pia. Buti na lang talaga at nag-OT si Bio kundi kami lang ni Pia ang magbaba ng mga gamit.

Hindi ko tuloy nakonpronta sa text si Aika. Saan naman kaya sila nagpunta ni Peter at infairnes talaga palang maganda ang taste ni Aika sa lalake. May itsura si Peter maganda pa ang katawan, maganda ang mata gwapo in short parang ako. Magaling pumili si Aika. Pero... Dahil sa magaling syang pumili nainsecure tuloy ako. Unang una bestfriend sya ni Aika tapos pangalawa tall dark handsome sya. Malay ko ba kung yun ang type nya? Eh Tsinito ang gwapo ko. At higit sa lahat.. Binata si Peter walang pananagutan.

Napaupo ako sa swilve chair ko. Napatingin sa cellphone ko. At muling sumandal sa sandalan.

I only have 4 days. At the end of this deal ano ang magiging pasya ko? Kaya ko bang sirain na ng tuluyan ang pamilya ko para sa sarili kong kaligayahan? Mahal ko na nga ba talaga si Aika? Tama ba na hayaan ko ang sarili kong magmahal ulit? Paano ang mga anak ko? At higit sa lahat paano kung may gusto din si Peter kay Aika? Pakakawalan ko ba si Aika dahil alam ko na mas bagay sa'kanya at makakabuti sa'kanya si Peter.

((((((Rrrriiinnnggg)))

Napapitlag ako ng biglang nagring ang phone sa office wala nga pala ang secretary ko at kasama din nila Aika sa pag-aayos ng Venue. Wala masyadong tao sa Office katunayan ngayon parang wala akong nakitang tao kundi ang phone operator.

"Hello?"Sagog ko.

"Hay salamat at andyan ka." Boses ni Libby.

Kinuha ko na ang phone ko at binuksan. Naka-ilang misscall na pala si Libby.

"Oh Lib bakit?" Habang kinakalkal ang phone ko wala man lang text si Aika. Galit pa din ba sya dun sa tungkol kay Natalie? I was about to explain to her everything about Natalie sana kahapon pag kaming dalawa na lang dalawa para makita ko ulit yung mukha nyang nagseselos kaso talaga palang apektado sya kay Natalie.

"Paki naman. Naiwan ko dyan ang laptop ko andito ako sa venue di ako makaalis kausap kasi namin yung sa lightning and foods please Rich nasa table ko lang and don't forget the charger XoXo friend" Lambing ni Libby. Libby is one of a precious friend she's like my twin sister. Kaya sa lahat ng kaibigan ko isa si Libby sa piling babae na nakalapit sa'kin na wala kaming naging relasyon kahit one night stand.

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon