A WHILE AGO
Lacey's POV
"Damn, Kasey. You never change, dinadala mo na naman ako sa panganib." Hinihingal kong sambit sa sarili ko habang tumatakbo papunta kay Kasey.
As I approached closely, I can see her. Sitting quietly with her hands firmly crossed, it is as if she's waiting for someone.
"I'm sorry..." She said. "I never meant to hurt you." She continued.
"Let's go, kasey."
Kuro's POV
"Pusang gala, ayan na nga ba ang sinasabi ko!" Ani ko habang nagtatago kasama si Knox. "Wala ka namang sinabi." Sambit naman ni gago.
"Ah, basta. By the way boi, may plano ka na ba?" Tanong ko, "Kuro, mahal ko kayo alam mo 'yan." Ani nito na nagpakunot naman sa noo ko. "Siraulo ka ba? Shabu pa." Konti na lang, kokotongan ko na 'to.
Alam ko namang isa 'to sa kasali sa olympic sport na Judo, pero wala pa rin akong tiwala sa kaniya. Kahit mag sparring pa kami at paulit ulit niya akong natatalo, ay nako, wala akong tiwala sa siraulong 'to.
"Siguro iniisip mong matatalo ako kasi may baril siya, ano?" Bulong nito malapit sa tenga ko. Napapikit na lang ako ng mata, "Knox, alam kong isa ka sa Supreme student, at ang Rank 1 sa campus na 'to, pero para sa 'kin, isa ka lang batang hamog na naghahanap ng away sa kabilang tindahan. Huwag ako, boi." Sambit ko at maliit na tawa ang inilabas ko.
Bumalik kami sa pagmamasid sa lalakeng naka itim, at sa mabuting palad, wala pa siyang ginagawa kundi tutukan ng baril yung mga studyante. Sa gitna ng pagmamasid namin, maraming maliliit na boses at parang papalapit nang papalapit. Parehas kaming lumingon ni Knox kung saan nagmumula ang ingay na naririnig namin, nang madatnan naman namin ang mga kaibigan namin na tumatakbo patungo sa lalakeng nakaitim. Bukod naman don, may mga iba't ibang klaseng mga bagay silang dinadala. Pota, ang aangas!
A WHILE AGO
Gale's POV
Naghiwalay kami nila Yseult at Fitz sa paghahanap ng posibleng kalalabasan namin, sa laki ba naman ng cafeteria na 'to, napapa O to the M to the G na lang ako, gosh.
Napuntahan ko na ang mga puwede kong puntahan, maliban na lang sa isang silid, supreme's private space. Kung saan ang mga Supreme Students lang ang puwedeng pumasok at kumain dito. Ano bang mangyayari kung papasukin ko 'to? Bahala na nga.
Sinubukan kong buksan ang pintuan ngunit hindi ko ito mabuksan. Kahit anong gawin ko, hindi ito bumubukas. Walang kwenta, lakas lakas pa ng loob ko kanina. Makabalik na nga lang.
Yseult's POV
"May nakita ka bang puwedeng labasan?" Tanong ko nang makabalik si Gale.
"Meron e, kaso..." Ani niya, "Hindi ko mabuksan, naka lock."
"Naka lock? Can you take me there?" I said, "Pero, yseult. Ginawa ko na lahat, hindi talaga mabuksan. Huwag na tayo mag sayang ng oras." Pagpapaliwanag niya.
"I can unlock them." Sambit ko, tinanguan na lang ako ni Gale.
. . .
"Eto." Maliit na boses ni Gale. Hmm, supreme's private space. Why didn't I remember this? Just by looking at this padlock, it's pretty easy for me to unlock it.
"Oh gosh! Ang galing!" Napatiling sambit ni Gale nang masaksihan niya paano ko buksan ang pintuan gamit lamang ang mahabang kuko ko sa middle finger ko.
As we entered, we're happy to see another door that has an "EXIT" sign on it, "Let's go. Fitz will be happy to see this."
Fudgee's POV
Maraming kuwento na ang nailabas ng bunganga namin ngunit wala pa rin si Seht at Lacey rito. Nababalisa na rin ako, saan na kaya yung dalawang 'yon.
"Hindi ba't mahihirapan silang makapasok dito kasi mapapansin ng lalakeng 'yon? Lalo na't nakaupo ang mga studyante." Ani ni Nami, may point siya, pero nakalimutan ba niya na iba mag isip si Seht?
"Matalinong lalake si Seht. Kahit ako hindi nape-predict mga susunod niyang gagawin e. Ano pa kaya sa isang tao na kahit pangalan niya ay walang alam." Sambit ko, napatango na lamang si Nami na para bang sumasang ayon din sa sinabi ko.
"Magtiwala po tayo sa isa't isa, we can do this." Maliit at mahinhin na sambit naman ni Yehirah. Tumango tango rin kaming dalawa. We can do this, kami pa.
Ilang minuto lang ang lumipas, nag balik na sila. Dala dala ang mga gamit na nakuha nila.
Franchezka's POV
Napabuntong hininga na lamang ako nang mapansin kong tatlo pa rin sila at wala pa sina Seht at Lacey. Ngunit hanggang do'n lang, may tiwala ako sa dalawang baliw na 'yon.
"Ganito, guys. May nahanap na sila Yseult at Gale ng puwedeng kalalabasan natin. Si Leary, Craeji at Kaya ay may nahanap rin na puwede nating gamitin." Ani ko.
Napaliwanag ko na rin sa kanila ang plano ko at lahat sila ay sang ayon dito.
Humanda kang lalake ka, makita gyud nimo.
BINABASA MO ANG
Thirteen Pets
Cerita PendekA school where the friend group called "Thirteen Pets" met. They created memories within each other; where such unexpected things keep happening. The memories that make the friendship going and growing. But as they kept experiencing these tough situ...
