Author's POV
"I would like to thank you all for being here to celebrate the New Year together. May this celebration create a wonderful memory for each of us. Thank you, and enjoy the evening." Said Madame Raven.
"Yehey!" everyone was screaming, enjoying the party, and as for them, The Thirteen Pets are making such great memories.
Knox's POV
"Anong new year's resolution niyo?" Tanong ni Kuro, "Akin, magiging mas mabait na ako this year!" Dagdag pa nito.
"Lul! Maniwala baliw." pagbibiro ni Craeji, "Basta ako, hindi na ako mags-settle for less. Hah!"
"Pero nag s-settle ka kay *toot* sa Section H na walang ginawa kundi i-left on delivered ka sa chat?" sambit naman ni Nami na nagpalabas ng sungay ni Craeji, "Aba, gago! Personalan?"
"Ikaw nga hindi pa rin maka mov—" hindi na natuloy ang sinasabi nito nang mabilis na lagyan ng isang pirasong chiffon cake ang bibig nito ni Nami, "Gutom ka na e, halata." sumunod naman ang tawanan namin dahil sa mga inasta nila.
Pansin kong walang umimik sa kanila pagkatapos no'n, bahagya naman silang tumingin sa 'kin.
"Ikaw Knox, anong new year's resolution mo?" Biglaang tanong sa akin ni Gale,
"Ako? Wala naman. Maayos naman takbo ng buhay ko e." aeryosong sagot ko, pansin naman sa kanilang mga mukha na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Anong trip nitong mga 'to?
"Ah, gano'n. My new year's resolution kasi is never na ako gagastos. Makikita niyo." pag basag naman ni Fitz sa kanina pang katahimikan na namumuo banda rito sa 'min,
"Alam niyo na ba yung trend ngayon na Hirono pop mart? Sale ata 'yon ngayon. Balita ko lang." pabirong saad ni Gale, bahagya naman kaming tumingin kay Clae na ngayon ay naka scroll na sa tiktok shop, tawa naman kami nang tawa.
"Lol, Fitz. Basta ako, hindi na makikipag away kahit kailan, 'wag lang nila ako sagarin." giit naman ni Lacey.
"Me, me! Hindi na rin ako gagastos, lalo na sa kung pagkain lang." ayon naman kay Kaya, "Uy same!" napahawak naman sa balikat nito si Leary, ngunit pansin ang dalawang chichiryang hawak hawak nilang dalawa, "Oh? Sabing hindi gagastos, hindi sabing tatanggi sa grasya! Libre na ng school 'to ah." Pagd-deny ni Kaya, "Tama!" Sulsol naman ni Leary.
"Aatupagin ko na pag-aaral ko ngayon kesa maglaro ng ml." tugon ni Fudge, "Kahit ilibre kita dias?" nakangising sambit ni Lacey, "Akala mo maloloko mo 'ko? Hindi ka naman naglalaro ng ml." pagtatanggi ni Fudgee.
Hindi niya alam puro mobile legends ang inaatupag niyan ni Lacey kapag free time niya.
"Parang kahit isa sainyo hindi mangyayari 'yang new year's resolution na sinasabi niyo e." ani Seht,
"Sus! Sus. Ikaw ba Seht, anong new year's resolution mo?" tanong ni Kuro,
"Parehas kay Knox. No new, still me." sagot ni Seht, sabay sandal nito sa sofa habang naka cross arms.
"Corny amp."
"Ikaw Gale?" tanong ko,
"Ako? Ba't mo natanong? Nako, Knox. Sorry pero taken na 'ko." pabirong sagot nito,
"Namo, kadiri." pabiro ko ring sambit.
"Taken? Taken by who?"
"Secret." Sagot ni Gale, "Bwisit!" ani nilang lahat.
Gale's POV
"Baka magselos ka, Nami ah?" sabat ni Craeji, "Magseselos? Kanino? Mema ka." sagutan nila nang bahagya ko namang liningon si Knox na naka tingin kay Nami, bakit ba ayaw pa nila umamin sa isa't isa?
Hay nako.
"Yseult, ikaw? Grabe huh, ang lakas ng boses mo daig pa music na pinapatugtog dito." pansin ko si Yseult na nasa tabi kong tahimik na pinagmamasdan kami.
"My new year's resolution? Wala, may kailangan bang baguhin sa sarili ko?" sagot niya sabay nang namumuong ngiti sa mukha nito, natawa na lang din ako.
Nakuha naman ng atensyon ko si Yehirah na kanina pa natatawa at nakikipag chismisan kay Kaya, "Yehirah, ano sa 'yo?" Bago ko pa man tanungin siya, naunahan na ako ni Knox.
"Me? kung may babaguhin ako sa sarili ko siguro yung sleep schedule ko, matutulog na 'ko nang maaga." nakangiting sagot nito at tinuloy ang hindi matigil tigil na chismisan.
AN HOUR LATER
Leary's POV
"11:58 na!" sigaw nung kung sino man habang kumakanta at sumasayaw ang iba sa 'min.
Dali ko namang binitawan ang UNO cards na kanina ko pang hawak hawak at pinuntahan ang mga kaibigan ko, just to make sure na sabay sabay naming babatiin ang bagong taon.
"Rinig niyo? Bilis pota." mura agad ang narinig ko galing kay Fudge nang makapunta ako roon,
"Ladies and gentlemen, we've eagerly awaited this moment. As the clock strikes twelve, we welcome 2026. It's a pleasure to see you all here. I wish you a year filled with love and peace." sambit ni Madame Raven at tsaka hinarap ang sobrang laking bintana.
"10!" Biglaang sigaw ni Kuro, na ngayo'y susundan na namin.
"9!"
"8!"
"7!"
"6!"
"5!"
"4!"
"3!"
"2!"
"1!"
"Happy New Year!!! Woohooo!!"
"HAPPY NEWWW YEAAAR!!"
"Happy new year, everyone!"
"ANG SAKIT MO 2024!"
"MALIGAYANG BAGOOOONGGG TAOOON!!!"
"BYE BYE 2024!"
Isa isang sigaw naming lahat habang naka akbay sa isa't isa, tinitignan ang malalakas na tunog ng fireworks na nanggagaling sa labas ng bintana. Sumasayaw naman at kumakanta ang iba, humahagulgol naman ang iba sa kanila, nagyayakapan, nagsisigawan, at nagkakasiyahan.
2025, please be good to us.
"Ang saya!" ani ko habang naka akbay pa rin sa mga kaibigan ko, hindi ko alam na ganito pala kasaya na makasama ang mga kaibigan mo na harapin ang bagong taon, ganito pala talaga kasaya kapag totoo ang kasama, nagiging corny na rin tuloy ako.
"Shesh! 2025 na, parang kailan lang ang awkward pa natin sa isa't isa sa dorm e, 'di ba?" sambit ni Kuro, habang ginagalaw ang dalawang braso na naka akbay pa rin sa amin.
"Nako 2025, bigyan mo naman ako kahit m.u lang, sige na!" tugon naman ni Gale na naka akbay rin, siyempre.
"Guys, walang iwanan ah?" nakangiting sinabi ni Kaya,
"Syempre!"
"Mga pet peeves ko kayo e!"
"HAPPY NEW YEAR!"
BINABASA MO ANG
Thirteen Pets
RomantikA school where the friend group called "Thirteen Pets" met. They created memories within each other; where such unexpected things keep happening. The memories that make the friendship going and growing.
