This is the NEWLY revised version.
__________THECOLD_ONE___________
Watdapak this iz life pipol! Asdfghjkl! Nakanang naman ito na ata ang napakagandang umaga ng buhay ko! Hohoho! Nakita ko siya nakatayo habang nakatingin ng diretso habang naglalakad papasok sa building namin, ang pogi niya talaga. Bagay na bagay talaga sa kanya ang uniform ng school namin, lalo siyang naging hot dahil sa neck tie niya! Yung buhok niya parang just woke up hair, tapos yung noo niya nakakunot na naman, hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang gwapo niya tignan kapag nakakunot ang noo niya, siya lang talaga ang gwapo kahit nakakunot ang noo. Tapos ang tangkad niya talaga, mas lalo siyang tumangkad ngayon. Emerghed, my future husband. Asdfghjkl.
Wait, babatiin ko ba siya? Holy shiz, kinakabahan ako. Keep calm and talk to Jayce De Los Santos, sabi ko sa isip ko. Ever since first year highschool kami, pero parang wala siyang interes sa mga babae o magkarelasyon sa ngayon, napaka-mysterious talaga netong lalaking to eh! Binilisan ko ang lakad ko para maabutan ko siya bago kami makapasok sa room namin.
"Good morning Jayce!", sabi ko sa kanya sabay ngiti ng malapad. Saglit siyang napatigil at tiningnan niya lang ako, pero holy frick frack kinikilig ako. Nilampasan na niya ko at nagmadali na pumasok sa classroom namin.
My heart, feeling ko mahihimatay ako sa tuwa ng makita ko siya at nakausap kahit ako lang ang nagsalita. Pinikit ko ang mata ko at ninamnam ang happiness na nararamdaman ko sa mga oras na ito.
" First day of school nababaliw ka na naman",inis na sabi ni Zia, bigla akong napadilat at nakita ko ang tatlong babaeng baliw din katulad ko.
"Nakita mo na agad si Jayce noh?", mapangasar na tanong sakin ni Alexa habang nakangisi siya. Na-miss ko sila.
" Yes, of course. What a beautiful morning. I missed you guys!", sigaw ko at nag-group hug kami habang si Zia halatang ayaw, pero alam ko naman na sanay na siya samin. Mga bata palang kami magkakakilala na kami saka pinsan ko si Alexa, habang sina Zia at Joanna childhood bestfriend namin.
" Buong summer magkakasama tayo.", sarkastikong sabi ni Zia samin at kumalas na kami sa group hug namin.
" Ano ka ba! Ganern talaga! Tara na nga sa classroom at baka ma-late tayiz!", masayang sabi ni Joanna at sabay-sabay kaming naglakad papunta sa room.
Sa classroom:
"We will be having a short quiz," sabi ng prof namin na si Mrs. Ong. What the hell I'm not prepared, at ipinamahagi na niya ang mga quiz paper.
"Jusme! First day palang may quiz na agad?", pabulong na sabi ko kay Alexa kasi siya katabi ko. First subject Business Math, ini-explain ni Mam na mga basic math lang ito, kumbaga napag-aralan na nung elementary at high school. Ang problema ko wala akong maalala sa mga lectures noon lalo na kapag math, kahinaan ko ang math anong gagawin ko sa quiz na to? Huhuhu.
" Oo nga! Pahirap agad.", bulong din sakin ni Alexa. Medyo maalam siya sa Math pero hindi niya alam ang sagot ngayon habang sila Zia at Joanna magaling sila sa Math tapos ang layo ng upuan nila samin, nasa harap pa naman kami dahil sa surname ko. Iiyak na lang ako.
Tiningnan ko ang quiz paper ko, ugh, paano to? Anong alam ko sa ending balance, beginning inventory at kung anu- ano pa? Ang sakit sa ulo ng math. Nakita kong nagso-solve si Alexa at siniko ko siya.
"Anong formula?", mahina at pasimpleng tanong ko sa kanya habang patingin-tingin ako sa prof namin baka mahuli niya kong nagtatanong.
"Di ko alam. Trial and error ang ginagawa ko.", sabi niya sakin. Ano ba yun? Ang hirap ng walang alam sa Math.
BINABASA MO ANG
THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]
SonstigesAng mga tao ay may kanya kanyang dahilan kung bakit sila naglilihim. Wag basta basta huhusgahan kasi ang dila ay parang sasakyan kapag nawalan ng preno makakasakit at makakasakit pa din ng tao. ~Arania Jane Alcayde