One week 5

189 6 1
                                    

Aika's POV.

Napaka enchanting ng venue just like we want to achieve na achieve namin ang fairy ball. Masquerade ball sana ang tema kaso sabi ni ma'am Libby wag na daw Magmasquerade try naman daw ang fairy ball. Napakaenchated na ng lugar na 'to nagdress ako ng red glittery tube dress na kalahati ng hita ko atsaka flat sandals na may tali tali effect na halos umabot sa tuhod.Minake upan ako ni Pia. Ang cute cute ng pagkakamake up nya sa'kin feeling ko isa akong fairy.Merin kaming parehas na sunflower bracelet sa kaliwang wrist. Kinulot ko in a classy way ang buhok ko at inipitan sa side lang ng nabili naming flower crystal na clip. At isang magandang kwintas na bigay sa'kin ni Sir Rich. Ito yung regalo na iniabot nya sa'kin ng nagselos ako kay Natalie at sya naman kay Pete.

Isa itong white gold na may japanese character na hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin. Hapon ba si Sir Rich? Akala ko chinese.

"Ang ganda mo naman R.A" si Erol. Kadarating ko lang din kasi sa venue. Dahil din inayos pa namin ni Pia ang function hall na pinagdausan ng General assembly kanina kaya late na din kami ni Pia nakapagbihis.

"Syempre naman alam kong makikita kita eh."Kinindatan ko pa sya. Well feel na feel ko kasi yung eye lashes na nilagay ni Pia sa mata ko.

"Ang swerte naman Erol pinaghandaan ni Aika." Ngiti ni Isr Rich na hindi ko alam kung saan na lang sumulpot. Ang cute ng get up ni sir rich parang si Aladdin ang gwapo nya.

"Lahat naman po pinagpagandahan ko."kinindatan ko din si sir.

Namula naman 'to bigla yung totoo sir? High School?

"Hala si Sir. Namula" nagtawanan sila sir Bio, Pia at Erol.

"Oi si sir lakas makahigh school"Natawa na din ako.

"Ewan ko sa'inyo maiwan ko na nga muna kayo dyan."

At umalis na ng tuluyan ang pulang pulang boss namin.

"Ay kay gana mo kasi ngayon ga kaya tuloy pati si sir eh namula."biro ni kuya Bio.

"Ewan ko sa'inyo hahaha" nailing na lang ako. "Tara na upo na tayo.

Sumama kami sa table ng mga kasamahan namin. Si sir Rich kasi nasa table syempre ng mga VIP.

Nagkaroon ng paraffle at mga palaro. Masaya ang program. Masarap din ang mga pagkain. Mukhang matagumpay naman ang lahat.

"Pia punta lang ako sa CR." Paalam ko kay Pia.

Tinignan ko lang kung maayos pa ang make up ko. Kung may tinga ba ako at naglagay ako ng pabango. Mahaba pa ang gabi. Alam ko kasi may disco pa after nito.

Medyo nagtagal din ako sa cr dahil inayos ko pa ulit ang buhok ko at tinawagan pa ako ni papa kung susunduin ba nila ako. Nagpasundo na lang ako kay Anthon hindi pa kasi syempre pwede si Papa dahil kakaopera lang sa'kanya.

Nagpasundo ako dahil alam kong pagod na din si si Rich dahil isa sya sa nag-assist sa mga malalaking bisita kanina sa assembly para parehas kaming makapagpahinga.

Pagpasok ko nakadim na ang light at may iilan ng sumasayaw sa dance floor.

When you hold me in the street
And you kiss me on the dance floor
I wish that it could be like that
Why can't we be like that.
Cause I'am yours.

Napatingin ako bigla sa speaker. Alam ko 'tong kantang 'to.

"There you are." Ang engkantando ng buhay ko.Sumulpot sa harap ko bago pa man ako makalakad papunta sa table namin

We keep behind close door
Every time I see you I die a little more
Stolen moments that we steel as the curtain falls it will never be enough

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon