Mistress

278 9 0
                                    

Aika's POV

Eksaktong alas otso ako pumasok sa opisina upang maiwasan na din ang magkita at magkasabay pa kami ni sir Rich sa umagahan. Hiniram ko din sa papa ko ang kotse nya na matagal na nyang iginigiit na gamitin ko tutal nasa bahay lang naman sya upang maiwasan na sumabay sa'kanya pauwi.

"Goodmorning Aiks." Magandang maganda ang ngiti ni Pia. Parang mag magandang nangyari sa'kanya ng weekends.

"Goodmorning din Pia." Hindi ko alam kung bakit ganun yung feeling. Para bang naguguilty ako makita sila Pia feeling ko anytime pwede nila malaman ang nangyari samin ni sir.

"Okay ka lang ba?"nagtataka namang sabi nito.

"Oo medyo di lang okay ang pakiramdam ko." Which is totoo naman hanggang ngayon masakit pa din ang katawan ko at feeling ko nilalagnat din ako. Kaso pumasok ako dahil madami ng inutos sa'kin si maam Libby.

"Naku" hinipo ako nito." Mainit ka nga uminom ka na ba ng gamot?" Tanong niya sa'kin.

"Okay lang ako."kindat ko. Atsaka inayos ang desk ko.

"Napagod ka siguru nung friday."

Bigla akong Napatinginà sa'kanya.Anong ibig sabihin nya sa sinabi nyang napagod ako ng friday? May alam ba sya?

"Bakit?"nagtatakang sabi nito."ba't ganyan ang reaction ng mukha mo?"nangunot ang nuo nito. "Hindi ka ba napagod sa cycling?"

Para naman ako natauhan sa sinabi nya. SHIT sobrang paranoid ko.

"Ah... wala may bigla kasi akong nakalimutan naiwan ko yata yung paborito kong ballpen." Palusot ko na lang.

"Sus akala ko naman may nasabi akong ikinabigla mo."umiiling na sabi nito."Sige na maiwan muna kita at may iniuto sa'kin si sir Rich."

"O...okay" narinig ko nanaman ang pangalan nya. Napapikit na lang ako.Things will be okay Aiks...

Hayst..

Nagsimula na ako sa mga ibinilin sa'king gawain ni ma'am Libby nagpasya din akong mag headset para walang makaistorbo sakin. Dito sa cubicle ko nagpost din ako ng do not disturb if not business related matters sa desk ko. Sobrang dami naman kasi talaga ng hinihingi sa'kin ni ma'am.

Nakasubsob ako sa work at hindi ko nga namalayan na lunch break na until may tumakip na kamay na dumapo sa notebook na pinagchecheckan ko ngayon ng mga na gawa ko ng trabaho. Napatingin ako sa kamay na pumatong dun may wedding ring ma suot ang kamay. Sino nga ba ang niloloko ko? Hindi ko maiiwasan sa pamamagitan sa pagsubsob sa trabaho ang problema ko.

Tinignan ko ang taong nangisto4bo sakin alam ko naman kung sino sya.At hindi nga ako nagkamali. Bilang respeto na lang din sa posisyon nya tinanggal ko ang earphone ko.

"Yes sir." Kitang kita kong matama syang nakatingin sa'kin feeling ko pinag-aaralan nya ako.Kaya naman nag-iwas ako ng tingin dahil baka mabasa nya dun kung ano ang iniisip ko.

Ilang minuto pa syang nakaganun lang at walang sinasabi.Hindi ko alam kung anong trip nya hindi ako sanay ng ganito sya. Mas sanay ako ng palabiro sya.

"R.A" Nagulat ako ng pumasok bigla si Erol sa cubicle ko na parang ang saya saya at hinihingal pa. Mukhang nagulat din naman si Erol na nasa cubicle ko si sir."Ay sir sorry po andito pala kayo."

"No it's okay I was about to go. May binilin lang ako kay Aiks." Bumalik na yung jolly face ni sir. Pero ng humarap sya sakin sumeryoso ulit ang mukha nya. At para ba syang naguguluhan na hindi malaman atsaka umalis.

"Sige po sir."Hindi pa lubusang nakakaalis si Sir nagsalita na si Erol "Siguru naman pwede na kitang istorbohin lunch na tara kain tayo sa labas." Napansin ko ang natigilan si sir. Tila hinihintay ang sagot ko.

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon