One week 5.2

359 10 2
                                    

Aika's POV.

Nag-uwian na ang ilang sa mga kasamahan ko. Ako naman hinihintay ko na lang si Anthon hindi na din ako nagpalit ng damit tutal naman nasa kotse na din ako mamaya hindi naman ako magcocommute. Si Sir Rich nagpalit na ng damit siguru di sya komportable sa damit nya pero ang pogi nya talaga kanina. Ngayon naka Jeans Tshirt at jacket na sya. Ayaw nya ata ng di sya balot na balots chos.

"Aiks di pa tayo makakauwi is that okay with you or magpapaalam na ako?" Si Sir Rich lumapit sa'kin ng mapansin na umalis na din sila PIa. Ayaw pa nga ako iwan kaso alam ko naman na may pupuntahan pa yung dalawa.

"Ay oo nga pala nakalimutan kong sabihin. Susunduin ako ni Anthon. Don't worry about me. Enjoy your time. Just text me once you've got home okay." Ngiti ko.

"Are you sure?" Parang nalungkot ito nakatingin pa din sa'kin.

"Umm ano ka ba baka may makahalata sa'tin. "Saway ko dito.

"Aiks about that.."

Naputol ang sasabihin nito ng biglang magring ang cellphone ko.

"Excuse." Sabi ko bago ko sagutin ang cellphone ko."Hello, nasa labas ka na sige papaalam lang ako lalabas na din ako."Sabi ko atsaka ko pinatay ang cp ko.

"Samahan na kita magpaalam kayla Lib."

Sinamahan nga nya ako magpaalam at nagpaalam din sya saglit na ihahatid ako sa labas.

"Free ka ba bukas?" Simula nya habang kinukuha ko sa holding area yung iba ko pang gamit na dala. Yung iba binitbit nya. Umangal ako ng una pero sinabi nya na maiintindihan naman daw yun ng mga taong makakita samin dahil gawain naman daw ng gentleman kahit na boss pa, na tulungan ang babae na magbuhat ng mga gamit nito.

"Free naman ako. Bakit" tumayo na ako bitbit ang ilang pang gamit ko.

"Labas tayo?" Nagpunta na sya sa pinto napatigil naman ako sa paglalakad ko papunta din sa pinto.

Kaya napatingin say sa'kin.

Pwede ba yun? Na magdate kami sa labas? Sa mga tao?

"Okay lang ba yun?"takang tanong ko.At nagsimula na ulit maglakad. Sumunod naman din agad sya sa'kinQ

"Oo naman may alam akong magandang puntahan." Ngiti nya.

"Anong oras naman?" Rinig pa namin ang nagkakasayahan na ibang emplayado. Ako kasi pagod na atsaka alam kong di niya maeenjoy ang almost reunion nila kung laging nasa akin ang mata nya. Kaya mas okay ng umuwi.

"Siguru seven sa tagpuan natin tayo magkita" ngiti nya sabay kindat.

"Seven ng morning? Or seven ng gabi?" Ngiti ko din.

Oh God bakit po ba mahal na mahal ko na 'tong isang 'to? Ganun po ba ako kadaling mabola.

"Gabi."bulong nya.

Napatingin ako sa'kanya sa gulat talaga ba? Gabi?

"Bakit gabi?"nakankunot na ang nuo ko."

"Dinner kasi yun Hon."

"Shhh..."at tumingin ako sa paligid "baka mamaya may makarinig sayo." Panlalaki pa ng mata ko kasalukuyan pa din kaming nasa hallway.

"Hahaha...okay lang yun." Sabi nya.

"Anong okay lang yun." Bahagya ko syang siniko.

"Awwww.." tawa sya ng tawa sabay ninakawan ako ng halik sa pisngi..

"RICH!!!" mahina pero madiin na sabi ko. Alam ko nagblush ako dahil nag-init ng husto ang mukha ko.

"Hahahaha... I love you." Kahit naglalakad kami titig na titig sya sa mata ko.

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon