kidnap

517 12 0
                                    

Aika's POV

Hindi ko alam pero kaninang m-umaga nakita ko si sir hindi ko maiwasang mailing sa'kanya dahil na din sa napanaginipan ko. BInati nya ako at simpleng binate ko lang din sya pagkatapos nun nag-iwas na ako ng paningin kasi naman nahihiya na ako.Hindi sa'kanya kundi sa sarili ko.


Ngayong break time nagpsya kami ni na pumunta sa isang grocery na malapit samin ng makareceive ako ng text na ikinagulat ko.


[Sir Rich (12:30 pm)


Aika where are you]



Medyo naweirduhan ako kung bakit sya nagtext sa'kin ng ganun pero since boss ko sya need ko din naman magreply sa'kanya.


{Me (12:36 pm)


Sir nasa grocery po kami ni PIa bakit po?]


Nakikinig ako sa sinasabi ni Pia pero di ko din maiwasang hintayin ang reply ni sir sa sinabi ko. Wala pang isang minuto nareceived ko agad ang reply ni sir



[Sir Rich (12:36 pm)


Wala naman hinahanap kasi kita. Wag ka ng mag-abala oang dalhan ako ng snacks]


Talagang sa'kin pa sya nanghingi ng snacks?


[me (12:38)


Sir ikaw nga dapat magpasnack dyan eh]


Napangiti ako ng di oras.


"Hoy bakit pangiti ngiti ka dyan?" Si Pia


"Ha?" halata bang napangiti ako? Sinabi ko naman kay Pia ang napag-uusapan namin ni Sir isa pawala namang masam sa pinag-uusapan naming until.


[Sir Rich (12:40)


Sige snacks tayo mamaya. Paglabas ko sunod ka sa'kin ah]


Dun ako nagulat. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako. Aba hindi basta basta si Sir ah.. Halos lahat ata ng mga ksamahan ko may gusto kay sir eh.. Oh di ba ang bongga kung ako ngayon ang pinagtutuunan nya ng pansin.


[me (12:45)


Joke lang po sir hehehe]


Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa susunod nyang reply.


[ Sir Rich (12:55)


Nagjojoke lang din naman ako]


Ganun?


[Me (12:56)


Nagjojoke lang din naman ako sir ng sinabi kong nagjojoke ako ee]


Hehehehe ano kaya magiging sagot ni sir? Natatawa talaga ako.


"alam mo Aika kinikilig ka wag ka nga nakakadiri ka" comment naman ng kasama kong si Pia na abala pa di sa pamimili ng kung anu-ano.


"hindi kaya" pagtanggi ko pa.. Aminin ko man o hindi nakakaramdam ako ng kilig sa usapan naming ni sir alam kong hindi tama kasi nga may asawa si sir..OO nabasa nyo ng tama MAY ASAWA SI SIR at kung ano man ang nararamdaman ko ay kasalanan na agad


[Sir Rich (12:57)


Hahahaha kikidnapin na kita nyan eh]


Halos lumuwa ang mata ko sa reply ni sir.Ako kikidnapin nya? Oh my God ang lakas makateengaer ni sir hahaha.. Naku sir wag kang ganyan kinikilig lalo ako.


"ouch" nagulat ako ng dagukan ako ni PIA


"nakakainis na yang ngisi mo" Nakasimangot na ito.


"Nakakatawa kasi si sir" explain ko


"Nakakatawa o nakakakilig?" Pagsusungit ni Pia "Naku Aika tigilan mo yan at baka mainlove ka tandaan mo may asawang tao yan"


OO na may asawa na sya kailangan pa bang ipagsigawan na may asawa sya. Pero I don't have the intention to cross the limit naman talaga. Okay na ako na ganito kami ni sir.


"ano ka baa lam ko naman nalilibang lang ako kay sir.



[Me (13:00)


Hehehehe naku sir wala pong panransom ang mga magulang ko mahirap lang kami]


Reply ko pa din kay sir. Hindi ko mapgilan nag-eenjoy ako sa attention na binibigay ni sir.


"alam mo nakakatakot pa dyan baka malibang ka sa'kanya especially na kagagaling mo lang sa pagiging heart broken." Paalala pa ni Pia


"Hindi naman siguru" kahit ako hindi ko marinig ang sinabi ko kay Pia.


[Sir Rich (13:05)


Hindi kita paparansom. Dito ka na maassign sa cubicle ko hehehehe]


Pilyong sagot pa ni Sir.


"Pag yan di mo tinigilan ibabato ko yang cellphone mo." Inis ng sabi ni Pia.


Kaya naman hindi ko na sinagot si sir mahal ko ang cellphone ko nuh atsaka kilala ko si Pia. Pagsinabi nya ginagawa talaga ng isang 'to atsaka okay na ako solve na ako na sa kulitan namin ni sir ngayon.


Pag dating naming sa opisina nagulat na lang ako ng may sumulpot sa likod ko.


"Ayan nakita na kita kompleto na ang araw ko"


Malamang na namula ang mukha ko ng sabihin yun ni sir.. Aminin ko man o hindi kinikilig ako sa biruan naming yung ni sir.


Humarap ako kay sir at lalo ata nag-ini ang mukha ko. Hindi ba mag-iinit ang mukha mo sa kilig kung bubungad sayo yung nakangiting mata ni sir.. Ang bango nyang napakaswabe?Yung tindig nyang nakakaloka.. Bakit ba kasi napakagwapo ng isang ito?


"hahahaha ganun sir ako din nakompleto na ang araw ko kasi nakita na kita eh" biro ko rin.


"Ganun? Hahahaha.. oh sya may meeting lang ako Aika sa iba pa nating client.. Okay na ako nakita na kita." Tinapik pa ako nito sa likod.


At nawala na sya sa paningin ko. Ewan ko lang habang tumatagal parang lalong gumagwapo at parang lalo syang bumabango.


Naman Aika ano ba naman ang pinag-iisi mo? Kaya ka nanaginip ng kung anu-ano..



Oo nga pala yung panaginip ko... hindi kaya mangyari nga yun?



"Hoy Aika tulala ka nanaman dyan.Sinasabi ko sayo pag ikaw nainlove ka dyan sa isang yan ah." Paalala pa sa'kin ni Pia medyo inis na ang itsura nya.


"hindi ah bakit naman ako maiinlove?" tawa ko na lang.


Talaga lang Aika...


Parang kahit ang sarili ko hindi narinig ang sarili ko.


Hindi Aika hindi ka pwede mainlove sa'kanya tandaan mo pamilyadong tao sya okay?


---------------------------


AN


Hanggang kalian kayang sabihin ni Aika sa sarili nya na hindi sya maiinlove sa lalakeng ito?


Abangan... Medyo maselan ang thema ng story ko ngayon kaya pagpasensyahan nyo na kung hindi ko sya agad mabibigyan ng justice ah...



Icefire20


My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon