Chapter 13: Guess

15 1 0
                                        

"Sino 'yon?" sambit ni Kaya habang punas punas ang basa niyang buhok.

"Hindi ko rin alam e, baka si Lacey." sagot ko.

"Lakas naman ni Lacey, nabuhat ka." sambit muli ni Kaya.

Ewan ko, basta!

Lacey's POV

Mabilis kong inalis ang frog costume ko at inilagay sa labas ng tent namin, ugh! My shoulder hurts.

"Good night, Lacey!"

"U-uh... Good night, Yehirah."

. . .

Kuro's POV

Nagkatitigan lang kaming lahat habang nakaupo, nakapalibot sa iisang table. Tangina, bakit parang ang awkward nilang lahat sa isa't isa?

"Okay, okay, Let me break the silence!" full english na 'yan ha, baka hindi pa kayo matinag d'yan. Tignan lang natin!

"Puwede bang tumahimik ka muna, Kuro. Aga aga e!" pagsita naman sa akin ni Craeji, hmph! Edi 'wag!

"Alright, everyone! Your breakfast is on the way! My apologies for ruining the game yesterday night... Well, I shouldn't be apologizing, No? The rain should! Joke lang! Have a very nice meal, students." mataas na enerhiyang sambit ni Captain Loy, grabe! 'Yan ang gusto ko, positive!

Nami's POV

"Lacey, Thank you pala." ani ko kay Lacey, umupo talaga ako sa tabi niya para lang magpasalamat sa ginawa niya kagabi.

"Ha?" lumingon siya sa akin na para bang nalilito sa sinabi ko.

"Ang sabi ko, Thank you!"

"Uh, yeah? Rinig ko ang sabi mo, pero hindi ko kasi maintindihan, why are you thanking me? What for?" nakakunot ang noo nito, "Hala, tigil tigilan mo ang paghihithit ha!" biro niya at malakas na tumawa.

Ano?! Pati ako nalilito na rin ah!

"Hoy! anong nag h-hit... tsaka anong hindi mo maintindihan? Tinulungan mo kaya ako kagab—" hindi ako natuloy sa pagsasalita nang sumabat si Knox.

"Guys, let's have our breakfast first. Mamaya na 'yan."

Craeji's POV

Magiging statwa na ata ako rito sa kakaupo, kanina pa kasi nakasandal si Nami sa balikat ko. Parang natutulog e, hays kung hindi lang ako mabait.

Nilalanghap ko pa ang simoy ng hangin nang makita ko sa 'di kalayuan si Knox na may kausap na...

"Babae?!" sigaw ko at biglang tinakpan ni Nami ang bibig ko.

"Ingay mo."

"Siraulo? Akala ko natutulog ka!" 'tong babae na 'to, hindi ko na talaga matansya.

"Oo. Kanina ko pa nga sila tinitignan."

"Hindi ka man lang nagsalita?!"

Thirteen PetsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon