One Week 2.2

207 6 0
                                    


Aiks' POV

Gabing gabi na tuloy ako nakauwi dahil sa mga hinabol kong trabaho na hindi ko nagawa.

"Manong dito na lang po."Pagpapatigil ko sa tricycle driver. "ito po ang bayad." Abot ko naman sa bayad bago ako bumaba. Ng makababa ako natigilan ako sa nakita kong taong nakaupo sa bangketa ng bahay namin.

"Hi." ngiti nito habang itinaas lang ang kanang kamay.

Wala pa ding ipinagbago sa itsura nya. Maganda pa din ang pangangatawan nya. Moreno at may nangungusap na mga mata. Pantay pantay ang mga ngipin nya na kung ngumiti kala ko model ng tooth paste.

So anong kailangan kong ireact?

"Long time no see Rain."Si Peter.

Napatingin tuloy ako sa relo ko. Pass 11 na ng gabi. Bakit andito sya?

"Long time no see." sabi ko lang at lumapit na sa gate ng bahay at inilabas ang susi ko. "Anong ginagawa mo dito pass 11 na?" Malamig kong sabi. We parted our ways in a not so nice way. Kaya paano ko sya pakikisamahan? When I don't hear even a single word to him?

"Mangangamusta lang sana ako." Ngiti pa nya.

Humarap ako sa'kanya ng mabuksan ko na yung gate ng bahay namin.

"Nakamusta mo naman na siguru sila mama." ngiti ko. "And I guess you know that I'am doing better. So okay na siguru yun?"Nginitian ko din sya. "Isa pa gabi na you should go home and rest malamang nakakapagod ang byahe mo." Sabi ko na lang akmang papasok na ako ng higitin nya ako at yakapin. Nagulat ako.

"I miss you Rain Aika. I miss you pare" malambing nyang sabi.

Parang may mabigat na kamay ang pumiga sa puso ko. Para bang gusto kong maiyak. I waited for this hug for so long pero iba na ang sitwasyon ngayon. I manage to move on and to love somebody else. Pero... yung somebody na yun hindi kailan magiging akin. I want to cry but I can't.

"Pete pagod ako." At bahagya ko syang itinulak. "Next time na lang tayo magkamustahan. Thanks sa flowers and cake anyway."At tuluyan na akong pumasok sa bahay. Iniwan ko sya at di na tinignan pa ang mukha nya.

Yung amin ni Pete matagal ng tapos.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina.

"Aiks maghanda ka aalis tayo" Si Sir Rich na bigla na lang sumulpot sa cubicle ko. Nag-aayos na kami ni Pia ng mga ginamit namin sa paghihiwahiwalay ng budget.

"Po?" Gulat kong sabi.

"Why? Ayaw ko sumama sa business meeting?" And for the first time tinaasan ako ng kilay ni Sir Rich. " In five minutes sumunod ka na sa parking lot." Yun lang at nawala na sya sa harap namin ni Pia na tulala.

"What was that? parang wala sa mood si Sir."Gulat na sabi ni Pia.

Nagkibig balikat lang ako at "Lahat naman tayo may Bad day baka bad day nya. Anyway Pia baka hanapin ako ni ma'am painform na lang na sinamahan ko si sir Rich sa business meeting."

Kahit alam kong may something na mali sa pangyayari na 'to I choose to obey kasi bali baliktarin man ang mundo boss ko sya.

So... He knows how to abuse his power after all.

Five minutes nagretouch lang ako saglit at hinanda ang bag ko.

Maya maya lang kinakatok ko na ang pintuan ng kotse nya. Binuksan naman nya.

"Get in." Ang pogi naman ng driver na'to lahat tuloy ng tampo ko mula kahapon nawala. Ang pogi nakashades sya at amoy na amoy ang mabango nyang amoy. Nasa fantasy land ba ako.

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon