One minute

225 6 0
                                    

Aika's POV

Isang linggo din akong nawala sa opisina at sa loob ng isang linggong yun.Parating dumadalaw si sir Rich sa ospital di nga lang sya nagpapakita kayla mama. Nagkikita na lang kami sa kotse nya dahil dinadalhan nya ako ng food. Hindi naman kasi sya araw araw na dapat makita nila mama at magtataka yung mga yun. Na kung ang boss mo araw araw dumadalaw.

Ngayon nga pumasok na ako. Marami din ang nangamusta at nag-alala sa papa ko. Masaya ako malaman na marami talagang tao ang nagmamalasakit sa'kin. Balik na ulit sa normal ang buhay ko. Marami akong tinapos kaya naiwan na ako sa opisina.Wala ng tao tanging ako na lang. Sa tagal ko kasing nawala naipon na ang trabaho ko.

"Hmmmmm..." unat ko ng makita kong halos pa patapos na ako. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ni sir Rich. Oo tama kayo may kwarto na sya ngayon.Ipinaayos nya lang kasi ang dating kwarto ng isa naming boss na nagbenta ng share kay sir Rich. Ngayon nga na ayos na yun dun na sya nakapwesto.Maghapon ko syang hindi nakita.Ang sabi ni Pia nasa loob daw ng kwarto nya at busyng busy.

Napatingin naman ako sa cellphone ko ni hindi nga nya nagawang magtext sakin ng buong araw.Huminga ako ng malalim

[Sir Rich (2000)

Good pm sir. Coffee?]

Tinitigan ko pa syang mabuti bago magpasyang isend ang text ko.

Huminga ako ng malalim habanga naghihintay hindi ko alam bakit ako kinakabahan.Nagulat pa nga ako ng tumunog ang cellphone ko.

[Sir Rich (2001)

Please come here at my office)

Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan. Ano kayang sasabihin nya.. I miss him. Ngayong araw lang sya di nagparamdam sakin.

Tumayo ako at nagtungo sa kwarto nya.Tatlong katok

"Come in" hindi ko alam kung bakit pero kakaiba talaga ang boses nya. Napakalambing. Binubuhay nun ang katawang lupa ko.

"Are you okay sir?" Inilapag ko sa lamesa nya ang coffee.

"Ummm.."ngumiti sya ngunit yung ngiti nya ay parang pagod na pagod.

"Maybe you need to rest na sir" ngiti ko.Hindi ko din naman kasi alam kung ano ang dapat kong sabihin.

"No I'd rather stay here tonight." Kinuha ang coffee at humigop nuon.

"Ganun po ba? " ngumiti muli ako. Mukhang madami kang ginagawa" tumingin pa ako sa papel na nasa desk nya."I'll better go." Paalam ko naman ayoko naman makaistorbo sa'kanya.

Yun naman ang tayo nya sa upuan nya sabay lapit sa'kin. Nagulat ako ng bigla nya akong higitin ng yakap. "Will we stay for a while like this?" My mind says push him but my heart doesn't follow. Instead of pushing him away iniyaka ko pa nga ang mga bisig ko sa katawan nya. Naging dahilan iyon para lalo nyang higpitan ang pagkakayakap sakin.

"I don't know anong meron sayo Aika pero I really can't resist being around you." His voice is so sincere that I want to believe it. That I almost forget that that he is married.

"Ako rin" mahina kong sabi.I even close my eyes to savour this feeling.

"bakitba kasi ngayon ka lang"mahina nyang bulong.

"Ah.. Sir" I'm about to push him ng higpitan pa nya lalo ang yakap sakin na para bang sinasabi na wag muna ako umalis sakanya.

"I can't just let you go." Huminga ng malalim. "One more minute Aika and going to free you."

"Ummm..." One more minute Aika.. One more minute then please wake up.

It was one of the longest one minute of my life. Para bang nakulong kami sa magical place na kaming dalawa lang. I've been in love for twice and I know this feeling alam ko... pero ayoko aminin..

Dahan dahan syang humiwalay sakin at tinitigan ako atsaka huminga ng malalim.

"You can go home na Aika."atsaka ako tinap sa balikat."thank you for the coffee. Inform me once you get to your home."Malambing na sabi nya.

Ako naman tulala pa rin sa nangyaring yakapan samin. I can still smell his scents.. I can still feel his body against me. My God...

"Ummm.. "tango ko lang at walang sabi sabing lumabas na ng opisina..

"Bakit kasi ngayon ka lang"

Those words...

NO AIKA... HINDI KA KAILANGAN MAGPATANGAY SA MGA SALITA NYA.. KAYA LANG SYA GANYAN KASI MAY GUSTO SYANG MAKUHA.

MY GOD I CAN'T EVEN PRETEND TO MYSELF NA HINDI KO SYA GUSTO...

MY GOD AIKA YOU ARE INLOVE WITH HIM...

--------------------------

ICEFIRE

HI!!!! sana may nagbabasa pa sorry parati ako nawawala... sana yung followers ko sila pa din...

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon