Chapter 25: Enemies

3 0 0
                                        

Kaya's POV

"The best ka talaga magluto kung sino ka man!" isip isip ko habang tinitignan ang hawak hawak kong sandwich na may itlog, tuna, beans and my favorite, mayo. Yum!

"Hanggang kailan ka pipikit te?" sambit na lamang ng aking katabi na si Leary,

"Ano ba, parang hindi ka ganito kapag may burger ka ah? Tse."

"Swerte ka tuesday ngayon at wala silang burger." palag pa nito, hmp, ano namang kinalaman ko riyan sa naka schedule mong burger.

"Ugh, bitin pa." pikit mata kong daing habang naka sandal ang ulo ko sa balikat ni Leary dahil naubos ko na ang sandwich na kanina lang ay hawak hawak ko pa,

"Huy!" iginalaw naman ni Leary ang balikat niya sanhi nang pagkahulog ko galing upuan, "Aah! Aray!" sigaw ko at kinapa kapa ko ang ulo ko, buhay pa ba ako?

"Are you okay?" ani ng pamilyar na boses, dahan dahan ko namang binuksan ang dalawang mata ko... ganito ba talaga 'to, para akong nasa teleserye... ang labo ng mga mata ko...

... ayun lumilinaw na!

Napatayo naman ako nang mabilis nang mapagtanto kong si Archilles pala ang nagsalita. Tinignan ko nang masama si Leary at naka peace sign pa ang walang hiya. Aaah! Nightmare!

. . .

"Bakit mo nga pala ako gustong makita?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang field, kung hindi ako nagkakamali.

"I- I just wanna know how you're doing know... you know, your arm?" sagot nito at napakamot ng ulo, nahihiya ba 'to? Pffp.

"Ah! Okay naman na, thank you... sa pag-aalala." sagot ko,

"No problem. Let's go get an ice cream?" pag-aaya niya sa akin,

"Class hours pa ah? Hindi pa tayo puwedeng lumabas ng academy." nalilito ako, may trip ata 'to.

"Don't worry, I know a way." aniya at hinawakan ang kamay ko, habang tumatakbo. What?! May ganitong side pala siya? Ay teka teka, may balak ba 'tong mag cutting? P-pwes, bahala na! Counted na 'to as a date!

. . .

Malakas kaming nagtatawanan ngayon habang kumakain ng ice cream sa labas ng 7/11, "Ha... ha... teka, hindi na ako makahinga... HAHAHA!" nahihingal kong tawa.

Nagsimula kasi ang kuwentuhan namin sa banda nilang Bcoyar nang maitanong ko sa kaniya 'yon. Nalaman ko rin na siya pala ang main vocalist nila. Natawa ako nung nakuwento niya rin kung paano nabuo ang banda nila sa kadahilanang boring daw sila.

"Ha... n-nga pala, paano mo nalaman yung daanan na 'yon? Ang galing mo rin 'no." sa sobrang curious ko sa kaniya, kung ano ano na lang ang tinatanong ko habang nilalasap ang vanilla flavor na ice cream na hawak hawak ko.

"Oh actually, I wasn't the one who discovered that—it was Knox. Every student who was enrolled here since junior year should know about that already." sagot nito at kinagat ang dulo ng cone sa sorbetes niya.

Teka, si Knox? May past pa palang hindi kinukwento ang Knox namin ah,

"Knox? Kuwento mo nga anong nangyari, bilis!" nananabik kong tugon.

"It was when we were still a junior high, he and Seht had a huge... huge fight..."

TWO YEARS AGO

Thirteen PetsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon