C4

283 5 0
                                    

Pag pasok ko sa mall. Dumeretso agad ako sa store ng mga undies.

Pag pasok ko sa loob medyo konti lang yung tao. Buti naman.

Pumunta agad ako sa mga undies na may kapartner na brassiere.

Nag ikot ikot pa ako. Nakapili na ako ng dalawang pares. Naalala ko bilin nga pala ni tito itext ko sya.

To: tito Sonny ^_^

Dito na po ako sa bilihan ng undies :)

Ayoko na nag aalala yun e.

*beep beep *

Binasa ko agad yung reply.

From: tito Sonny ^_^

Ok. Pili ka maganda. Pero yung wag masyadong makulay. Para hindi bakat sa uniform mo.  Enjoy :*

Hindi na dapat ako nabibigla sa mga ganitong text ni tito kasi alam kong babaero sya. Wala na sakanya to. Pero ugh! Nakakahiya talaga.

Tinignan ko yung dalawang pares na nakuha ko kulay light pink and light blue. Ayoko na syang palitan e. Kukuha na lang ako ng black, white and skintone para hindi halata sa uniform ko.

Naghanap ako ng hindi masyadong ma design na style na white and i get a plain black and skintone.

"Excuse me." Tawag ko don sa saleslady

"Pahingi naman ng dalawa neto. Thank you. " then binigay ko sakanya yung skintone na pares. Dalawa non kinuha ko para naman may palitan ako.

"Yes ma'am. " at umalis na yung saleslady.

Nag lakad lakad pa ako hanggang makarating ako sa parteng dulo. At nanlaki yung mata ko ng makita ko si Dela vega dito. Anong ginagawa nung lalaking yon dito?

Naka tago ako sa mga stalls nang stockings. Maya maya may lumapit sakanya na babae. Hanggang balikat yung buhok nya. At nanlaki yung mata ko nung makita ko na, ang laki! Ang laki nung kanya. Wow!  Baka pag pinag tabi yung samin. Yung kanya pakwan yung sakin melon!

Ugh! Ano bang iniisip mo Sam! Umalis na ako sa mga stocking at babalikan ko na yung pinakuha ko. I don't care kung nandito pa sya. Ano namang pake ko?

"Okay na po?" Tanong ko sa saleslady kanina pa siguro nya ako inaantay.

"Ayy. Yes ma'am eto na po. Thank you" at nilagay ko na sa basket ko. Pupunta na ako ng cashier. Kaylangan ko ng makaalis dito.

Nakapila na ako sa cashier. Ako yung nasa pinakadulo. Syempre kararating ko lang e. Stupid Sam!

Nung ako na mag babayad. Dumating na sila Dela vega. At nasa likod ko sya. Kaya rinig na rinig ko yung usapan nila.

"Are you sure bagay sakin to babe?" sabi nung babae. Ang landi nung boses ha! At dito pa talaga mag tatanungan kung kelan nasa cashier na.

"Yeah! Use it later!" Sabi ni Dela vega. Wow. Wala ng laba laba? Kadiri lang.

"Ma'am 14,797 po lahat. Cash or card po? " tanong ni ateng cashier.

"Card. " Sagot ko naman agad.

Then kinukuha ko na yung card ko dun sa wallet kaso ang katangahan ko nalaglag yung card so nung dadamputin ko na may naunang dumampot sakin. Akala ko si tito kasi lalaki. Pero mali ako, si Dela vega pala!

Inabot nya sakin yung card ko. Then kinuha ko naman. Mag t-thank you na sana ako kaso nag salita si loko.

"May tinatakpan ka pa pala! " asar nya sakin! Aba ang walang hiyang to. Anong akala nya sakin? Flat chested?! May laman naman to noh!!!

My Seven Uncle's and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon