"Good morning world!" Bati ko. Feeling ko antok na antok ako kagabi. Konti lang naman nainom ko pero bakit ganon epekto sakin.
Tumingin ako sa orasan. 9:47 na pala, So hindi na ako makakapag jogging.
Hmmm, Ano kayang magawa ngayon?Nag drive thru nga lang pala kami nung isang araw. Tapos kagabi sa labas kami nag dinner. So it means, wala ng grocery.
Yes!! Makakalabas nanaman ako ng bahay! Pumunta ako sa cr, nag toothbrush at nag hilamos ako. Yung pajama at sando ko pinalitan ko ng t-shirt at shorts. Yayayain ko sila mag grocer!!
"Good morning tito's" bati ko pag baba ko. Lahat sila tutok sa mga laptop. Parang naging internet cafe yung lamesa namin.
"Oh! 25 pesos per hour ah!" Biro ko at nagets naman ni tito Snappy yon.
"Aba manang! Yung internet nyo ang bagal kaya! 20 lang! Tubo ka pa! " balik nyang biro.
Dun lang siguro nila napansin na nandito na ako sa baba.
"Nako! Ikaw manong ha? 25 na per hour ngayon. Ang dami nyo pa. Lugi ako. " sagot ko naman
"Tigilan nyo na yan!" suway ni tito Shaddy. Napatay na pala nila yung mga laptop nila. Ang bilis ah.
"Mga tito nagugutom na ako" sabi ko.
"Sobby may makakain pa ba jan? " tanong ni tito Sammy
"Wala na mag grocery na lang tayo ngayon tapos dun na tayo kumain. Konting tiis na lang princess. Mag bibihis na kami ." sabi ni tito Sobby.
Paakyat na sila sa mga kwarto nila ng bigla akong tawagin ni tito Shaggy.
"Princess!"
"Yes tito?" Tanong ko
"Wala na bang ihahaba yang shorts mo? " tanong nya
"Tito alam ko naman na safe ako kasi kasama ko kaya kayo!" palusot ko
"Fine!" Sabi nya. Oh!? Diba nakalusot.
May pag ka conservative kasi sila tito. Pero yun naman lagi kong palusot. Na kasama ko sila.
------
"Princess, pag may kukunin ka mag sabi ka para may kasama ka pumunta, ok." sabi ni tito Sonny.
Nandito na kami sa supermarket.
Ano pa bang kulang ko sa cr?" tito pupunta ako sa toiletries " sabi ko kila tito.
"Wait for me. I'll go with you. " sabi ni tito Swaggy.
"Anong kaylangan nyo tissue lang diba? " tanong ni tito Swaggy kila tito.
" facial wash " sabi ni tito Sonny.
"Oo tissue samin, Sonny ikaw na kumuha ng mga ganon mo! Ang dami mo kayang arte sa katawan mo!" Sabi ni tito Sammy
Totoo naman e. Ang dami nyang arte daig pa nya ako. Kaya siguro sya babaero alaga nya muka nya.
"Sa tissue section lang kami pupunta ni princess. Sasamahan ko na din sya kunin yung kaylangan nya para naman yung satin na lang yung kukunin mamaya. " sabi ni tito Swaggy.
Pumunta na kami sa mga kaylangan ko. Nakakuha na kami ng tissue. Tissue na pwede ng ibalot sa tatlong tao.
Nang makuha ko na yung kaylangan ko. Bumalik na kami kila tito. Nasa meat section na sila. Ang bilis nila ah.
BINABASA MO ANG
My Seven Uncle's and Me
Teen FictionAng sarap sa feeling na may over protective sayo, lalo na kung hindi mo naranasan na magkaroon ng tatay na nandyan para sayo. Pero, hindi ko man naranasan o naramdaman ang presence ng tatay ko, may pumalit naman hindi lang isa, hindi dalawa kundi pi...