Leary's POV
"Buti walang klase ngayon." bulong ko sa sarili ko, kakagising ko lang kasi. Walang klase ngayon kasi binigyan kami ng isang araw or enough para mag ayos at maging komportable sa apartment na titirhan namin temporary, until graduation.
Sa Academy na 'to kasi, 'pag tungtong mo ng 12nd grade, required kang mag stay rito hanggang makaalis ka. Kumbaga nakulong ka na, char!
Anyway, hindi ko pa rin makalimutan mga nangyari kagabi, sobrang saya nilang kasama.
Binuksan ko ang dalawang bintana malapit sa higaan ko, wala pang araw pero nagliliwanag na, ang kagandahan ko.
Ganda ng tulog ko kagabi kaya siguro ganitong oras ako nagising. Gising na kaya ang iba sa amin? Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa CR, naiihi na ako e, bwiset.
"Teka lang!" sigaw ng nasa loob nito nang kumatok ako. Kilala ko ang boses na 'to, minu-minuto ba namang kadaldalan.
"Bilisan mo Fitz! Naiihi na ako."
"Teka nga eh!"
Pupunta na sana ako sa kabilang banyo ngunit ilang segundo lang ay bumukas din ang pintuan, lumabas si Fitz na nakahawak sa tiyan.
"Annong nangyari sa 'yo?" tanong ko sa kaniya.
"Takte, sakit ng tiyan ko." sagot naman nito.
"Ilang baso ba naman ng coke ang nilaklak mo kagabi, siraulo ka." pagbibiro ko rito, totoo naman kasi, kasama niyang uminom si Kaya ng hindi mabilang na basong may laman na coke sabay kain ng pizza. Nagtataka pa talaga e 'no. Masama lang itong tumingin sa akin at dumiretsong kusina.
Pagkatapos ko, dumiretso rin ako sa kusina. Nadatnan kong nagluluto si Knox at sa malapit na mesa ay nakaupo si Fitz habang nakatutok sa gadget nito.
"Galing, cellphone lang pala katapat sa nananakit mong tiyan." biro ko ulit sa kaniya.
"Shh, may binabasa ako..."
"Masakit tiyan mo? Bakit hindi ka nagsabi at naidala sana kita sa clinic?" pag-aalalang tanong ni Knox at napahinto sa niluluto niya.
"Wala 'to, tay." natatawang sagot naman ni Fitz habang nakatingin sa cellphone niya, bwisit talaga.
"Ha?"
"Para ka kasing tatay hahaha. Hindi, seryoso, mawawala rin 'to, konting pahinga lang. Magluto ka na lang diyan."
"Tell me if anything hurts, okay?"
Grabe, napaka concern naman nitong si Knox, parang tatay nga kasi talaga.
"May kailangan pa ba gawin, tay? Tulungan kita." pagbibiro ko kay Knox at natawa naman ito.
"Tigilan niyo nga akong dalawa, aga aga. Also, kaya ko na 'to. Gisingin mo na lang yung iba at sabay tayong mag almusal lahat."
Tumango naman ako rito at kumatok sa mga kwarto ng iba pa naming kasama.
Nagising ko naman ang lahat.
"Amoy ah! Ano 'yan pre? Sarap." unang lumabas si Kuro.
Ilang minuto pa ay lumabas na ang iba at naka upo na kaming lahat sa harapan ng mga masasarap na pagkain.
"Alam mo ba Knox, galit pa rin itong si Gale sa 'yo." ani ni Fitz habang kumakain.
"But I already apologized, 'di ba Gale?" tanong naman ni Knox.
"Nagsorry ka nga pero nakasimangot." sabay rolled eyes ni Gale.
"Okay, sorry. I was just having a bad day that time." seryosong sambit ni Knox.
Hindi na lang umimik si Gale pero bakas sa mukha nito ang tawa na namumuo.
"Oy, baka kayo end game ah!"
"Ayieh!"
"Nakaka offend!" pagbibiro ni Gale.
Tumawa naman si Knox.
"Quits na tayo, ah?"
Kagaya ng kagabi, puno na naman ulit kami ng tawanan at biruan ngayon.
Damn, I've never experienced this before.
. . .
"Leche, ang boring." sambit ni Craeji habang nagpagulong gulong sa carpet.
"Same, lumabas kaya tayo guys?" ani Nami, "Pero teka lang muna, saan nagpunta yung tatlo?" dagdag nito.
"Who?" tanong ni Yehirah.
"Sino? yung tatlong Supremes?" sabat ni Kuro.
Napatingin kaming lahat sa kaniya.
Supremes?!
"HA?!" sabay sabay naming sigaw, eh kasi naman. Kasama namin ang tatlong supremes sa iisang Apartment? tatlo pa talaga sila!
"Oh. My. Gosh." sambit naman ni Gale.
"Ang oa ha, ano naman kung supreme sila?" tanong ni Kuro.
"Siraulo ka ba? Nasa matataas na ranggo 'yang mga 'yan." saad naman ni Fudge habang nage-mml sa tabi niya at nakikinig sa usapan namin.
"Ay, oo nga pala 'no? President yung tropa natin."
"Tangina, ano?!" malakas na mura ni Craeji at mabilis na napaupo.
"OH TO THE M TO THE G?!"
Wala na akong masabi sa mabilis na pangyayari.
"Sinong tropa?" tanong naman ni Nami.
"Si Knox."
Lumingon ako ulit sa gulat, pati si Fitz ay napahinto sa binabasa niya, "Si Tatay yung president?"
"Sinong tatay na naman 'yan punyeta, may anak yung president!?" naguguluhang tanong ni Gale habang ako ay itinatago ang tawa.
"Hindi! para kasi siyang tatay— pero anyways, WHAT THE ACTUAL FUDGE?"
"Teka gagi, rank game 'to." ani naman ni Fudge.
BINABASA MO ANG
Thirteen Pets
RomantikA school where the friend group called "Thirteen Pets" met. They created memories within each other; where such unexpected things keep happening. The memories that make the friendship going and growing.
