One week 4.3

173 3 0
                                    

Aika's POV.

Hindi ako hinayaang umuwi mag-isa ni Sir Rich. Mas minabuyi nyang ihatid na ako hanggang bahay. Hindi ko rin naman alam kung bakit natulugan ko sya sa byahe. Siguru dahil na din sa gamot na binigay ni Doc sakin. Sabi nya kasi aantukin talaga ako.

Nagulat na lang ako ng nasa bayan na kami. Tapos ginuide ko na lang si Sir.

"Gusto mo tumuloy?"Alok ko sa'kanya kahit alam ko naman na di sya tutuloy kasi gabi na at babyahe pa sya.

"I want to pero..." tumingin pa sya sa bahay namin. Na mukha din naman kasing tulog na ang mga tao. "Wala pa ako ng lakas ng loob at karapatan na pumasok sa bahay na yan." Sabay nguso sa bahay namin.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

Humarap sya sa side ko kaya humarap din ako sa'kanya.

"I want you to introduce me as your boyfriend someday to your parents. At gusto ko na haharap ako sa kanila ng wala na tayong problemang kakaharapin." Nakatitig sya sa mga mata ko.

What does he means? Does it means...

"I love you"

Does it means totoo yung narinig ko kanina?And what is he planning? Balak nya bang piliin ako?

Ayokong Umasa!

"It's getting late. Baka mag-alala ang family mo. Isa pa may event pa tayo bukas." Tapik ko na lang sa pisngi nya.

" Wala akong goodnight kiss?" Pilyo pa itong ngumiti.

Oh God that smile.

Hinawak ko sya sa pisngi at ginawaran ng halik sa labi. Nagulat naman ako ng pigilan nya ang ulo ko at pinalalim ang halik. Hindi naman nagtagal at naghiwalay din kami.

"Goodnight."Malambing na sabi nya habang magkalapit ang mukha namin at nakatitig kami sa isa't isa. I only have 3 days to enjoy this man. 3 days...

"Goodnight" ngiti ko at tinanggal ko na ang kamay nya sa mukha ko. And start collecting my things. "Pagbaba ko you should leave okay? Baka gabihin ka hihintayin ko ang text mo okay if your in the gate of your house okay?" Yun ang nakasanayan namin.Bago sya pumasok sa bahay nila nagtetext sya sa'kin then I go to sleep. I just want to make sure that he's okay.

"Yes ma'am" sumalado pa.

Ngumiti naman ako at binuksan ang pinto. "Bye keep safe okay."

"Okay goodnight." Atsaka ko lang sinara ang pinto. Pinagmasdan ko pa ang papaalis nyang sasakyan.

Papunta na ako sa bahay ng matigilan akong makitang nakaupo si Pete sa bangketa sa tapat ng bahay namin. At nakatingin sya sa direksyon ng umalis na sasakyan.

Ng narinig nya siguru ang yabag ko tumingin sya sa'kin.

Kinabahan ako dahil seryoso ang mukha ni Pete.

Wait! SIR RICH AND I KISSED IN HIS CAR!

Did he? Did Pete saw us?

Kahit alam ko na maliit ang tsansa dahil tinted ang kotse ni sir. At nakapatay naman ang ilaw sa loob.

Ng malapit na ako sa'kanya atsaka lang sya tumayo.

"Zupp."Medyo naiilang na sabi ko. I just want to lighten up the mood. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa paligid.

"Sino yun?" Promise seryoso talaga ang mukha nya.

"Ah boss ko."Gusto ko ngumiti pero alam kong magiging ngisi lang ang ngiti ko.

"Inihatid ka hanggang dito? Atsaka..." Tinitigan ako ng maigi.

"Atsaka ano? Hahaha." Napakaplastik ng sound ng tawa ko.

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon