"Good morning Sam" bati ni Audrey. Hindi ko maiangat yung ulo ko. Hindi kasi ako makatulog kagabi. Inaantok pa talaga ako.
"Sam" tawag ni Audrey kaso hindi ko pa din sya pinapansin. Ayaw talaga dumilat ng mata ko.
"Sam may quiz dito nag review ka na ba?" Tanong nya. At pagkarinig ko pa lang na may quiz parang nabuhay ang dugo ko. Teka ang alam ko assignment lang meron dito may quiz din pala.
"May quiz?!" Tanong ko. This time nakaharap na ako sakanya.
"Oo nga. Hindi ka ba nakikinig?" Tanong nya. Syempre kung nakinig ako alam kong may quiz ngayon diba? Stupid Audrey!
"Mag rereview muna ako" pagkasabi ko non. Dumating na yung prof namin. Anak ka nga naman talaga. Pag minamalas ka.
"Get a paper and answer this problem" sabi nung prof namin pagdating.
"Pano yan hindi ka nagreview, sayo lang ako naasa pano tayo ngayon?" Tanong ni Audrey. Alam pala nyang may quiz, hindi nag aral ngayon sakin nya isisisi.
"Matalino ka naman e. Ang tamad mo lang." Sabi ko sakanya. Sabay taas ng kilay.
Maya maya dumating si Dela vega nakasimangot.
"Bro bakit ganyan muka mo!" Tanong ni Trav. Sa lakas ng bibig, naririnig ng lahat yung tanong nya, kaya na lipat yung atensyon kay Dela vega.
"Yieee! He's here na! Gaganahan na akong mag aral!!!"
"Ayoko ng matapos tong sem na to! Para naman kasama ko pa din sya!"
"Oy, lumingon sya oh! Yieeee!!!"
Kainis tong mga babae na to! Imbes pag aaral unahin pag lulumandi ang inuuna! Kaya bagsak nakukuha sa quiz at exam si Delavega lang talaga ang pakay nila sa subject na to.
"Magkaaway kayo ni Myca noh?" Tanong ni Marco.
"Oo. Bwisit nakalimutan ko yung promise ko e" sagot ni Dela vega.
"Suyu---" hindi na natapos ni Marco yung sasabihin nya kasi nag salita yung prof namin.
"Mag dadaldalan na lang ba kayo, if your not interested in my subject you two can go out" sabi nung prof.
Bagay lang sainyo yan. Puro babae na lang nasa utak nyo. Mga babaero! Tsk!
"Sorry sir." Sabi ni Marco. Hindi man lang nag sorry si Dela vega.
Maya maya. Lumipat si Dela vega sa tabi ko. Naka patong kasi sa kamay ko yung baba ko. Tapos yung mata ko napapapikit. Hindi sya nakita nung prof namin kasi naka talikod e.
BINABASA MO ANG
My Seven Uncle's and Me
Teen FictionAng sarap sa feeling na may over protective sayo, lalo na kung hindi mo naranasan na magkaroon ng tatay na nandyan para sayo. Pero, hindi ko man naranasan o naramdaman ang presence ng tatay ko, may pumalit naman hindi lang isa, hindi dalawa kundi pi...