"BABEEE??!?!" Hindi ko na napigilan pa na mag react sa narinig ko?! What?! Babe? Napatol si tito sa ganyan? Really!!!??? Hindi ka pani-paniwala?!
"Oh yes?! Bakit sino ka ba?! Babae ka ba ni Babe?! Parang hindi naman yata sya papatol sa bata? Hmmm, maliban na lang kung pang hard core ka sa kama!!!" Hindi ko malaman kung pano talaga sya pinatulan ni tito? At ako?! Babae?! Ibilang daw ba ako sa kanila? Si tito parang na istatwa, hindi malaman kung anong gagawin at sasabihin nya. Aba? Himala nangyari yon?
"Oo babae nya ako!" Buong tapang ko syang tinitigan sa mga mata nya, napaatras naman sya ng bahagya. "Babaeng hindi nya iiwan kahit bali-baliktarin man ang mundo, babaeng pipiliin nya over you!!" Saka ako tumingin kay tito.
"I better grab a taxi. I'm going home, TITO!" PINAGDIINAN ko talaga yung TITO para naman alam nya kung saan sya lulugar. Nakakahiya naman kasi kung ako yung mag a-adjust. Saka ako nag lakad paalis.
Naririnig kong tinatawag ako ni tito, pero hindi ako huminto. Dere deretso lang ako. Aba?! Kung sya man yung talagang mahal ni tito, eh wag naman nya akong ikumpara sa mga 'HARD CORE SA KAMA' ano bang paki alam ko don.
Third person POV
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Shaddy, nung mag paalam si Samantha sakanya. Agad syang humakbang para habulin ang pamangkin nya, tinatawag nya ito para huminto pero bigo sya. Dahil bigla syang hinarangan ng mga investors nya.
"That girl is really great! Is that her band?!" Singit nung investor nya. Agad nyang tinignan yung mga bouncers at pinunta ang dereksyon ng ulo sa nilabasan ng dalaga. Agad naman naintindihan ng mga bouncers ang ibig nitong sabihin kaya dali-dali nilang hinabol ang dalaga.
"B-babe I'm sorry. Hindi ko alam na si Sam na pala yon!" Nakayukong turan nya. Pero imbis intindihin ang girlfriend ay agad nyang pinunta ang atensyon nya sa investors.
Lumakad sya ng kaunti para makaharap ang mga ito. "I'm sorry about that. What did you say again?" Pag k-klaro nya, kahit narinig naman talaga ang sinabi ng investor.
"Come on Shaddy, mag i-invest kami pag nakuha mo na yung babae! Mukang magaling e. Ay mali yung term ko, magaling e! I want her to perform again. And pag nakuha nya ulit ang atensyon ng lahat! I will invest my 1.5 Million here! No questions anymore, pipirma ako agad. Basta't siguraduhin mong ganon ulit ang hakot nya ha!" Sabay tapik ng investor sa balikat nya, at saka tumalikod kasama ng mga body guards nito. Agad syang napa suklay sa buhok nya. At hinila yung upuang kalapit saka umupo.
Sa kabilang banda, hindi na nakatiis ang isang binata. Pag sensyas palang ng tiyuhin ng dalaga na sundan ito ay hindi na sya nag intay pa ng ilang sigundo. Agad syang tumalikod at tumakbo papunta sa kabilang side, para hindi halatang yung dalaga nga ang pakay nya. Agad sya lumabas ng bar para sundan ito. Naabutan naman nyang nag tatago sa isang madilim na sulok yung babae, malamang nag tatago ito sa mga bouncers. Agad syang pumunta sa motor nya, para naman hindi sya mahalata na may sinusundan din.
Nag tagal pa ng ilang minuto kahahanap ang bouncers, at nahihirapan na syang mag panggap. Kaya kunwari na lamang ay may tinatawagan syang hindi makontak. At maya maya lang may huminto na taxi sa tapat ng sulok na maraming dahon kung saan nakakubli ang dalaga. Agad nyang napansin na sumakay ito don dahil sa puti nitong heels. At hindi sya pwedeng magkamali. Agad nyang inistart ang motor nya. Samantalang ang mga bouncers naman ay patuloy lamang sa pag ikot sa kabilang side, kung kaya't hindi na napansin na natakas na ang dalaga.
Pinaharurot nya ang motor nya, upang habulin ang sinasakyang taxi nito. Ngunit pag dating sa hi-way ay sandamukal na taxi ang nakikita nya.
"Tangina! Bakit ganito? Hindi ko pa naman kabisado yung bawat anggulo, korte at kung ano ano sa babaeng yon. Nung una maganda, kaso ang tapang masyado! Baka mag sapukan lang kami non araw araw e!" Kinakausap nya ang kanyang sarili. Na tila ba may kumukuha ng komento nya tungkol sa dalaga.
BINABASA MO ANG
My Seven Uncle's and Me
Teen FictionAng sarap sa feeling na may over protective sayo, lalo na kung hindi mo naranasan na magkaroon ng tatay na nandyan para sayo. Pero, hindi ko man naranasan o naramdaman ang presence ng tatay ko, may pumalit naman hindi lang isa, hindi dalawa kundi pi...