fallen for you

242 5 0
                                    

Aiks POV.

"Wala na ba kayong kahit na anong available? Kahit fan na lang?? " sobrang desperada kong sabi.

"Sorry ma'am we only had one room available lahat po occupied." Sabi nya ito na ang pang ilan sa resort na napuntahan namin lahat fully booked atleast ito kahit papaano may isang bakante. Huminga ako ng malalim.

"Okay atleast meron na bang magchecheck out anytime so I can transfer later?" Sabi ko hindi naman kumikibo si sir Rich pero nakikita kong naiinip na sya.

Nagcheck ang babae pero mukhang negative.Ayoko naman alisin ang chance na may makuha kaming kwarto For God sake pagod na pagod ako parang binugbog ang katawan ko.

"Naku maam next day pa ang pinaka malapit na check out."

And then I surrender.

"Guess I have no choice." Nangalumbaba na ako sa counter.

"We'll get the room" para namang nakahinga na ng maluwag si sir rich.

"Okay sir. Paguide ko na lang kayo sa tao namin.

May isang taong nagdala samin sa kwato namin or should I say bungalow??

Oh my nanlaki talaga ang mata ko I didn't expect it to be like this.. isa syang bungalow na ang pinapinto si yung sliding window ba yun o door?? Aba basta.. nakaharap pa sya sa dagat. Sa pelikula lang ako nakakita ng ganito. Nakapagstay na ako sa resort pero sa kubo lang ito hindi modern style..

Pagpasok mararamdaman mo yung pinagsamang lamig ng aircon at lamig ng hangin sa labas. Puting puti ang kwarto akala ko nga nasa heaven na ako. Hahaha...nakaharap yung kamang parang ang sarap higaan sa sliding window di ko alam kung ano yun... hahahaha...kitang kita yung kulay green na dagat... oo blue green kasi yung dagat... aqua blue what so ever is the different between them ganun sya...

Itinuto samin ang gamit ng remote para sumarado ang blinds at kung paano pababain ang tv. Kaya namanpala ito na lang ang natitirang kwarto. Parang pang executive eh.

Wala namang espesyal bukod sa tub na naruon.

Pangsosyal talaga ang kwarto.. May maliit na refrigerator at may table for two meron ding study table. Sa labas ng sliding door eh may yantok na duyan at malalaking unan na puti kasya ang dalawa sa duyan kasi medyo malaki sya sa karaniwan.

All in all... napakaganda ng kwarto na 'to.

Pero kahit anong ganda ng lugar at pagkamangha ko dito hindi pa din maalis aa isip ko ang pakikipagflirt nya kay bianca kanina at yung idea na nasa iisang kwarto lang kami ngaying gabi..

Kaya naman nagpasya akong maligo na lang muna para makapag-isa.Habang kinukuha ko ang damit pamalit ko sya naman tahimik lang nakaupo sa kama na para bang pinagmamasdan lahat ng kilos ko.

Pagkatapos ko makuha ang gamit ko nagsalita sya.

"Hindi ka ba nagugutom?" Concern na sabi nya.

"Bibili na lang ako ng pagkain ko kung magugutom man ako." Walang reaksyong sabi ko sabay pasok na sa banyo.

Naiinis pa din ako sa'kanya.. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin habang pinupuno ko ng mainit na tubig ang tub. Masarap magbabad ngayon sa mainit na tubig at pagod ang katawan ko.

Bakit ba kasi mainit ang ulo mo Rain Aika? Tignan mo nga ang sarili mo. Halatang halatang nagseselos ka kay Bianca. Ikaw pa ba yan. Nainlove ka talaga sa halos isang dekada ang tanda sayo at may asawa na? Isipin mo ngayon pa lang nagseselos ka na kay Bianca lang yun ah paano pa sa asawa nya. ISIPIN MO NGA YAN!!!

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon