"Sam! Ano ba bumaba ka na jan!" Tawag sakin ni tito, hmm medyo malaki yung boses so si tito Sammy yun.
Minsan iniisip ko buti na lang at hindi ako naging tomboy dahil sa puro lalaki ang kasama ko. Aba ikaw ba naman magkaroon ka ng over protective, makulit, pasaway pero masarap kasama na mga tito.
When I was 8 years old, tandang tanda ko non na muntik na akong maging tomboy, nahilig ako sa jersey, sa caps even the large sando's and shirt's kaya napauwi agad ang mommy ko non. At nag bakasyon kaming dalawa ng 2 weeks. Para daw bumalik ako sa pagkababae. Puro mga pambabae yung dala niyang damit ko.
Hindi naman ako tomboy non. Muntik pa lang naagapan pa. Tapos after nung vacation bumalik si momny sa Singapore then bumalik sya dito sa Pilipinas for 1 year. Kaya yung mga tito ko masayang masaya nanaman. Kasi nakakagala sila. Talagang tinatak ni mommy sa isip ko na babae ako at babae ako at babae lang ako.
Palipat lipat ng bansa si mommy. Kaya karamihan sa gamit at damit ko imported. Mas madami pa syang pasalubong sakin kesa kila tito. Pano sila puro mukang sapatos lalo na si tito Sammy. Pang hakot daw ng chicks yon. So sa sapatos naiinlove yung mga babae ganon?
"Samantha Marie!!" Ay kabayong malaki! Napabalik ako sa realidad sa sigaw ni tito Sobby. Hala! Ganon ba ako katagal na pre occupied at Samantha Marie na ang tawag sakin. Ganon kasi sila pag galit or seryoso buong pangalan ko na.
"Opo! Pababa na!" Sigaw ko pabalik. Ugh! Nagmamadali ako sa pagsukay ng mahaba kong buhok. Aalis kasi kami ngayon.
--------
"Good morning mga tito!" Bati ko sakanila. Pag inisa isa ko pa kasi baka hindi na ako makakain eh. Ang dami nila nakakangawit sa panga yung salita ng salita eh.
"Good morning!" Sabay sabay din nilang bati sakin. Oh diba?
"What time is it?" Tanong ni tito Swaggy. Oh? Patay nanaman ako.
"7:30" sagot ko habang nakuha ng bacon.
"Anong oras exam mo sa university?" Tanong ni tito Sonny. Oo nga pala. College na ako sa pasukan.
"8:30" sagot ko bago sumubo ng pagkain.
"8:30 pala exam mo 7:30 na hindi ka pa nababa. Nag puyat ka nanaman kagabi noh!" Tanong ni tito Sammy. Medyo seryoso ah. Ang pangit ng aura ngayong umaga.
"Mga tito, nag aral ako kagabi para sa exam, panong hindi ako mapupuyat. Saka kanina pa ako gising parang hindi nga ako nakatulog kasi kinakabahan ako. Hindi lang ako makababa kasi naman wala akong mapiling isusuot na damit" litanya ko sakanila. Tapos nagkatinginan silang lahat. At nagkanya kanya na ng sisihan.
"Sabi ko sainyo nag aral eh!" -tito Shaddy
"Ikaw kasi puro ka isip na nag ga-gadget nanaman e!" Sabi ni tito Sammy sabay turo kay tito Sonny.
"Ayan sinasabi sainyo puro kayo isip!" Sabay na sabi ni tito Shaggy at Swaggy. Tapos nagkatinginan silang dalawa. Tapos sabay din silang napasigaw ng "money for me" tapos nagulat sila kasi pareho nanaman yung sinabi nila. "Ginagaya mo ko!" Nagkasabay nanaman sila. Kaya para matapos na yung dalawa, binatukan sila ni tito Snappy!"Malamang nag gagayahan kayong dalawa! Eh pareho sinasabi nyo eh! Hindi naman kayo yung kambal pero pareho kayo mag isip. Yung totoo huli ka bang lumabas Swaggy? Triplets ba kayo? Wag mong sabihin na sumiksik ka pa sakin bago ka lumabas ha!" Ayan na si tagabara boy! Umarangkada nanaman sya.
"Tama na sisihan, mag si kain na kayo at sasama pa tayo kay princess" seryosong sabi ni tito Sammy. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, sasamahan? Ako sasamahan pa! Anak naman ng tipaklong naman ang tanda ko na kaya. Saka exam lang naman yung gagawin ko eh.
BINABASA MO ANG
My Seven Uncle's and Me
Teen FictionAng sarap sa feeling na may over protective sayo, lalo na kung hindi mo naranasan na magkaroon ng tatay na nandyan para sayo. Pero, hindi ko man naranasan o naramdaman ang presence ng tatay ko, may pumalit naman hindi lang isa, hindi dalawa kundi pi...