Chapter 3: Here And There

24 2 1
                                        

Leary's POV

Inaayos ko na mga dadalhin ko.

"Stay safe, Lea." pag-aalala nito, kagabi pa ako sinasabihan nito na mag transfer na para hindi ko na maranasan ang ganito, sabi ko naman ayos lang kasi exciting.

Niyakap ako ni Ate bago siya umalis.

"This is the room, students." saad nung naga-assist sa amin.

"Wow!" sambit nung isa sa kasamahan namin nang pagpasok namin sa loob.

"Each of you has your own bedroom with a name, if you have a question just use this telephone right beside this door. Enjoy everyone."

Craeji's POV

"Teh, alisin ko na lang kama ko tapos ililipat ko sa tapat ng kama mo para tabi tayo." bulong ko kay Nami,

"Tanga, hindi puwede."

"Anong hindi? Sinong may sabi? Babatukan ko."

"Ako bakit? Ayaw ko, baka bangungutin ako pag makita ko 'yang mukha mo eh." at malakas na humalakhak, napatingin naman yung iba sa amin.

Yseult's POV

"Will do." I said to myself.

"Hey everyone, can we please gather for a moment?" sambit ng isa naming kasama.

We agreed.

"Okay, first of all, I'm Knox. I just wanted to ask you guys what you'd like for lunch? Necessary stocks will not be prepared until later, so I figured I'd buy something for us to eat for now." he said, how generous.

Unfortunately, no one answered.

"Ayos na yung isang dangkal na fries 'ya." saad ng isa naming kasama.

"Siraulo ka ba?" ani ng nasa tabi niya.

I can hear giggles.

"Anybody else? Don't be shy." dagdag pa nito.

Kagaya ng kanina, wala pa ring imik ang kahit isa sa amin.

"Alright. I'll see what I can find." he said and is about to left the door,

"Teka! sama kami ni Fudge bro."

Fudge's POV

Kakalabas lang namin ng Academy pagkatapos magpaalam sa guwardya. Magkakasama kami ngayon ni Knox at Kuro.

"Ayos ka lang ba bro?" tanong ni Kuro habang nakatingin kay Knox.

"Ayos na sana e, kaso nakita kita. Grabe, nabadtrip ako." sagot ni Knox.

"Aba gago ka ah!" sabay tawanan namin.

"Hindi mo ba kami miss, Mr. President?" pagbibiro ko sa kaniya.

"Hindi."

"Tanginamo pakyu!"

Sa paglalakad namin, nakita rin namin ang pinaka malapit na 7/11.

"May fries pre oh!" turo ko nang napatingin si Kuro,

"Nice, thank you sa libre, Knox." ani naman ni Kuro, ang bilis talaga pagdating sa fries.

"Baka hindi ka pa nakakakagat, naaresto ka na kasi wala kang pambayad gago ka." sambit ko rito.

"Hindi, ayos lang. It's on me." saad naman ni Knox.

"Sabi ko nga libre ni Knox, salamat boi." biro ko naman.

Yehirah's POV

Agree talaga ako sa sinabi nung lalaki na isang dangkal na fries, kaso nakakahiya magsalita ih!

Mukhang aircon humor pa naman itong mga kasama ko, pretend muna ako.

"Hey, is this yours?" tanong ng babaeng lumapit sa akin sabay abot ng bracelet na... sa akin nga, "Yes, it's mine. Thank you!"

"No worries, I saw it fall earlier while we're coming here, nahihiya ako nung unang iabot sa 'yo 'yan." aniya,

"Yseult Cortez." sabay iniabot ang palad nito,

"Yehirah Lim po!"

Hindi nagtagal, umabot na sa biruan at tawanan ang usapan namin. Ang cute ni ate, parang sosyalin na kanal humor ih.

"That was so funny, Yehirah. You are like my sister."

"Really po ba? kakilig ka naman po."

"Ayan, po ka kasi nang po." aniya, hindi ko naman mapigilang tumawa.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating din ang isang lalaki at ang dalawa niyang minions, joke!

Inilapag at inilabas nila ang mga binili upang makita namin,

Wow, hindi ko mapigilang isipin na napaka... OA! Ang o-oa naman, for lunch? Ganito karami?

Ang dami ba namang fries, tapos 15 pieces ng different flavors of mogu mogu, 30 pieces of pancit canton, 10 trays of eggs, 20 Cup Noodles, 5 boxes of Pizza at marami pang ibang pagkain at drinks.

"I didn't know what you guys like, so we bought everything we could find." ani nito, nag explain pa siya ih ang dami na nga niyang nabili!

"Except sa mogu mogu guys, 15 binili niya kasi yung dalawa sa kaniya." biro nung isa.

Pabiro naman siyang tinapik nung Knox sa likuran.

"Wow, kung magsalita akala mo ang konti ng fries na kinuha ah?" saad naman ng isa pa nilang kasama.

"Sana makadampot ng kahit konting fries." hindi ko mapigilang magbiro nang magsitawanan naman sila sa sinabi ko.

Hindi namin namalayan na lahat na pala kami tumatawa ngayon.

"'Tamo, may gusto rin ng fries. Hays, may potential talaga ako rito guys. Ano kayo kung wala ako." pabirong saad naman nito at napahawak sa noo niya, he's funny ah!

"You all can continue arranging your things and I'll cook the dinner." saad nung lalaki.

"Teka! kayo na nga bumili ng pagkain, kayo pa magluluto? Kaya na namin ni Nami 'yan, 'di ba Nami?" sambit naman nung nasa likod ko,

"Syempre, pag kami nagluto, pati pangalan ng professor natin, makakalimutan niyo!" ani naman nung isang katabi niya.

Abot tenga naman ang ngiti ko dahil sa hindi mapigilang pagtawa.

"Kami na lang guys, kaya na namin nina Leary, Gale at Kaya 'yan" pabirong saad naman nung nasa couch.

"Alright, alright. Para walang gulo, tayong lahat ang magluluto."

"TAMA!"

"TAMA!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Thirteen PetsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon