Nakarating kami ng coffee shop. Nag ligpit lang si tito sa office tapos si tita sa kusina. Ako tumulong magligpit sa labas. Nag taob ng mga upuan. Maayos na lahat. Pero sila tito hindi pa nalabas sa office. Pumasok kasi don si tita dala yung kaha. Kaya kaming apat naiwan. Si Mina yung waitress tapos si Ric yung sa counter tapos si Roy yung sa loob. Taga gawa ng kape. Yung cupcake kasi kay tita yun. Siya nagawa non.
Maya maya lumabas na sila. Mukang hindi maganda benta ah.
"We meet our quota!" Masayang sabi ni tita. At ang laki ng ngiti nya.
"Mukang dapat nandito lagi si Sam. Para marami tayong customers. maaga ako bukas para naman makapag bake ako." Sabi ni tita Elaine.
"Babe pwede naman wag na natin isali si princess dito" sabi ni tito
" 'Sya nag hakot ng customers. Kaya kasali sya. Guys! One week lang na mag tuloy tuloy ang pag meet ng quota natin mababawi na natin yung unang nalugi ni Sonny. Next 1 month na sunod sunod na quota na natin. Baka makapag dagdag na tayo ng tao. At hindi na kayo mahihirapan. " masayang balita ni tita Elaine. Yung mga kasama namin naka ngiti si tito nakasimangot. Pano isang buwan pa bago nya ako tanggalin dito.
After namin masarado yung shop. Hinatid na namin si tita Elaine. Pero this time pinababa na nya muna kami. Hindi ko pa kasi nadadalaw yung bahay nila.
"Good evening ma" bati ni tita Elaine. Nandito pala mama nya.
"Good evening anak" sagot naman nya
"Good evening po ma" bati ni tito.
"Good evening Sonny. Oh sino itong magandang dalaga na kasama nyo?" mukang mabait din sya katulad ni tita Elaine.
"Good evening po" nakangiting sabi ko.
"Good evening" sagot nya. "Sonny hindi mo man lang sinabi na may maganda ka pa lang kapatid" dugtong nya.
"Ma, pamangkin ko po yan. " sagot ni tito. Ma na pala tawag nya. So close sila?
"Ahh. Pamangkin. So ang nanay nya ang kapatid mo tama? " tanong nya.
"Opo" sagot ni tito.
"Ang ganda siguro ng mama nya kaya ang ganda ng lumabas. Kaya hindi ako nagkamali sa pag pili sayo para kay Maria" sagot nya. Maria? Sinong Maria?
"Ma! Elaine na lang. " sabat ni tita Elaine. Nakapag palit na pala sya ng damit.
"Anak, hindi ka ba proud sa Maria? " tanong nung mama nya. So may second name pala si tita. Ayy, oo nga pala! Sinabi na nya yun nung nakilala sya nila tito sa restaurant.
"Proud naman ma. Sayo galing yun e. Kaso common kasi masyado. Kaya Elaine na lang ok? Uminom ka na ba ng gamot ha? " tanong ni tita ang alaga nya talaga.
"Oo wag mo na akong intindihin. Oo nga pala. Yung bisita pakainin mo may cookies pa jan sa mesa." Sabi nya.
Tapos umakyat na sya sa taas
BINABASA MO ANG
My Seven Uncle's and Me
Teen FictionAng sarap sa feeling na may over protective sayo, lalo na kung hindi mo naranasan na magkaroon ng tatay na nandyan para sayo. Pero, hindi ko man naranasan o naramdaman ang presence ng tatay ko, may pumalit naman hindi lang isa, hindi dalawa kundi pi...