C6

250 6 0
                                    

Isang linggo na din ang lumipas. At marami ng nangyari. Madaldal din pala si ate Mariz pag nakasundo mo na sya. Medyo hindi na sya naiilang sakin e. So medyo nakakasundo ko na sya. Madalas kami sa kwarto nanunuod ng love story. Ibang klase rin syang kiligin. Mukang nagiging komportable na sya sa side ko kaya pinapakita na nya sakin yung ibang side nya. Although hindi pa kami close. Si ate Elaine kasi nadala nya ako sa daldal. Yung feeling na hindi ka dapat mailang sakanya. Tapos straight to the point sya. Nung may pinili ako sa dress nung nag s-shopping kami. Sabi nya "ayaw ng mga tito mo ng maikli. Palitan mo yan" hindi na sya nag paligoy ligoy. Saka parang kabisado na nya yung ugali nila tito.

Dahil sa pagiging busy ko last week. Busy sa pag kilala sa girl ni tito Swaggy. Nakalimutan kong today is my first day. Yeah! Mamaya na yung pasok ko. 8:30 yung first class ko. Kung hindi pa sasabihin ni tito Sobby na ready na ba ako pumasok ngayon. Hindi ko pa maaalala na pasukan na pala. Stupid Samantha!

Dahil sa may katagalan ang byahe. 7:00 pa lang naligo na ako. Hindi naman sa excited pero mainam na yung maaga kesa late. Hahanapin ko pa kasi yung room ko. Pero nung nasilip ko yun. Per building naman e. So sa engineering building lang ako pupunta.

"Good morning tito's" bati ko. Busy sila sa laptop nila. Siguro ngayon sila babawi sa business nila kasi  may pasok na ako.

"Princess kumain ka na." Sabi ni tito Sammy.  Umupo na ako sa mesa. Nilapag ko yung bag ko sa katabing upuan.

"Asan sila tito Shaggy? At Shaddy" tanong ko.

"Maagang umalis princess. Mukang importante kasi sa text na lang sila nag sabi sakin. " sagot nya.

"Ahh. Sige po. Sino mag hahatid sakin? " tanong ko ulit.

"Baka si Sonny na. Dun din kasi ang daan papunta sa coffee shop nya." Sabi ni tito Sammy. Sa dami ng sagot nya sakin. Sa laptop pa din sya nakatingin. Mukang seryoso e.

"Tito, can i ask? what are you doing? " tanong ko.

"Ahh. It's business princess. May bagong labas kasi ng sole ngayon,  so i'm thinking  if mag pa-pa-reserve ako o hindi. " sagot nya. Kaya pala seryoso sya.

"Ano bang mangyayari pag nag pa reserve ka at pag hindi?" Tanong ko.

"Kasi pag nag-pa reserve ako, gagamitin ko yun sa paggawa ng new shoes syempre medyo may kamahalan yung bagong sole, edi tataas yung price ng shoes na gagawin ko." Sagot nya. "Pag hindi naman ako nag pa-reserve my shoes will still as is" dugtong nya.

"Ahh. Ang hirap nga noh! Pero kung yung new sole yung mag papataas ng sales mo bakit hindi diba? Bakit bawal ba mag try muna ng at least 20-40 shoes na may ganung sole? " tanong ko ulit.

My Seven Uncle's and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon