Lima

431 7 4
                                    

This is the revised version.

__________THECOLD_ONE___________

Arania's POV

OH.MY.GOSH. WAG MONG SABIHIN MAGTATAPAT NA SIYA SAKIN NGAYON? TEKA LANG DI PA AKO READY! HALAAA! 

Hala kapag nagtapat na siya sakin ngayon ng nararamdaman niya, tatanungin niya ko kung pwede bang manligaw tapos sasagutin ko naman siya agad kasi ang relasyon ang pinapatagal hindi ang pangliligaw. Hanggang many years later engage na kami tapos kasalan na! Tapo--

"I can't tutor you on Saturday. I have an important meeting with someone.", walang ganang sabi niya sabay alis. Ano na Jayce? Lagi ka na lang bang ganyan? Walang pake sakin? Jayce mag-effort ka naman na pansinin ako oh, kasi ako todo effort magpapansin sayo eh. Maging patas ka naman. Hay.

Ang hirap pala talaga kapag masyado kang assuming noh? Ni hindi ko pa nga nasasagot na okay lang bigla naman siyang umalis agad. Sino ba yang kikitain mo Jayce? Babae ba? Iniisip ko palang na babae naiiyak na ako.

Makapunta na nga lang sa condo ni Joanna at tawagin ang mga baliw kong kaibigan para damayan ako sa lungkot at pighating nararamdaman ko. Shocks.

"OYY! ABA! NAKAILANG BOX KA NA NG TISSUE DYAN! OK LANG SANA KUNG MAY DALA KA NG SARILI MONG TISSUE EH! PERO WALA. AKIN YANG MGA BOXES NA YAN!", inis na sabi ni Joanna pero alam kong deep inside okay lang sa kanya. Pero ang sakit eh, Jayce paano na tayo?

Joanna's POV

"OYY! ABA! NAKAILANG BOX KA NA NG TISSUE DYAN! OK LANG SANA KUNG MAY DALA KA NG SARILI MONG TISSUE EH! PERO WALA. AKIN YANG MGA BOXES NA YAN!",  sabi ko kay Arania. Paano ba naman nakalimang boxes lang naman siya ng tissue KO. Pumunta pa kasi dito 'tong mga 'to! Mga manggugulo lang yan talaga tong mga ito. Pero mga kaibigan ko sila kaya kahit ganyan sila mahal na mahal ko 'tong mga ito. Kawawang Arania.

"Hay naku, Arania. Wag ka ng umasa pa kay Jayce kasi wala kang pag-asa sa kanya.", sabi ni Alexa habang kumakain ng chocolates. Teka, aking chocolates yun ah! Hindi nagpapaalam kuha na lang ng kuha sa ref ko.

"Tama na yang iyak, napakababaw ng iniiyakan mo. Tara, kain na lang tayong ice cream!", nakangiting alok ni Zia sa kanya. Kalma lang Joanna, mga kaibigan mo sila diba. Pagpapakalma ko sa sarili ko. KASI PATI ICE CREAM KO KINAIN NA.

"HOY! Akin yang lahat na nilalamon niyo!", naiinis na sigaw ko sa kanila. Tumingin sila sakin kaso nagkibit-balikat lang at nagpatuloy sa pagkain. ABA TALAGA!

"Alam mo Joanna, ngayon na lang kami ulit dito sa condo mo. Natural na ang mga bisita ay kakain din dito.", pagpapaliwanag ni Zia habang binubuksan pa ang isa pang gallon na ice cream kasi naubos na niya yung isa kanina. Bisita? Walang bisita na kukuha agad ng mga pagkain nang hindi alam ng may-ari!

"Oo nga, kapag samin naman ganto din kayong lahat eh.", Sabi ni Arania habang nakikikain na din ng ice cream. Kaya pala natahimik na ang bruha sa kakaiyak. Ako naman ata ang maiiyak ngayon. WALA NA.Ubos ubos na naman ang mga supplies ko, kabibili ko palang eh. Paano na kapag nagutom ako?

Naiiyak ako.  

Third Person's POV

"KAYA MO YAN SWORD PINK!"

"GO DARK PHANTOM!"

*PRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRT!*

Tumahimik ang mga maiingay na tao sa paligid, ang hudyat na magsisimula na ang laban namin. Unang sumugod si Swordpink kay Dark Shadow, habang ito naman ay ilag lamang ng ilag na halatang parang tinatamad makipaglaban. 

THE NERDY GANGSTER [NEW VERSION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon