Chapter 9: Thrill

18 1 0
                                        

Author's POV

Ang matamlay at walang ingay na klase ay mabilis na nagbubulungan pagkatapos banggitin ng Professor ang mga katagang iyon.

"Ano pong meron?"

"Tomorrow is our School Field Trip." nang sabihin iyon ni Professor Hizk ay mas malakas na nag ingayan ang mga magkaklase.

"Our very first field trip! Kailangan kong magdala ng pang retouch at skincare!"

"Ilang araw tayo doon, Prof?"

"Kasama ba mga poging athletes sa class S, Prof?"

"May campfire?"

"Laro?"

Isa't isang tanong ng mga magkaklase, ang ingay na iyon ay mabilis namang nahinto ng nagsungit ulit ang Professor.

"Quiet! Listen."

—....

Yehirah's POV

"Nasaktuhan pa talagang darating bukas 'yong parcel ko. Hays!" pagmamaktol ko habang nakasandal sa balikat ni Yseult, bango kasi niya.

"I need to do my skincare mamaya talaga!" ani naman ni Fita.

"Sana makita ko si Archilles bukas." sambit ni Kaya habang naka pout.

"Maybe, we are gathering naman at the field bukas. Pero hanggang doon lang kasi he needs to do his part." saad ni Lacey.

"Anong part ba 'yan? Tulungan ko na." ani nito at maliit na tawanan ang pumaloob sa kwartong ito.

Thirteen PetsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon