Sana pala hindi ko na lang nilingon. Pero Sam kasi yung tawag sakin. Ugh! So Sam din pala sya huh? Iww.
Hindi ko alam ang irereact ko kanina so I decided na umalis na lang. Bakit ba kasi hindi ko makalimutan yung sabay naming pag sabi ng ANO! Tsk!
nakarating ako sa guard house ng lumulutang ang isip! Bakit ko nga ba kasi iisipin yon? E sa pangalan lang naman kame pareho! Saka duh??! It's just a name!
"Natapos mo ba?" - tito Swaggy
"Madali ba?" - tito Sonny
"Nakasagot ka ba?" -tito Shaddy
"Sino yung apat na yun ah! Uupakan ko yun!" -tanong ni tito Sammy at napabalik ako sa realidad. Masyado ko kasing iniisip tong Dela Vega na to."Ahh. Madali lang po. Nakasagot naman ako. Saka yung tatlong pangit na yun wala yun! Nag tanong lang ng pangalan ko! " sagot ko naman sakanila. Confident pa ako.
"Teka? Tatlo? Diba apat bilang natin?" Takang tanong ni tito Swaggy. Oo nga pala apat sila bakit tatlo lang sinabi ko? Ugh! Kung kanina confident pa ako ngayon wala na.
"Sorry tito apat po pala. Pag tatama ko naman sa sagot ko kanina. Yung result po ipopost daw sa portal." Pag iiba ko ng usapan. "Tara na po. Kain tayo sa labas dali! Gutom na ako." Yaya ko sakanila. Medyo natanaw ko na malapit na sila Dela Vega sa guard house kaya niyaya ko na sila tito. Baka mabugbog pa yun. Muka naman syang walang laban.
"Princess!" Tawag ni tito Shaddy
"Po?" Sagot ko naman agad sakanya
"May problema ka ba? Pwede mong sabihin sakin!" Sabi ni tito Shaddy. Medyo nauuna na mag lakad yung iba kong tito."Po? Wala po. Medyo iniisip ko lang yung exam ko kung tama ba yung mga nalagay ko na sagot. Para sure ako makapasok ako dito sa university" palusot ko naman sakanya kahit hindi naman talaga yun yung iniisip ko at muka namang effective.
"Ok lang yun. Pumasa ka man o hindi. Nandito lang kame okay? May second choice ka pa naman na university e. Pwede ka pa don. Tara na nahuhuli na tayo. " tumango lang ako kay tito. Ngayon lang kame nag usap nyan ng ganito. Madalang kasi mangyari na isa lang mag tatanong sakin sanay ako sa madami.
Sa pinaka malapit na lang daw kame kakain kasi gutom na rin naman ako. Pag dating don kanya kanyang order ng pagkain.
"Sino mag babayad?" Tanong ni tito Swaggy
"Ikaw!" Sabay sabay nilang sabi
"Hoy Sonny ikaw magbayad pag sa babae may pambayad ka!" Sagot ni tito Swaggy
"Si Shaddy mag babayad nito!" Sagot ni tito Sonny
"At bakit ako. Si kuya Sammy pag bayarin nyo!" Sagot ni tito Shaddy.Mukang hindi matatapos usapan nila kaya sumabat na ako.
"Ako na mag babayad ako naman nag yaya kumain sa labas e." Singit ko.
"No!" Sabay sabay nilang tutol sa sinabi ko.
"Princess kame na mag babayad" sabi ni tito Snappy.
"Hindi ikaw, ako na" sabi ni tito Sammy
"Ako na" sagot ni tito Sonny
"Ako na lang" sagot ni tito Shaggy
"Hindi na ako na lang!" Sagot ni tito Swaggy." ano ba? Kanina nag tuturuan kayo sino mag babayad ngayon naman nag uunahan kayo sino mag babayad? Yung totoo mga abnormal ba kayo? Princess asan yung bunutan?" Sabi ni tito Snappy. The taga bara attacks. Kinuha ko na yung bunutan
Yung bunutan na sinasabi nya is kung sino mag babayad. Nakalagay yun sa box ko then nakasulat yung pangalan nila malas lang nung mabubunot.
Kinalog ko yung box tapos nilagay ko sa gitna ng mesa saka ako dumukot ng isa. Tapos umupo ako at dahan dahan sinilip yung nakasulat doon. Nang mabasa ko na. Tiniklop ko ulit yung papel. Tapos ngumiti ako ng malaki. Tapos tumingin sakanila na hindi inaalis yung ngiti na yon.
BINABASA MO ANG
My Seven Uncle's and Me
Teen FictionAng sarap sa feeling na may over protective sayo, lalo na kung hindi mo naranasan na magkaroon ng tatay na nandyan para sayo. Pero, hindi ko man naranasan o naramdaman ang presence ng tatay ko, may pumalit naman hindi lang isa, hindi dalawa kundi pi...