Chapter 23

1 0 0
                                        

Yehirah's POV

"You are brave, Knox. But still, ang dangerous nun ih. Paano kung hindi lang bleed sa ulo mo ang nangyari?" breaktime namin ngayon, kakatapos lang kasi ng Sociology class namin kaya tumungo kaming lahat agad kay Knox na hanggang ngayon ay nasa hospital pa rin.

"I know, I know. Hindi ko naman puwedeng hayaan na lang yung iba pang mga studyante do'n, 'di ba?" Ani niya at isinubo na ang pagkain na dinala namin para sa kaniya, "Ang sarap nito ah, who cooked this?" Tanong niya, "I did, I'm confused. Bakit hindi tumatalab yung lason na nilagay ko?" Pabirong sagot naman ni Yseult.

Kahit kailan talaga ih, parang hindi mapakali nung araw na 'yon kakaalala kaya tinawagan niya yung Dad niya para kunin si Knox, dalhin sa states at gamutin do'n. Akala ko siya lang naiiba sa amin, ang oa rin pala nito, hihi.

Kuro's POV

"Palabas na ako nun e, nang mahagilap ulit ng mga mata ko yung parehong lalaking nakita ko banda sa bintana nun. Siya pa dahilan ng pagpunta ko sa office ni Ms. Bruiss e." Kuwento ko sa kanila, "Oh pagkatapos anong ginawa mo?" Tanong ni Gale. "Siyempre pumasok ulit ako sa office ni Ms. Bruiss, this time wala na akong kasalanan ha. Nalilito pa si Ms. Bruiss at muntik pa ako sigawan pero sinenyasan ko kaaagad siya." Pagpapaliwanag ko.

THREE DAYS AGO

"Ano na namang ginagawa mo uli—" tumigil sa pagsasalita si Ms. Bruiss nang senyasan ko siyang tumahimik. Lumapit siya sa akin at napasilip na rin sa maliit na butas ng pintuan niya, "Ms. Bruiss, may intruder ata tayo." Ani ko, nagulat naman si Ms. Bruiss at mabilis na kinandado ang pintuan. Tumungo agad siya sa table niya at may tinawagan sa telepono.

>>>

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Knox nang nakapunta na kami sa sinasabi ni Ms. Bruiss na emergency meeting room, namangha ako sa lawak nito, "Araw araw ka rito pre?" Tanong ko pa sa kaniya, nanliit naman ang mga mata ni Knox.

"Sinamahan ko si Ms. Bruiss e." Sunod na sabi ko, "Bakit naman magpapasama sayo si Ms. Bruiss?" Tanong ulit nito, ang daming tanong, "Basta." maikling sagot ko na lamang.

>>>

Knox's POV

"Are you suggesting that we should wait until that man kill all those innocent students?" I asked, they cannot be serious right now. It's such a stupid idea coming all the way here. I could've help my friends.

"Knox, the help is on the way. Violence is not a solution." Said Madame Raven. "Now, where is Lacey and Seht? They should be here by now."

I ignored her. Seriously? It's 30 minutes now and the help is still not here, nag-aalala na ako sa mga kaibigan ko.

I can't just stand here, I should do what I should be doing. Kung hindi nila ako tutulungan, puwes lalabanan ko mag-isa ang gagong 'yon.

"Knox, don't do this." Pagpipigil sa akin ni Madame Raven, "My apologies, Madame Raven. But I don't think you can stop me now." I said and left, sinenyasan ko rin si Kuro na sumunod sa akin.

"Hindi pa rin talaga nagbabago si Madame Raven, ano?" Ani ni Kuro.

TODAY

Kuro's POV

"The end!" Sigaw ko, gulat naman nilang hinampas ang pillow ng sofa sa 'kin.

Thirteen PetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon