Just Other woman

298 6 0
                                    

Aika's POV

"Hmmmmmmmmm"sarap mag-unat thank you Lord at uwian na.

Tinitigan ko ang cellphone ko.Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ako mapakali kasi di sya nagtext maghapon.

"oi Aiks ano pa minumunimuni mo uwi na tayo."Pagyaya nito.

"Ah.. Oo teka ligpit ko lang ang gamit ko." Iniwasan ko muna tignan ang cellphone ko at baka mainis na ako ng tuluyan sa sarili ko.

Ilang minuto ko lang inayos ang gamit ko atsaka ko niyaya ng umalis si Pia nakikipagbiruan pa sya kay kuya Bio at makatawa si Pia wagas.

"Tuwang tuwa?" Sita ko.

"Hahaha sira kasi to.. "Hampas pa nito sa balikat ni kuya Bio.

"tsss... lika na at tama na yan lovers.." biro ko pa. Nagtaka ako kung bakit namula si Pia

"Lovers ka dyan tara na nga.Babye." paalam nito.

"ingat kayo ah." Kindat pa ni kuya Bio.

"Eeewww.." di ko mapigilang magsabi.

"to naman" at sinundot ako sa tagiliran.

"hahahaha.. Feeling gwapo."Tawanan kami ni Pia bago lumabas ng department namin.

Nagkwekwentuhan kaming dalawa ng magulat ako sa busina. Agad naman akong napatingin sa kotse na bumusina napakunot tuloy ang nuo ko. Sino naman to.

Nanlaki ang mata ko ng ibaba nya ang   salamin.

OO TAMA KAYO.. kayo na manghuhula.. Si sir Rich nga..

Shit hindi ko alam kung bakit nanlamig ang paa at kamay ko. Natetense ako pag-nandyan sya shit.

"Sabay ko na kayo."

Nagkatingin kami ni Pia.

"naku sir out of the way ako."Pagtanggi ni Pia.

"Okay lang idadrop by ka namin ni Aika sa sakayan mo. Diba Aika?" Tingin nya sa'kin yung tingin na para bang sinasabi na makisama.

"Ahhhh..kasi sir.."

"Lika na Aiks"Si Pia na hinila ako.

Pumasok si Pia sa likod ng kotse ni Sir kaya naman matik na. Ako ang mauupo sa harap katabi ni sir. Hindi ko alam kung bakit tila nanlalamig ang paa at kamay ko.

"Saan ka pala Pia?" Tanong ni sir.

"Sir kahit po sa may kanto lang po ako ng 13th Ave okay na ako." Ngiti ni Pia.

"Ganun ba? Naku kakabahan na'tong kaibigan mo at maiiwan sya sa'kin mag-isa."tawa ni sir.

Tumingin naman ako dito ng masama.

Bakit naman ako matatakot sayo???

Kinindatan naman ako ng isang to.. pasaway talaga tumingin na lang ako sa labas.

"Naku sir. Ingatan mo yang kaibigan ko ah.."Sabi pa ni Pia na mukhang wala talagang kamalay malay sa nangyayari samin ni sir.

"Hahahaha oo naman. Ayoko nga nahihirapan yang kaibigan mo."

Muli akong tumingin sa'kanya sabay irap. Ayaw mahirapan? Tingin nya ba nag-eenjoy ako sa katayuan ko ngayon? NAMAN!!!! HE'S MAKING ME FALL FOR HIM!! 😣😣

Kahit na alam naman nyang may asawa na sya at hindi ito tama.

"Naku sir dito na lang po ako."Si Pia.

"Sige teka itatabi ko lang."Si Sir.

"oi bhe ingat ka ha.."Tapik ni Pia sa balikat ko parang gusto kong hawakan ang kamay ni Pia at sabihing wag na syang bumaba ihahatid ko na lang sya.Pero wala akong magagawa kaya tumango lang ako.

Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko ng narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan

Tinignan ko naman si Sir pagbabang pagbaba ni Pia. Tinignan nya ako atsaka

"Tayong dalawa na lang ngayon pano yan?"

