I am Samantha Marie Sandoval. Nag iisang anak ng nag iisang prinsesa ng Sandoval. Nag iisang anak na babae ang mommy ko, kaya over protective ang daddy nya and even her kuyas.
Pero sabi ni mommy yun daw yung pinaka pinag sisihan nya, na hindi sya nakinig sa mga kuya nya, and sa parents nya. Pero yun din daw ang pinakamagandang nangyari sakanya, kasi dumating ako sa buhay nya.
Sobrang lalim pa ng mga salitang yan. Hindi ko pa sya maintindihan non, pinag sisihan daw nya pero yun yung pinakamagandang nangyari sa buhay nya. After that day hindi na ako nagtanong, magulo pa daw sabi ni mommy. Hindi ko na sya kinulit kasi hindi ko pa din naman maiintindihan eh.
Pag nasa business si mommy, sila tito bantay ko. Actually kahit nandito si mommy may naiiwan pa din sa pito kong tito. I mean is pag nakabalik si mommy saka lang sila naglalakwatsa. Kasi pag wala si mommy sa cctv lang nya kami nakikita. Sakin ok lang naman e. Masaya ako sa simpleng buhay ko.
Pero sila tito ayun nakatunganga lang. Wala silang magawa eh. Prinsesa nga kasi si mommy bunso pa. Spoiled yun pero kontrol pa din. Galing noh! Ako din ganon spoiled pero kontrolado, what i mean is may limit yung bagay na ibibigay o hihingiin ko. So asan yung spoiled don?
Itong pito kong tito ang pinakamagaling na lover ko, guard ko, este body guard ko pero yun talaga gawain nila ipagtanggol at protektahan ako. May chef din ako, oh sya! Sige lahat na sila. Sila na.
Sila yung mga lalaki sa buhay ko.
Let me introduce my uncle's.
Sammy Sandoval - si tito Sammy ang eldest. Sya dapat nag ma-manage ng company hindi ang mommy ko, kaso masyado syang pasaway actually silang pito pasaway. Kaya napunta sa mommy ko lahat ng pressure ng company. Tito Sammy loves golf, soccer and baseball. Jan sya nag focus eh sa puro ball games. Actually, pag basketball ang pinag usapan lahat sila IN don.
Sonny Sandoval - he loves girls! Sya ang playboy sa lahat, anything you need to get a girl just consult him. Wow! Parang doktor lang noh. Well, doktor ng mga babae. Like i said he also loves basketball only basketball. Lahat nga sila kailangan marunong non. Requirements.
Sobby Sandoval - I think sya yung mabait sa lahat, he loves to cook. Culinary yung kinuha nyang course and take note ha, sa ibang bansa pa yan nag ojt (on the job training). Anything you need to know about cooking just consult him. Wow! Doktor ulit! Pastry, baking and cooking dishes expert yan. Sya ang chef sa bahay noh.
Shaggy Sandoval - he loves chess, any board games. Pero most of board games sa chess sya nag eexell. Sya panlaban when it comes to this game.
Shaddy Sandoval - sya yung bad boy sa lahat. Sya yung basagulero, lasinggero, babaero, manokero ayy, hindi pala sya masyadong babaero like tito Sonny. Slight lang pala sya. Pero manokero, totoo yun baliw sa manok yan. Sabunggero yan e. Kambal sila ni tito Shaggy.
Snappy Sandoval - he loves to swim. Yun yung sports nya. He's the joker and tagabara of the family. Ayaw nya sa malungkot. Sakanya ko siguro nakuha ang pagiging wild when it comes to music. Ayoko kasi ng masyadong malungkot na music. May times na gusto ko sila pero mas lamang yung masigla.
Swaggy Sandoval - i like him sa lahat ng tito ko kasi ang astig nya! Ang galing nyang mag karate, saka taekwondo, saka martial arts, saka judo saka ano pa bang tawag don? Ang dami pa e. Basta para sakin sya yung pinaka cool. May alam naman lahat ng tito ko pag dating sa mga self defense na yan pero sakanilang lahat si tito Swaggy ang nag focus sa line na to.
Sa kanilang lahat basta bugbugan walang atrasan yan. Go sila. At pag umatras ka, ikaw ang lagot kaya no choice. Then sa basketball lahat nga sila marunong, paulit ulit ako e! Pero kasi sikat yung team nila tito e. Si tito Sammy shooter nila. Lahat din sila marunong magluto, although mas magaling si tito Sobby. Profession nya yun e.
Yang mga yan may iba't ibang gusto pero they work as a team lalo na pag babae sa buhay nila ang pinag uusapan first is, their mom, next is their sister (my mom) and last is me. They treasure us like a gems. Ganun nila kami ingatan. Kakaingat samin ayun ewan ko kung kelan sila mag sisipag asawa.
Akala ko nga si tito Sonny unang magiging tatay. Babaero kasi.
And lastly....
Shanny Sandoval - my mom. Yung only princess na hindi daw brat. Nag eexcell sya sa lahat. Even sports and other activities. Dun sya sinanay nila tito eh. Ang kayanin ang lahat. Kaya my mommy is so strong. Idol ko yun e, kaya hindi na ako magtataka bakit sya ang maghahandle ng company namin..
Akala ko sa simpleng buhay na meron ako kasama sila, ok na ako don. Akala ko lang pala yun. Yung mga manliligaw ko hindi ko sila sineseryoso. Sa una lang naman magaling yon. Kaya hindi ko minamadali yung love. Ang hirap kasi makahanap ng seryoso.
----------
Katulad ng sabi ko sa profile ko, hindi ako magaling sa english so pag pasensyahan ang mga grammar ko. And pasensya yung typo ah o kaya mali yung spelling hindi ko na edit. Pwede naman sigurong pakiusapan ng sorry yun. Wala namang nakukulong sa pagkakamali ng grammar, spelling and etc. Chos!
This is my first story so bear with it.
Hope you like it.Kung may pangalan ng tao, lugar at pangyayari na katulad o kapareho sa real world. Coincidence lang po yun. Ano mang nakapaloob sa story na to ay galing lamang sa aking malawak na imagination.
All rights reserved.
No part of this story may be reproduced without the permission of the author. -nutty
BINABASA MO ANG
My Seven Uncle's and Me
Teen FictionAng sarap sa feeling na may over protective sayo, lalo na kung hindi mo naranasan na magkaroon ng tatay na nandyan para sayo. Pero, hindi ko man naranasan o naramdaman ang presence ng tatay ko, may pumalit naman hindi lang isa, hindi dalawa kundi pi...