Ilang araw pa ang lumipas, unti unti akong nakapag adjust bilang college. Dumadami na yung ginagawa namin. Ang daming assignments, sabay sabay na quiz. At malapit na din mag exam.
Ganon na ba kabilis lumipas ang isang buwan at kalahati?Makulit din sila Marco, actually si Marco lang. Lagi kasing poker face si Dela vega. Tapos sila Limmuel naman madalas sila lang nag uusap ni Trav. Kaya itong si Marco, kami ng kami ni Audrey kinukulit. Minsan nga ang sarap na nyang sapakin e! Sobra kasi makakulit, akala mo close na namin sya.
Nasa klase kami ngayon, busy mag turo yung prof namin, pero itong si Marco busy din! Busy kaming kulitin ni Audrey.
"So may crush ka nga sakin?" Sabi nya sakin sabay hawak pa sa baba nya at ngumiti! Si Audrey tumingin sa prof nag patay malisya, ako? Tinaasan ko lang sya ng kilay sabay irap. At nakinig sa prof namin. Ako may crush? Sakanya? Wala oy! Kay Dela vega pa pwede! Ay, letse.
Ang kapal pa nga ng muka nya kasi, talagang pinalipat nya si Audrey sa kabilang side para sya yung nasa gitna namin. Feeling close na nga kasi sya! Si Audrey naman tanga tanga lumipat. Naliligaligan na daw sya.
"Mr. Sy! What do you think about that?" Tawag sakanya nung prof namin, shet! Hindi kasi sya nakikinig e.
"About what sir?" Tanong nya pabalik.
"Obviously your not listening to me, ang simple simple ng tanong ko hindi mo masagot. Nevermind. How about you Ms, Sandoval?" Lipat nya ng tanong, kinabahan naman ako don. Takte bakit ako yung tinawag?
"Hmmm....." Hindi ko alam yung isasagot ko kasi obviously din hindi ako nakikinig diba? Ang kulit kasi nitong si Marco. Dapat kasi nung makikinig na ako sakanya, saka sya nag hanap ng matatanong. Bwisit!
"Sir!" Nakita kong nag taas ng kamay si Dela vega, kaya napunta sakanya yung atensyon nung prof namin.
"Sige, mr Dela vega" sagot naman nung prof.
"Why did i take engineering? Because of our business. That's all" walang gana nyang sagot. Ahh yun pala yung tanong, ayaw pa kasi ulitin nung prof ang arte e!
After nang panenermon samin nung prof, natapos na din yung klase namin. Nakakahiya man pero na special mention pa yung pangalan ko at sinabing nakikipag kulitan ako kay Marco. Tanungin ba namang kung mag boyfriend kami! Hindi ba nya ramdam na ayaw ko kay Marco at ang gusto ko yung lalaking laging naka poker face.
Simula kasi nung nag usap kami ng matino, ewan ko parang may part sakin na gusto ko pa syang kilalanin.
Hindi na nga ako masyadong nag susungit. Hmm, pag may time nag susungit ako. Depende sa mood. Hahaha. Ano ba to?! Kinakausap ko sarili ko.
Lumabas na kami ni Audrey, ayoko kasing makipag siksikan don sa iba kong kaklase na akala mo hindi na sila makakalabas ng room, kung mag siksikan. Well, hindi ko naman sila masisisi kasi nag kakaubusan ng upuan don sa susunod naming klase. Masyado kasi kaming marami don sa next subject kulang yung upuan. Nakakahiya naman kung pupunta pa kami don sa kabilang para manghira--
"Dey! Bilis mauubusan tayo ng upuan!" Mabilis na sabi ko kay Audrey, sabay hila sakanya patayo. Mauubusan kami ng upuan?! No way! Ayokong manghiram don sa kabilang room, nakakahiya!
"Sam! Dahan dahan pwede naman natin utusan sila marco, tutal matagal na nyang gustong maging friends tayo!" Sabi nya sabay hinto ng lakad. Napahinto din ako, yeah! Matagal ng nag tatanong si Marco kung pwede daw ba syang maging friends namin ni Audrey. Syempre kay Dey ok lang, sakin hindi. Ewan ko, hindi ko pa sya masyadong kilala at lalaki pa sya. Malamang patay sya kay tito, ay mali! KILA tito pala.
BINABASA MO ANG
My Seven Uncle's and Me
Teen FictionAng sarap sa feeling na may over protective sayo, lalo na kung hindi mo naranasan na magkaroon ng tatay na nandyan para sayo. Pero, hindi ko man naranasan o naramdaman ang presence ng tatay ko, may pumalit naman hindi lang isa, hindi dalawa kundi pi...