One week 1

209 4 0
                                    

Aika's POV

hayst...

Sobrang nakakasakit sa ulo magbudget para sa annual anniversary nitong company. Ang sakit na ng likod ko. Iprepresent ko pa mamaya to kay ma'am lib for approval then iprepresent namin sa buong committee para kung may objection and suggestion sila. Isa 'to sa mga pinaka nakakapagod yet fulfilling na mga araw sa office. Execution na kasi ng planning namin starting today.And approval and finalization na lang ng budget ang huli naming gagawin.

At sobrang toxic di ko alam bakit sa'kin laging nakatoka ang budget eh kung tutuusin mas porte ko ang program. Taon taon sa'kin to inaasa ni ma'am Lib.

"Ummm." may tumambad na coffee in can sa harapan ko. Ng itinaas ko ang ulo ko. Nagulat pa ako ng sir Rich ang nanduon. Sa sobrang busy ko di ko namalayan na nakalapit sya. Ni hindi ko man lang din sya naamoy.. Hahaha ano ka Aika Aso.

"Naku sir..."malamang sa malamang namumula na ako. Di pa kami masyado nakakapag-usap simula ng nangyari kahapon sa roof top. Nagtext lang kami ng goodmorning at mga text na papasok na.. ingat ect.. Pero yung seryosong usap wala pa. "Nakakahiya naman po."

"Ano ka ba mahirap yang ginagawa mo." pinat nya ako sa ulo. Ano ba talaga ako Aso? Gustong gusto ko yung paghawak nya sa ulo ko. Nadisappoint pa nga ako ng tinanggal na nya yung kamay nya.

"Inumin mo yan kung hindi magagalit ako sayo." At saka umalis sa tabi ko wala ng sabi sabi pa.

Napatingin tuloy ako sa in can na nasa harap ko. Nakakatakot kasi sa ganitong kaliit na bagagy kinikilig yung puso ko. Hmmmm... Naku ka talaga Aiks.. Yung ginawa mo kahapon?? Naghukay ka na talaga ng sarili mong libingan.. Pero... masisi nyo ba ako?? nagmamahal ako eh.. Charot..

"Aiks."Si ma'am lib naman ang dumating sa cubicle ko.

"Yes ma'am? "Bigla akong kinabahan ng pagharap ko kay ma'am Lib sa Coffee in Can sya nakatingin. Yung tingin na I-know-where-it-came-from.

"Tapos mo na ba irealign yung budget?" Atsaka lang sya tumingin sa mata ko. Kung ano yung ikinapula ng mukha ko kay sir Rich malamang na yun ang ikinaputla ng mukha ko kay ma'am Libby. "Are you okay?" nag-aalala ngunit may pagdududang sabi nito.

"Ahmm.. Yes ma'am I..I'm okay. Medyo masakit lang po sa ulo ang math" Sabay ngiti pero feeling ko ngiwi na yun eh."Tapos ko na po ang budget. Pwede nyo na po icheck ma'am."

Pinat na ako sa balikat. "Okay then." Lumambot ang expression nito. "Iopen mo na lang sa computer ko then ako na ang bahalang mag-bago if may babaguhin ako. Iwan mo na din yung files natin ng request of funds and yung letter ng board kung how much ang irerelease nilang funds okay? Then remind everyone that we will be having our meeting and funds release at" tinignan nito ang relo. "At 1400H copy?" Nginitian na ako ni ma'am Libby.

Huminga ako ng malalim."Yes ma'am."

"Okay Good" Tumalikod na si ma'am Libby at akma na sanang aalis sa cubicle ko ng muli syang lumingon sa in can at sa'akin.

Promise...

Ng lumingon sya at tumingin sa in can? Halos mahimatay na ako sa kaba.

"Anyway Aiks."at tinignan ako nito. "Don't worry I understand" Atsaka kumindat sa'kin.

What does she means??

Hindi kaya??

Pinilig ko ang ulo ko. I will ask him later. Focus muna ako sa work. Mamaya na lang lunch.

---------------

Ahhhhrrrrgggg sobrang busy ngayong araw ni hindi na kami nagkita after the coffee in can. Gosh para akong teenager na namimiss sya. Sya kaya? Napatingin ako sa cp ko. Kaninang lunch lumabas sya. At di na sya bumalik ni hindi nga sya nagtext sa'kin. Ngayon nga uwian na wala pa rin syang text.

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon