The first encounter..

1K 15 0
                                    

Aika's POV

"naku mag-ingat kayo doon at babaero yung si sir." Sabi ni kuya Bio isa sya sa mga nauna Kong nakasundo dito sa bago Kong trabaho.

Nagtatrabaho ako sa isang kompanyang may koneksyon sa mga sundalo at ang balita ko isang sundalo ang darating naming bagong boss.Kapalit sya ng boss namin na napadala sa ibang branch. Balibalitang gwapo daw ang darating naming boss.

"Ganun?may asawa na ba yun?"

"Oo may asawa na yun."Sabi pa nito.

Hindi ko naman tipo yung mga tipo ng lalakeng may asawa na at higit sa lahat yung babaero.

"andyan na si sir."Kinikilig pang sabi ng is a sa mga kasamahan ko.

Yun naman ang tingin ko sa pintuan ng opisina tumunog ang wind chime na nakakabit doon.Iniluwa ng pinto ang isang maputing lalakeng may magandang tindig.Nakangiti ito at nakalabas ang nagagandahang pantay pantay na ngipin.Ang mga mata nito'y chinito. Ang ilong at Kay tangos..

teka??May asawa na ba talaga sya??

Mabilis na dumako ang mata ko sa singing na suot nya at nanghinayang ako ng makitang may wedding ring ng naroon. Kaya naman mabilis kong tinanggal ang paningin ko sa'kanya.

"Pogi ano?" So Kuya Bio.

"Um.."tango ko amininado naman akong gwapo sya.

"mag-iingat ka dyan"

Nangunot naman ang noo ko sa sinasabi ni Kuya Bio.Marami namang mas maganda sa'kin kaya tiyak na hindi ako pag-iinteresan ni Sir.

"oh you must be Aika" nagulat ako ng may magsalita sa harapan ng table ko.Doon nakatayo ang isang mabango at gwapong gwapong lalake na halos hindi na makita ang mata sa pagkakangiti.

Paano naman nya ako nakilala?

"ah.."napatingin ako kay kuya Bio na mukhang nagpapatay malisya lang. "Yes po sir ako nga"

"good Nice to meet you" at inilahad ang kamay nya sa harapan ko.

"nice to meet you too sir"Kahit na nagtataka ako at paano nya nalaman na ako si Aika nakipagkamay ako.Amazingly his hands is so soft.

"sige" Ngiti nyang paalam.

Ng makalayo na sya doon multi nagsalita si Kuya Bio.

"Sabi sayo eh."iling iling pa.

Nakakapagtaka....

------------
A.N

Bagong mainit na storya nanaman mula sa inyong lingkod.

Sana magustuhan nyo ang pagbabalik ko...

akosiaice

<<<<<icefire20>>>>>

My Boss is my Practice BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon