C10

215 3 0
                                    

Pagkatapos kong kumain. Umakyat na ako sa kwarto. Humiga agad ako sa kama ko. Gusto ko ng matulog kaso hindi pa ako nakakapag linis ng katawan. Kaya bumangon ako at nag linis ng katawan ko. After non tumayo ako sa tapat ng study table ko. Iniisip ko kung gagawa ako ng mga homeworks ko. Sabado naman bukas? So i think bukas ko na sya gagawin.

Kaya bumalik ako sa kama ko saka humiga. Papikit na yung mata ko ng may biglang may nag text akala ko si mommy. Hindi pa kasi sya natawag. Pero hindi pala.

From: dela vega

Good night. Sweet dreams. Sleep tight and don't let the bedbugs bite. :)

Ha? Nag g-good night si Dela vega? Anong nakain nito at nag text ng ganito. Saka ayoko ng masyadong cheesy.

To: dela vega

Hoy anong nakain mo at ganyan ka mag text?

Nag reply naman sya agad.

From: dela vega

Wala. Bati na kasi kami ni Myca. And it's because of your cake. Masarap daw.

Ano? Your cake? Si tita Elaine kaya nag bake non. Saka masarap daw? So hindi nya tinikman?

To: dela vega

That's great.

From: dela vega

Anong oras ka mag jo-jogging bukas?

Ano ba to? Bakit sya nag tatanong kung anong oras ako mag jo-jogging and besides bakit gusto nyang malaman yung schedule ko. Sa pag kakaalam ko, deal lang namamagitan samin at wala ng higit pa don.

To: dela vega

Hindi ako mag jo-jogging. May pupuntahan ako. Kaya kung ayaw mong matulog. Magpatulog ka!

Reply ko. Hindi na ako mag rereply sakanya. Akala ba nya? Matutulog na ako! Matutulog na!!!!

Nag beep ulit yung cellphone ko. Pero tinago ko sya sa ilalim ng unan. Ang kulit ba nya. Sabi ko maida-date nya lang ako pag napapayag nya si tito. Bakit pati ako kaylangan ganituhin nya. Eh wala lang naman sakin yung date na yun kasi iyayabang lang nya sa mga kaibigan nya yun e. Kahit pa crush ko yon, aba?! Dalagang pilipina to!

Hindi ko na nga babasahin yung reply nya kaso ang kulit nitong kamay ko. Kinuha yung cellphone sa ilalim ng unan. Sige babasahin ko lang hindi ako mag re-reply.

From: dela vega

Saan?

Mag ta-type na sana ako. Kaso naalala ko babasahin ko nga lang pala. Kaya binalik ko na yung phone sa ilalim ng unan. Matutulog na ako. And that's final! Sabi ko sa isip ko.

Sabi ko pagod ako. Pero bakit hindi pa ako makatulog. Pinikit ko yung mata ko. Pero naalala ko yung paalam ni Dela vega kanina.

"Sige. Sorry talaga nag mamadali ako. Bye bubblegum"

"Sige. Sorry talaga nag mamadali ako. Bye bubblegum"

My Seven Uncle's and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon