Franchezka's POV
"Nag-aalala rin ako sa ibang mga studyante, huhu. Ayos lang kaya sila?" Ani ko habang palihim na sumisilip.
"Ako rin e, wala ba tayong gagawin? Tanda ko naman ang sabi ni Seht na huwag umalis hanggang sa makabalik sila, pero kasi..." Pagsasangayon naman sa akin ni Nami. Gets ko siya, gusto ko rin naman na may gawin, pero ano? Hindi naman ako marunong makipag suntukan e, baka hindi pa ako nakakalapit himatayin na ako agad sa kaba.
"Right... may ideya ba kayo paano matutulungan kahit papano yung mga ibang astudyante? We can't just sit and hide here while they're facing a life-or-death situation." Ani naman ni Yseult,
"Sa true, huhu. So far wala pa naman akong naririnig na tunog ng baril, we can still do something guys." Sambit ko, hmm... ano kayang dapat gawin namin sa ganitong sitwasyon? Kailangan kong mag isip kahit papano... AH!
"Guys, I have an idea." Ani ko habang pinapaliit ang aking mga mata.
Sa laki ng cafeteria na 'to, imposibleng isa lang ang pintuan dito. Gamit ang pintuan na 'yon, lalabas kami doon dala-dala ang lahat ng mga nakuha namin sa cafeteria storage room na puwede naming magamit sa lalakeng 'yon, maraming ikutan ang campus na 'to at sigurado ako na sa labas ng pintuan na 'yon ay makakalabas kami sa loob ng cafeteria na 'to nang tahimik at makakarating ng hallway kung saan ang iba pang studyante at ang bwisit na lalaking 'yon.
"Leary, kaya at Craeji, pumunta kayo ng storage room at kunin lahat ng puwede nating gamitin sa lalaking 'yon. Gale at Yseult, samahan niyo 'kong hanapin ang isa pang pintuan. Nami, Fudgee at Yehirah kailangan niyong manatili rito at hintayin si Seht. Tawagan niyo na lang kami kung sakaling may hindi magandang mangyari rito. Magkita tayong lahat dito kung saan tayo nagtatago ngayon, gagawa tayo ng plano kung paano natin mapapatumba ang lalaking 'yon."
Leary's POV
"Baka maging murderer pa tayo pag dinala ko 'to." Ani ko at binitawan ang kutsilyo. Napansin naman ako ni Craeji at ngumiti na lamang.
"Uy look, may lubid dito. Kunin natin." Sambit ni Kaya, tumango na lang kaming dalawa ni Craeji.
Bukod sa iba't ibang klase ng pagkain, marami ring kagamitan ang naririto na sigurado naman akong magagamit namin.
"Murderer pa rin ba ang tawag pag dinipensahan lang natin ang sarili natin?" Biglaang tanong naman ni Craeji sa gitna ng paghahanap namin. Ano na naman kayang pumasok sa utak nito?
"Hindi ko alam." Maikling sagot ko na lamang.
Gale's POV
Naghiwalay kami nila Yseult at Fitz sa paghahanap ng posibleng kalalabasan namin, sa laki ba naman ng cafeteria na 'to, napapa O to the M to the G na lang ako, gosh gosh gosh!
Napuntahan ko na ang mga puwede kong puntahan, maliban na lang sa isang silid, supreme's private space. Kung saan ang mga Supreme Students lang ang puwedeng pumasok at kumain dito. Ano bang mangyayari kung papasukin ko 'to? Bahala na nga.
BINABASA MO ANG
Thirteen Pets
Cerita PendekA school where the friend group called "Thirteen Pets" met. They created memories within each other; where such unexpected things keep happening. The memories that make the friendship going and growing. But as they kept experiencing these tough situ...
