Leary's POV
Pagpasok ko ng classroom, may nauna na rito. Babae siya at nakatingin lang sa bintana, nasa window seat kasi siya. Umupo ako sa tabi niya, mediyo malayo-layo naman ang bawat upuan kaya okay lang.
"Ay!" hindi gano'ng kalakasang tili niya nang mahila ko ang upuan, naka tiles din kasi kami, kaya gets ko siya.
"Sorry, nagulat ba kita?" tanong ko sa kaniya.
"Obvious ba?" sagot niya, tumingin lang ako sa kaniya.
"Joke! Kanina pa kasi ako rito mula 5 o'clock, by the way Franchezka Itzel nga pala pero you can call me Fitz. Cute pero hindi halata kasi 'di pa tayo close. Eme!" pagpapakilala niya, ngumiti ako.
"Nice to meet you, Fitz. Leary." nakipagkamay ako sa kaniya.
Sa kalagitnaan nang paguusap namin ni Fitz, may isang studyante na pumasok. Tumingin lang ito sa amin at mamaya ay umupo sa tabi ko. "Parang mataray." bulong sa akin ni Fitz, tinawanan ko lang siya.
"Hey, ako nga pala si Gale!" napalingon kami sa gulat, out of nowhere kasi siyang nagpakilala, ang akala pa nitong kasama ko mataray siya. Hanep!
"Hi Gale! I'm Franchezka Itzel but you can call me Fitz, this is Le... ano nga 'yon? Le..a... Oh! Leary! Cute kami pero hindi lang halata kasi hindi pa tayo close, eme!" naunahan niya pa akong ipakilala sarili ko, bahagya namang napangiti si Gale.
Ilang minuto lang ulit, may pumasok na namang bagong studyante. Nakasimangot ito na parang galit na ewan, napatingin naman ako kay Gale na parang maya't maya mag hahasik ng lagim kung makatingin sa studyanteng pumasok.
"It's you! ikaw yung nakabangga sa akin kanina, tapos nung nagsorry, nakasimangot ka? Hmp." ani ni Gale habang nakatingin sa lalaki. Tumingin lang din saglit ang lalaki sa kaniya at umupo sa pinakaunahan..
Tinignan ko naman si Gale na napabuntong hininga, "May araw ka rin sa 'kin."
First day of school may ganitong eksena agad.
"Sino ba 'yon?" tanong ni Fitz kay Gale habang nakasandal ang ulo nito sa kaniyang mga palad, "Binangga ako niyan kanina." sagot ni Gale na tila ba naiinis pa rin.
Sa gitna ng usapan nila may pumasok na namang studyante, pero ngayon dalawa sila. Umupo silang dalawa sa unahan namin ni Fitz, nagtatawanan pa nga sila.
"Tangina mo, hindi ka ba talaga titigil sa kakatawa, Crae?"
"Nakakatawa naman kasi talaga!"
Narinig kong usapan nila.
Hindi nagtagal ay marami na kami rito, isang seat na lang ang natitira. Kailangan bang mapuno 'to?
Kuro's POV
Nakita kong nakaupo si Knox mag isa roon sa unahan kaya umupo ako sa likod niya, ayaw kong tumabi sa kaniya takte! Nasa harapan kasi siya baka ako pa unang tawagin sa recitation, 'yoko.
Kinalabit ko ito dahil tila hindi ako napansin nito. Hindi naman ito kumibo, tangina dahil ba kanina? Nung hindi ko nasagot iyong tawag at mga texts niya? Amp, na para bang girlfriend ko siya e!
"Uy pre! Tinotopak yarn?" sambit ko habang kinakalabit ito, pero ayaw talaga akong pansinin, tantado.
Ilang minuto ang lumipas sa wakas ay nandito na si Fudge, nice, may kasama na akong manuyo kay Knox.
"Inamo! Kumaway ako sa 'yo kanina noong nasa elevator ka hindi mo ako pinansin? Lakas mo." pagkaupo pa lang nito ay mura na agad ang lumabas sa bibig niya, ano ba 'tong mga naging tropa ko. Masyadong bad influence sa mabait na katulad ko, hays.
BINABASA MO ANG
Thirteen Pets
RomanceA school where the friend group called "Thirteen Pets" met. They created memories within each other; where such unexpected things keep happening. The memories that make the friendship going and growing.