Sabay tingin sa daan.

"Tssss..."Sabay tingin ko sa labas.

"Bakit?" Natatawang sabi nito.

"Mahihirapan akong sumakay." Kunwari'y pagalit kong sabi.

"Hahaha ihahatid kita kung saan makakasakay ka ng madali okay na ba yun?"

Hinawakan naman ako nito sa kamay. Kaya napatingin ako bigla sa'kanya.

"Tssss... " iwinaksi ko ang kamay ko.

"Hahahaha.... I really like you Hon." At hinawakan muli ang kamay ko.

Ganito ba talaga ang mga babaero? Ang gagaling magpakilig nakakainis di ko tuloy mabawi ang kamay ko sa'kanya.

"Hmmmpppp.."Hindi ka nga nagtext maghapon."

Oh my G aika ikaw ba talaga nagsabi nun??? Ang landi landi mo magsimba ka nga bukas ha... magmumumog ka ng holy water bukas.

"HAHAHAHAHAHA...." ang lakas ng tawa nya at namumula pa.

"Now you're laughing at me.. Ibaba mo na lang ako sa kanto." Sabay hinila ko ang kamay ko na hawak hawak nya.

Nagulat ako ng ipatay nya ang ilaw ng sa loob ng kotse sabay akbay sa'kin at hatakin ako palapit sa'kanya.

Nanlaki ng husto ang mata ko.My God this is the first time we are trully alone and he.... he put me so close to him.... naman napapaenglish tuloy ako.

"Wag ka ng magalit sa'kin Hon Sobrang busy kasi kanina kaya sinorpresa na lang kitang sunduin."Pinisil pa nito ang balikat ko.

"Hindi ako nagtatampo." Hihiwalay sana ako kaso hinigpitan nya ang pagkakayak sa'kin.

"Okay kung hindi kiss mo nga ako."Paglalambing pa nito.

Golly!!!!

"Joke lang."

"Sir bakit ako?"tanong ko out of the blue.

"Anong bakit ikaw?"Ramdam kong nangingiti sya. Ayaw ko tumingin kasi baka kiligin ako.

"Bakit ako pa?"

"Eh kasi lagi mo kong niloloko eh."Sabi nito."ikaw kasi lagi mo kong niloloko nadevelop tuloy ako."

Hala sya siniko ko sya ng mahina atsaka mabilis na lumayo sa'kanya.

"Develop ka dyan develop develop ka dyan..Ano ka teenager tsura mo." Tawa ko. Sabay tingin sa labas.

"Aray.."tumawa sya atsaka mabilis na ng u-turn.

Nanlaki naman ang mata ko."Oi bakit ka lumiko?"

"Hahahaha don't worry Hindi kita dadalhin sa biglang liko. HINDI PA"

Hindi pa.. He's very vocal to that thing.

"I'm not into that sir."Panlalamig ko.

"Hindi kita mamadaliin."Seryoso na ding sabi nya."Magdrive through lang tayo ha." Pagpapasigla nito.

"Oo ayoko din ng gulo."Alam ko naman kung bakit eh. Alam ko kung bakit hindi kami pwede kumain ng sabay sa isang public place. Kasi kahit kailan hindi kami magiging legal dahil nga may asawa sya diba?

Shit ngayon natauhan ako. He's trying to lighten the mood pero hindi din sa sinabi nya.. :'(

My gosh Aika!!!

You're fallen for him now and I'am certain about that.

Huminga ako ng malalim..

"Burger sa'kin." Yun lang ang sabi ko.

"Copy ma'am"Malambing pang sabi nito.

Ito naman ang katotohanan diba? Hindi talaga ako dapat mafall sa isang 'to hindi dapat maging kami. Hindi dapat ako mahuli sa bitag nya..

Ito ang katotohanan!!!

Kung papatulan ko sya I'll be just  other woman.

---------

hi guys!!!

Hope someday I will here from you again...

ICEFIRE20

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon