Craeji's POV
"10 minutes ka nang late!" pagbubunganga sa akin ni Nami, "Okay lang 'yan, practice pa lang naman 'to." pagrarason ko, nagpapawis lang saglit e.
A WHILE AGO
"Habol lang ako mamaya, may gagawin pa 'ko e." ani ko sa kanila at tumigil sa paglalakad.
"Teka, Crae. Ilang oras na lang magsisimula na yung rehearsal, sa'n ka pupunta?" kunot noong tanong ni Fudgee sa akin habang yung iba ay napahinto na rin at nag-aabang ng isasagot ko, "May pupuntahan lang, promise saglit lang, hehe!" sagot ko naman at mabilis na tumakbo paalis, dinig ko pa ang sigaw ni Nami ngunit hindi ko na lamang ito pinansin, perwisyo kayo sa plano ko e!
. . .
"Just sign here, Ma'am." tugon ng Shipper nang maipadala niya na iyong malaking box, "Okay na po. Maraming salamat po ulit!" ani ko at tumango na lamang siya at mabilis na pinaandar ang truck, "Kuya, tek— a... malas naman oh! Paano ko 'to bubuhatin? Ang taas na nung 3rd floor!" tangina, ilang oras na ata akong late tapos minalas pa.
"Arg..." buntong hinanga ko na lamang nang maipasok ko yung malaking box sa loob ng main gate ng academy gamit lahat ng lakas ko,
"Malas!" sigaw ko ngunit mabilis naman akong napatakip sa bunganga ko nang mag echo ang boses ko sa buong main hall, napa buntong hininga na lamang ako ulit.
Mga ganitong oras kasi on break ang mga guwardya rito sa main hall at walang klase ang mga 11th grade at junior high students during rehearsal namin, hindi rin puwedeng makipag ugnayan ang mga guard sa mga studyante kapag walang permission letter galing kay Madame Raven.
Kaya noong nasa labas ako—duon sa isa pang gate sa labas, walang ibang puwedeng tumulong sa akin magbuhat kun'di ako lamang dahil ayaw kong malaman ng kung sino man sa mga kaibigan ko ang ginagawa ko.
Nilibot naman ng aking mata ang malawak na hall na ito nang mapansin kong may isang pintuan na walang kahit anong nakasulat, "Bahala na, babalikan na lang kita mamaya." bulong ko sa sarili ko at sinimulang tulakin ang malaking kahon.
PRESENT
"Anong practice lang? You missed a lot." saad naman ng nasa likod na si Yseult, "Totoo, sayang boi. 'Di mo narinig kumanta ang pinaka matalik nating kaibigan na si Fudgee." ani ni Leary na nasa likod ko rin katabi ni Kaya,
"Seryoso? Oy, wala man lang nag video? Mga peke amputa." pagmamaktol ko naman, hindi na ako nagulat dahil minsan naaabutan kong kumakanta si Fudge ngunit hindi ito gaano napapansin ng iba sanhi ng hiyang nangunguna sa kaniya. Pero taena, I missed the whole point, hindi ko narinig kumanta si Fudge sa stage!
"Siyempre may video, chill ka lang." sagot ni Leary, itinapik naman ang likod nito ni Fudge.
"Saan ka ba nanggaling?" tanong naman sa akin ni Kuro na nasa likod ko rin katabi si Fudge, taena daming tanong, pulis yarne?
"Basta." maikling sagot ko na lamang,
"Sus. Okay lang, Crae, sabihin mo lang kung nagchochongke ka." pagbibiro ni Kuro, maliit na tawa naman ang pumaligid sa puwesto namin ngayon.
BINABASA MO ANG
Thirteen Pets
RomantizmA school where the friend group called "Thirteen Pets" met. They created memories within each other; where such unexpected things keep happening. The memories that make the friendship going and growing.
